Continuation...

18 0 0
                                    

hi! :))

Day 4 na nga pala ngayon, ang bilis noh? xD

Hmmm nung Day 1 maaga akong nagising, naglinis ako ng bahay tapos naligo at nag-ayos na kasi may pupuntahan pa ako. Nag-enroll na kasi ako sa NCBA, mas okay kasi kung magpapaenroll na agad para hindi maubusan ng units :) sa totoo lang gusto ko sana sa UE kaso ayaw akong payagan sa malayo kaya wala na akong nagawa hinayaan ko na lang. Hmm hindi nga halata na college girl na ako ehh haha ang kulit ko pa rin kasi at yung mga damit ko medyo hindi pang-college girl xD hmm pagkatapos kong asikasuhin yung sa college pumunta naman ako sa house nila boyfie, legal po kasi kami sa family ko at sa family niya kaya nakakapunta ako sa kanila at siya naman nakakapunta din samin. Madalas gusto niyang sumasandal sa akin pag natutulog siya na nasa tabi niya ako, mas comfortable daw kasi siya na ganun at nasa tabi niya ako :) wala naman kaming ginagawang iba alam naman namin limitations namin. 3 hours lang ako dun pagkatapos nagpaalam na ako na uuwi na :) .

Nung Day 2 naman, maaga ulit akong nagising, may pupuntahan ulit ako at bago umalis kailangan muna maglinis ng bahay. Plano kasi namin ni boyfie na magmovie marathon sa kanila, sira kasi pc namin kaya sa kanila na lang online kasi kami manunuod. Yung una naming pinanuod Insidious2, ang kulit ko nga manuod ihh tinatakpan ko kasi yung mukha ko minsan at minsan naman kumakapit ako sa kanya tapos siya naman tawa ng tawa. Tapos nag-lunch kami. Sunod naming pinanuod yung Remember Me tapos kapag may rated spg maglalaro muna ako ng 2048 tapos siya magtatanggal ng earphones sa tenga ko tapos sasabihin niya kapag okay na xD . Pagkatapos nun inantok kami tapos nanuod naman kami ng cartoons sa tv habang nakasandal ako sa kanya tapos medyo nagkukwentuhan din kami nun. Pagkatapos umuwi na ako.

Day 3 naman nasa bahay lang ako tapos magkatext kami ^_^ . Madaling araw pa lang magkatext na kami xD Monthsary nga pala namin muntik ko na makalimutan sabihin, simple lang naman kami kahit monthsary mas okay daw kasi icelebrate ang anniversary parang mawawala daw kasi yung sense ng anniversary kapag magcecelebrate ng monthsary, yun paniniwala ni boyfie ihh hwag na kayong umangal readers :3 Naglinis na naman ako ng bahay, nakakaboring nga ihh buti katext ko si boyfie :3 . Nung madaling araw nga pala nalaman na ni boyfie na nakapasa siya sa San Beda tinext niya kasi ako agad nung nalaman niya :3 Sobrang saya nga ihh interview na lang kailangan sa San Beda na talaga siya ^_^ kahit magkalayo kami sa college magpapakatatag pa rin kami at magmamahalan hihihi :3

Ngayong Day 4 naman....

Maaga siyang nagising, 5 kasi nung hapon siya natulog kapag ganung time kasi inaantok na siya kaya midnight siya nagising. Hinihintay ko nga siya magising kaso nakatulog na ako nung 9:30pm yata pero nagising ako nung 3am kasi nagkanightmare ako -3- ang dami niya na palang text nun xD hmm yung text niya nung 1:32am sabi niya "I don't know kung matutuwa ka dito.. pero nawawala na feelings ko sa kanya -w- " nung time na yun naisip ko kung itutuloy pa ba namin yung about sa 100 Days kaso hindi ko pa natatanong sa kanya, ako naman kasi talaga nagsimula nun ihh pero siyempre gusto ko pa rin malaman galing sa kanya itutuloy pa ba namin yung 100 Days.

Boring talagaaaa summer namin -3- nasa bahay Lang ako atsaka siya nasa bahay Lang din nila.. Natripan ko tuloy gumawa ng mojos kanina kahit hindi ko alam kung pano, nag experiment tuloy ako xD napagod nga ihh xD

May outing sila ng mga kapatid niya next week sa Baguio treat ng Papa nila, gusto nga sana niya akong isama ihh kaso 3days and 2nights sila dun eh bawal pa ako sa overnight kahit na legal kami bawal pa din. Kaya sabi ko sa kanya enjoy nalang sila dun :) alam naman kasi niya na bawal pa ako ng overnight ihh kahit gusto kong sumama.

Nakatulog na yata siya, naitulog niya na yung sakit ng tiyan niya. Constipated kasi yata eh, ayaw nga sana niyang matulog ng masakit ang tiyan ehh kaso nakatulog siya haaayy hindi na tuloy siya nakakain ngayong dinner kailangan niya pa naman uminom ng gamot. Nagsuka pa nga siya kanina ihh tapos may parang red pa daw dun sa sinuka niya, mas lalo tuloy ako nagalala. Haaayy kung kailan wala ako sa tabi niya tsaka naman siya nagkaganun :(( alam kong ayaw niyang nagaalala ako kaso hindi ko mapigilan magalala eh :/ haaayy sana talaga kahit papano maging maayos na pakiramdam niya.

Goodnight, tulog na din ako... Always take care, God bless.

----

Thank you for reading ! :D sana po suportahan niyo pa toh :) kawawa naman boyfie niyaaaa noh :( Ipagpray na lang natin na gumaling na siya.

Thanks a lot.

God bless :)

Just Give Me 100 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon