Chapter 3

37 1 0
                                    

Edward's POV

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na may gusto si Ian kay Irish. Hindi ko ine-expect na doon pala magseseryoso si Ian. Akalain mo yon?! Nagiging bakla pag nakikita si Irish eh! Hahaha!

Pagtrip-an ko nga..

"Pre, pagtrip-an natin si Ian." Bulong ko kay Raily.

"Sige pre, gusto ko yan. Hahaha!" Pag sang-ayon naman niya.

HAHAHA! *evil laugh*

"Oy, mga pre! Alam nyo ba si Ian..." Ako.

"Ano???" -Whyl, Neil, John, Joey

"Pre, wag kasi!" -Ian

"Hahaha! Oo nga, si Ian alam nyo ba?" -Raily

"Ano nga?!" Asar na tanong ni John

"Inlove si Ian, mga pre! Hahaha!" Ako

"Totoo ba? Kanino?!" Si Joey.

"Pre, wala kasing ganyanan." Nahihiya nang sabi ni Ian.

"Hayaan mo na nga! Sila lang naman eh. Para namang hindi barkada." Ako ulit.

"Kay Irish. Yung kaklase namin." Sagot ni Raily na tatawa-tawa pa.

"Aba! Magaling kang pipili pare, ah!" Si John

Pulang-pula na yung muka ni Gago! HAHAHAHAHA!

"Seryoso ka ba jan, pre?" Tanong naman ni Neil

"Oo naman, pre. Ngayon lang 'to." Sagot ni Ian

Seryoso talaga sya..

"Eh, anong balak mo?" Tanong ni John

"Yun nga din yung sabi ko kanina, eh." Sabat ni Raily

"Hindi ko pa alam. Mag iipon muna ako ng lakas ng loob, mga pre. Tulungan nyo ko."

"Eh bakit nagpapatulong ka samin? Di ba ikaw ang magaling jan? Babaero ka di ba?" Pang-aasar ni Joey.

"Hindi, pre. Iba naman to eh. Seryoso ako kay Irish, mga pre."

"Edi ligawan mo na. Baka maunahan ka pa. Sagot ni John

"Oo nga, pre. Alalahanin mo, may Ivan." Ako.

"Yun nga pre, eh. Mukang mahihirapan ako sa Ivan na yon."

"Kaya mo yan, ikaw pa? Sanay ka na jan, pre." Si Raily.

"Bahala na!"

Kung naiisip nyo kung bakit hindi kasama sa mga ganitong usapan si Whyl, kasi sya yung pinaka tahimik sa aming magbabarkada. Nakikinig at tatawa-tawa lang yan. Minsan lang sya nakikisabat sa mga ganitong usapan.

Para bang kapag ganitong tungkol sa love na yung pinag-uusapan eh, bigla nalang tatahimik na parang nalulungkot bigla na ewan. Ah, basta! Yun na yon. Hindi naman sya pala-kwento sa amin kahit magkabarkada kami eh, kaya hindi namin alam kung pinagdadaanan ba sya o ano. Tahimik nga kasi. Ano pa bang aasahan nyo dun? Haha! Lol.

Whyl's POV

"Bahala na!" Yan nalang yung naisagot ni Ian. Halatang hindi mapakali sa kakaisip kung paano ang gagawin sa planong panliligaw kay Irish, eh. Haha!

'Ang tagal naman ng usapan na 'to. Larong-laro na ko!'

Sa totoo lang, hindi kasi ako maka-relate sa pinag-uusapan nila Ian kaya tahimik lang ako. Naiintindihan ko sila pero hindi ako maka-relate kasi nga hindi naman ganun yung sitwasyon ko.

Pag Nagmahal ang Gago (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon