Day 5, 6, and 7

15 0 0
                                    

Hello :)

Kamusta? Hihi magkukwento na ulit ako :))

Day 5

Nagising ako ng 5am tapos tamang tama kasi nagtext pala siya :)

"I love you mii"

Tapos syempre nagreply ako :3

"I Love You too Ddy"

Pagkatapos ko magreply nakatulog na ulit ako hindi ko na nahintay reply niya.. Nagising ako ng 7am tapos tinignan ko agad cp ko tapos ang reply pala niya:

"Mii. Nasa hospital po ako" (5:53am)

Kaya sobrang nagalala ako, kinabahan din ako at di ko na alam kung anong gagawin nung time na yun hindi kasi siya nagrereply. Tapos naisipan ko itext yung isang ate niya

"Ate nasa ospital daw po si boyfie? Kamusta na po siya? Saang hospital po?"

Kaso hindi din nagreply. Nung 8am nagreply na siya, joke Lang daw yun at kinukuha lang daw niya atensyon ko, sabi ko naman huwag na siya ulit magbibiro ng ganun at nasa kanya Lang naman atensyon ko. Naisip ko kaya nun na wala akong kwentang girlfriend kasi nasa hospital na pala siya nung time na yun habang ako natutulog lang. Kaya sabi naman niya

"Nakoooo. Wala agad kwenta? Hindi ba pwedeng inaantok ka lang talaga kaya nakatulog ka?"

Tapos sabi ko eh pano po kung naging totoo na pala yun? Dapat kasi hinintay ko muna reply mo dapat hindi muna ako natulog :( Kaya sabi niya

"Edi pag gising mo mag text ka agad :/"

Haaayy buti na Lang talaga hindi totoo na nahospital siya at ayos na pakiramdam niya :) pagkatapos nun nagkwentuhan na kami ng ibang bagay through text. Syempre hindi mawawala sa araw ko ang maglinis ng bahay xD Buti talaga ayos na siya, thank God :)) .

Day 6

Nagising ako ng maaga :) may date kasi kami hihi :3 pero hindi agad ako nakaalis kasi kailangan muna maglinis ng bahay. Then nagluto ako ng breakfast para sakin at para sa dadalhin ko para sa kanya :) hindi naman yun maarte pagdating sa luto ko ihh xD tinanong ko sa kanya Kung ano susuotin ko tapos ang reply niya

"pantalon at jacket" hihi ayaw niya kasi na nagpapalda ako o kaya 3/4s na manipis o kaya damit na walang manggas hihi lalo akong nacucutan sa kanya pag ganun siya kapag over protective siya :333

Kain, ligo, bihis at ayos tapos punta na ako kanila boyfie para gisingin siya at pakainin ng breakfast ^_^ Hindi muna kami umalis agad nanuod muna kami sa tv at naglaro sa tablet niya tapos 1pm na kami umalis. Pumunta muna kami sa NCBA saglit kasi itatanong ko yung about sa uniform at books pagkatapos pumunta na kami sa sm :) .

Balak nga sana niya akong bilhan ng damit, tumingintingin kami ng damit sa department store kasooo sabi ko hwag na lang next time na lang. Kumain kami sa Tokyo Tokyo then pumunta naman kami sa National Bookstore :) tumingintingin kami ng libro tapos nakapagdesisyon siya na bibilhin niya yung Diary of a Wimpy Kids. Pagkatapos nun bumalik kami sa department store kasi gusto kong tumingin ng black shoes at siya naman titingin ng rubber shoes :) Tapos nagyaya ako sa WOF haha niyaya ko pa nga siya magvideoke kaso ayaw niya kaya nanuod na lang kami saglit sa mga naglalaro tapos nagdecide na kami pumunta sa bahay. 3pm na nung makarating kami sa bahay. Sinamahan naman namin si Mama sa Sta.Lucia , tumingin kami ng shoes at bags tapos kumain na kami sa goldilocks, ginabi na nga kami ihh 7pm na kami nakauwi xD si Boyfie naman 8:30pm na umuwi, saglit Lang siya sa bahay kasi gabi na. Tapos magkatext na ulit kami, 9pm natulog na siya, kapagod kasi ihh kaya nakatulog na din ako. Oo nga pala natanong ko na si boyfie kung itutuloy na ba namin yung 100 Days at ang sabi niya ako daw bahala kasooo hindi pa ako nakakapagdecide ihh :( haaayy bahala na muna.

Day 7

6:30am ako nagising at ang alam ko may lakad ngayon si boyfie. Hmm 7am nung nagising siya at nalaman ko na na-cancel pala jogging nila pero sa hapon may bonding pa sila nung mga kaibigan niya. Pareho lang kami ni Ddy, siya puro hugas ng plato at ako naman puro linis dito sa bahay xD tapos nung 1pm na akala ko malelate na siya kasi usapan nila 1pm kasoo hindi na din daw pala tuloy xD nakakaboring talaga dito sa bahay, sabi nga nung pamangkin ko dapat daw pinapunta ko si boyfie :3 Umulan nung hapon kaso mahina lang pero kung lumakas yung ulan maliligo kami ng pamangkin ko sa ulan xD

Nakapagmuni-muni si boyfie at naisip niya

"Kung nabubuhay ba talaga tayo.." "Kung nakaplano na talaga gagawin natin.. Edi ibigsabihin puppet lang tayo ni God? O.O I've been thinking way too much"

"Ddy naisip ko na din po yan :) Naisip ko nga din po kung playground lang ba talaga natin tong earth eh." yan ang reply ko sa kanya

"What if nanaginip lang pala tayo tapos yung dream world yun talaga yung real world" naisip ulit ni boyfie

"Pero kung mangyayari po yun baka isa lang talaga satin yung nanaginip tapos yung isa baka walang alam at hindi kilala yung isa" reply ko ulit xD

Haha kung anu-ano naisip namin xD ganun yata talaga kapag walang ibang magawa xD hmm napagusapan din namin Kung magde-debut ba ako next year, kahit gusto ko naman kasi magdebut sila mama at ate pa rin magdedecide kasi pera naman ni ate yung gagamitin dun ihh hindi naman akin hmm swerte ko na lang kapag pumayag sila na magdebut ako :) tapos bigla kong naisipan magthank you Kay boyfie :)

"Ddy thank you po sa lahat :3 sa date natin, sa load, tapos gusto mo pong ipaexperience sakin bumuo ng gundam at gusto mo din po akong ibili ng bearguy, thank you sa patience mo at understanding, patience kasi nandyan ka pa rin kahit ang kulit kulit ko at understanding kasi naiintindihan mo po kadramahan ko a buhay, thank you for loving me :)) ikaw Lang talaga nakakakilala ng buong ako yung mga sides ko na minsan: masungit, makulit, madamot, maloko, mabait, serious, sweet, caring, at understanding.. Thank you for accepting me :))"

"Ako nga dapat magthank you eh" sabi ni boyfie :3

"pareho po tayo :)" totoo naman kasii iihh :3

"Kasi kahit na nagkagusto ako sa iba.. Hindi mo pa rin ako sinukuan at pinamigay, pinaglaban mo. Tapos lagi mo akong chinicheer up pag malungkot ako lalo na pag Hindi kami nagkakaintindihan ni mama. Salamat po talaga :) with this, I can say YOU are the best girlfriend in the world ^_^ tapos dadaan ka pa dito para Lang gisingin ako at para may breakfast ako XD Hindi ko alam kung bakit Hindi mo magawang magalit sa akin o maumay" si boyfie talaga :33

"grabe naman Ddy umay talaga? Di ka naman pagkain, ako pa nga ginagawa mong pagkain dahil sa pagkagat mo sa braso ko xD Syempre naman Ddy! Hind kita ipapamigay noh! -w- atsaka Mahal na Mahal po kaya kita kahit madalas mo akong kagatin at asarin :))" kahit anong mangyarin magpapakatatag kami :))

Hindi siya matutulog ngayon, 5:30am kasi sila aalis papuntang baguio ihh kapag ganun kaaga hindi na talaga siya natutulog. Ako naman matutulog pero medyo puyat xD .

---

Thanks for reading and supporting this story :))

Always take care, God bless :) .

Just Give Me 100 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon