Just Give Me 100 Days

27 0 0
                                    

Hmmmm

Chel na lang po ang itawag nyo sakin ;)

Kakagraduate ko lang sa high school. Simple lang ako at sabi nila mabait daw ako XD hmm mabait din po yung boyfie ko at mahal na mahal niya ako ^_^ Syempre mahal na mahal ko din siya :3 alam niya naman yun :3

Magtatatlong buwan na kami ni boyfie bukas, okay naman ang relationship namin. Open kami sa isa't isa hmm 5 months niya akong niligawan at legal kami. Mahal na mahal namin ang isa't isa at botong boto din samin ang friends namin :) kasooo hindi sinasadya na magkagusto siya sa classmate ko.

Nung una kasi sabi niya sakin naiinggit daw siya kasi may classmates/friends ako na kambal. Sinabi ko naman yun dun sa friend ko (na isa sa kambal) na naiinggit nga sakin si boyfie at sabi naman niya siya daw kaibiganin daw siya ni boyfie, mabait naman kasi siya kaya ganun. Edi kwinento ko yun kay boyfie at pagkatapos nun sabi niya sakin na ihingi ko daw siya ng graduation picture sa kambal.

Nung practice ng graduation plano niyang bigyan ako ng chocolates tapos naisipan niya din na baka daw gusto din nung kambal ng chocolate kaya sabi ko siya ang bahala, kaya dinalahan niya din ng chocolate sina kambal at sakin niya pinaabot.

Tapos nung baccalaureate naman namin sabi niya sakin gusto niya daw magpakuha ng picture kasama sina kamba bukas, kasi graduation na namin, kasoo dun lang siya nakapagpapicture sa panganay kasi bigla daw nawala sa paningin niya yung isa.

At ilang araw after ng graduation gusto niyang hingin yung number nung panganay kaya binigay ko naman kahit di na ako nagpaalam dun sa friend ko na may pagbibigyan ako ng number niya.

Nung una sabi ni boyfie wala naman daw siyang crush dun sa girl parang gusto niya Lang daw makaclose, may tiwala ako sa kanya at mahal na mahal ko siya kaya naniwala ako.

Babae ako, madali akong makasense pero kahit na ganun inisip ko pa rin na baka nga gusto niya Lang makaclose kasi matagal niya ng gustong magkafriend na kambal.

Pero umamin na din siya sakin, hindi kasi namin kayang magsecret sa isa't isa. May crush nga siya sa isa sa kambal at unti unti talagang nagkakagusto na sya sa kanya. Kahit kailan di niya toh tinext kahit na alam niya number nito, di niya pa ito nakakausap kahit

Pero kahit na ganun mahal pa rin niya ako at naniniwala ako dun.

Alam kong pinipilit niya ng iwasan ang kahit na ano na tungkol dun sa girl kaso may part pa rin talaga na lumalaban ang pagkagusto niya dito.

Dumating kami dun sa point na napagusapan namin yung about sa break up. Napagusapan din namin na eenjoyin namin yung time na kami pa. Mahal na mahal ko siya, nasabi ko na din sa kanya na kahit anong mangyari boybestfriend ko siya. At kahit anong mangyari iintindihin ko pa rin siya, papakinggan, at mamahalin.

Kahit anong mangyari hindi ako susuko sa kanya.

Hindi ako galit dun sa friend ko, sa katunayan naaawa ako sa kanya kasi wala naman siyang kaalam alam sa nangyayari tapos nadadamay pa siya. Ni hindi nga niya alam na nagaaway kami ni boyfie.

Palaging sinisisi ni boyfie ang sarili niya, ang sama sama daw niya, lagi na Lang daw niya akong pinapaiyak at sinasaktan, at wala daw siyang kwentang boyfriend.

Ayaw ko ng nagkakaganun siya, ayaw ko ng sinisisi niya ang sarili niya at sinasabihan ng Kung anu-ano. Ayaw ko din ng sinasaktan niya ang sarili niya, kung minsan kasi sa sobrang galit niya sa sarili niya sinusuntok niya yung pader.

Alam kong hindi Lang ako yung nahihirapan, alam kong hirap na hirap din siya.

Madalas natatakot ako kasi baka bigla na lang siyang makikipagbreak kaya nung isang araw sabi ko sa kanya bigyan niya ako ng 100 days bago siya magdesisyon.

God bless na lang samin. Aja! Think Positive :) Never Give up :)))

-----

Thank you for reading :) Sana po suportahan niyo ang storyang toh! Base po to sa totoong buhay, base sa lovelife ng friend ko :)

Always Take Care!

May God bless us all :))

Just Give Me 100 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon