Chapter 4

28 0 0
                                    

"Ganito nalang pre, kakausapin ko yung mga kabarkada ni Irish na aamin ka sa kanya bukas. Tapos sila yung pipigil kay Irish pag nag walk out." Suhestiyon ni Edward.

"Oo nga, kami na bahala don tapos mag-isip ka na ng sasabihin sa kanya para bukas. Dapat yung sincere, ah! Tapos dapat yung kikiligin din yung ibang makakakita." Singit naman ni Raily.

"Tapos kayo naman Whyl, John, at Neil, maki-ayie nalang kayo kung wala kayong maitutulong. HAHAHA" si Edward ulit.

"Tas magpatulong ka nalang din Ian kay Shane. Diba best friend ni Irish yon? Tutulungan ka non!" Dagdag naman ni Raily.

"Oo nga! Matutulungan ka non." Si John

"Salamat, mga pre! The best talaga kayo." Ako.

"Baka plano kayo ng plano tapos hindi naman pala matutuloy yan." Si Joey

"Kinakabahan nga ako, eh."

"Halata naman pre eh! Namamasa nanaman yung kamay mo eh! HAHAHAHA!" Sabat ni Neil, nakitawa naman si Whyl.

"Basta pre gawin mo bukas yung mga sinabi namin ah! Kami na bahala kumausap kila Trisha." Paalala ni Edward.

(A/N)
Si Trisha isa sa mga barkada ni Irish

*KINABUKASAN*

Edward's POV

*BREAK TIME*

Kasama ko ngayon si Raily at kakausapin namin ngayon sila Trisha para sa gagawing pag-amin ni Ian. Sigurado naman na papayag yung mga yon dahil suportado nila ang isa't-isa. Syempre tiniming-an muna namin na wala si Irish bago namin kausapin sila Trisha.

"Ate Rox! Tara lang." Pag-aaya ko sa pinakamatanda sa kanilang magba-barkada. 1 year gap lang naman, haha.

"Bakit?" Sya.

"Basta kasi. May sasabihin lang kami sa inyo. Isama mo sila Trisha"

Lumapit si Ate Rox kasama si Trisha, Sunshine, at Angel.

"Pwede mo ba kaming tulungan?" Tanong ni Raily

"Para saan? Anong meron?" Tanong din ni Trisha

"May gusto kasi si Ian kay Irish. Tapos aamin sya ngayon. Magpapatulong sana kami sa inyo. Dito lang kayo sa room tapos pigilan nyo sana si Irish kung magwa-walk out. Saglit lang naman 'to." Mahabang paliwanag ko.

"Sige, kailan ba?" Tanong ni Ate Rox.

"Maya maya, hinihintay lang namin yung ibang barkada."

"Sige sige! Gusto ko yan! Game ako jan! Hahahaha!" excited na sabat ni Sunshine

"Na-shookt naman ako don. May gusto pala si Ian kay Irish. Haba naman ng hair ng frenny natin. Hahaha!" Tatawa-tawang sabi ni Trisha.

"Sabihin nyo nalang sa iba nyong barkada. Tas lalapitan ko nalang kayo mamaya pag kakausapin na ni Ian hano? Salamat." si Raily

"Sige."

Pagkatapos namin kausapin yung mga kaibigan ni Irish ay pinuntahan na namin ni Raily si Ian. Hinihintay na lang namin na dunating sila Joey para ayos na ang lahat.

"Ayos na, pre. Nasabi ko na. Pumayag naman sila. Galingan mo mamaya ah!" Pagpapalakas ko ng loob kay Ian.

"Ayos na ba yung sasabihin mo? Good luck, pre. Parang lalaban lang ah! HAHA" Singit ni Raily.

Pag Nagmahal ang Gago (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon