Chapter 5

20 0 0
                                    

Ian's POV

Matapos ng buong klase ay pinaalala lang ulit nila Edward ang gagawin ko bukas at binantaan ako na tatablahin na nila ako kapag hindi ko pa tinuloy. Haha!

Pagkauwi ko sa bahay ay iniisip ko kung ano ang mangyayari bukas at kung paano ang gagawin ko. Siguro kaya ako nagkakaganito dahil ngayon lang ako magseseryoso at manliligaw ng sincere sa personal. Ewan ko ba! Hindi ko din ine-expect na magugustuhan ko sya. Basta bigla ko nalang naramdaman na gusto ko sya.

Kasalukuyan akong nag s-scroll down sa facebook nang may mabasa akong isang quote na talaga namang tamang-tama sa akin.

"If you like her because of her intelligence and attitude, it's attraction. If you like her because of her face and body, it's lust. But if you like her and you don't know why, it's love."

Yan! Ganyan na ganyan yung nararamdaman ko! Hindi ko sya ginusto dahil maganda sya o ano. Yung dati na inaasar at pinagtitrip-an ko lang sya, ngayon naramdaman ko na gusto ko pala sya.

'Hindi ko in-expect. Basta ko nalang sya nagustuhan. At ngayon, gusto ko na syang ligawan at maging akin ng pang matagalan..'

>___< !!!!

Shet ang corny ko na masyado!

I-stalk ko na nga lang si myloves para maging maganda ang tulog at gising ko bukas. Sana lang talaga hindi na ako kabahan!

*KINABUKASAN*

Third Person's POV

Kasalukuyan silang nasa classroom at nakikinig sa idinidiscuss ng lecturer si Irish habang si Ian naman ay titig na titig kay Irish.

"Pre, makinig ka. Wag mong titigan, wala jan yung lesson." Bulong ni Edward kay Ian. Tumawa lang ito at ibinaling ang atensyon sa harapan pero hindi pa din sya makapag focus. Pasulyap-sulyap pa din ito sa abala sa pakikinig na si Irish. Sa harap sya nakatingin pero ang isip nya ay nakalutang sa ere.

*BREAK TIME*

At ito na nga ang hinihintay ng magbabarkada. Kinausap muli nina Edward at Raily sina Rox, Trisha, Sunshine, at Angel para sa gagawin.

Dating gawi. Magpapanggap na walang alam at pipigilan si Irish kung sakaling mag wa-walk out. Ganun din sa Dota Squad. Makiki-ayie at haharang sa pintuan para hindi na makalabas si Ian.

Hinihintay lang nina Ian, Raily, at Edward ang iba pang barkada since kumakain pa naman sa canteen sila Irish.

"Pre, eto na yon. Wala nang atrasan 'to." Kabadong sabi ni Ian sa dalawa.

"Wala na talaga dahil pag umalis ka pa hindi ka na makakahingi ng tulong sa amin. Basta kaya mo yan, pre. Nasa likod mo lang kami." Pagpapalakas ng loob ni Edward dito.

"Basta yung mga sasabihin mo, ah! Ayusin mo. Good luck, pre." Dagdag naman ni Raily.

"Salamat mga pre, ah." Sabi ni Ian na tinapik pa ang balikat ng dalawa.

Maya-maya lang ay dumating na ang ibang barkada nila Ian, pati sila Irish at sakto na kakaunti lang ang tao sa room.

'Good timing..' wika ni Ian sa isip nya.

Ilang minuto lang ang lumipas ay sumenyas na sila Rox na handa na sila. Nagpapanggap lang sila na nag-uusap ng kung anu-ano habang si Irish ay nakikinig lang at nag ce-cellphone.

"Ayan na, pre. Ayusin mo ah!" Bulong ni Edward habang tinutulak si Ian papalapit kay Irish.

Kitang-kita sa itsura ni Ian ang kaba habang palalapit sya kay Irish. Si Irish naman ay nakatingin  lang kay Ian na parang walang ideya sa nangyayari.

Nakatayo na si Ian sa harap nito at wala pa ding ideya si Irish. Hindi pa man nakakapagsalita si Ian ay nagsisimula nang mag-ayie ang D.S at nakikisigaw na din ang mga kaibigan ni Irish. Dumadami na din ang mga nakakakita sa kanila. Mabuti na lang at wala ang class president dahil paniguradong hindi mangyayari 'to dahil sa kahigpitan non.

Lumayo muna ng bahagya ang D.S gayundin ang mga kaibigan ni Irish upang makapag-usap sila ng maayos.

"Irish? May aaminin ako sa'yo."

Parang gulat na gulat ang ekspresyon ni Irish nang sabihin ito ni Ian, pumayag naman ito. Ibinaba nya ang hawak na cellphone at ngayon ay pareho na silang nakatayo.

"Matagal na kitang gusto pero hindi ko lang maamin sa'yo kasi baka isipin mo na pinagtitrip-an lang kita, pero seryoso ako. Liligawan ki---" Hindi na natapos ang sasabihin ni Ian nang magsalita si Irish.

"Hindi pa ako pwede. Ayaw muna nila papa na mag boyfriend ako. Gusto nila na kapag nasa legal age na ako tsaka pa lang ako magbo-boyfriend."

"Basta liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo. Kaya ko naman maghintay hangga't pwede pa. Pangako ko sa'yo ikaw lang at wala nang iba."

Matapos ng mga salitang binitawan ni Ian ay hindi na napigilan ng mga nakarinig ang mga sarili. Sunod sunod ang impit na sigaw ng mga nakarinig at nakakita. Hindi na din napigilan ng mga kaibigan ni Irish ang kilig. Nakitili na din sila, ganun din ang D.S. Ang iba ay pinupukpok pa ang upuan dahil sa kilig. Ang iba ay pumapalakpak pa, marahil hindi nila in-expect ang ginawa ni Ian. Siguro ay ngayon lang din nila ito nakitang nag seryoso.

Nasa ganoon silang sitwasyon nang makita ng Class President na dumadami at nagsisigawan ang mga estudyante sa kanilang kwarto kaya dali-dali syang pumasok kasama ang mga kaibigan nya.

"ANONG KAGULUHAN 'TO!?? BAKIT MAY IBANG ESTUDYANTE DITO?! LABASSS!" Malakas na sigaw nito kaya hindi na naituloy ni Ian ang mga sasabihin kay Irish.

"May nag confess eh!"

"May nagliligawan dito!"

"Sayaaaaangggg!"

Ang mga bukambibig ng mga estudyante.

"Sino?" Tanong ng bagong dating.

"Si Ian umamin kay Irish." Sagot naman ng nakakita

"Ay, sayang wala ako!" Singit ng Vice president. Tiningnan naman sya ng masama ng president.

"PURO KAYO LOVELIFE, MAG-ARAL KAYO!!" Sigaw ulit ng president.

"KJ naman neto! Minsan lang eh!" Sigaw ng isang estudyante.

Wala nang nagawa ang lahat kundi bumalik sa kanya-kanyang upuan dahil dumating na rin ang sumunod na lecturer

Ivan's POV

Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano ang ginawang pag-amin ni Ian kay Irish at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. May part sa akin na malungkot dahil sa selos, may part din naman na masaya ako kasi alam kong magiging masaya sya.

Naiinggit ako kasi hindi ko magawa kay Irish yung pag-amin nya na yon.

'Hanggang tingin nalang siguro talaga ako..'

Ewan ko ba. Wala akong lakas ng loob na umamin sa kanya. Parang hindi ko din naman gusto na ligawan sya. Basta ang alam ko lang gusto ko syang nanjan palagi. Ayaw ko na nawawala sya sa paningin ko. Iyon lang.

Buti nalang talaga at dumating agad si Ms. President dahil parang hindi ko kakayanin kapag pinakinggan ko pa ang mga sasabihin ni Ian. Para akong tinutusok ng karayom sa dibdib.

Ganon siguro talaga kapag hindi mo maamin sa isang tao yung nararamdaman mo.

Nagmamahal ka ng patago, nasasaktan ka ng patago..

Abangan ang susunod na kabanata..

~~

Thank you for reading this chapter, and I hope you like it! God bless y'all!

DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND FOLLOW!

Don't hate, spread love! Ciao! 💕

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pag Nagmahal ang Gago (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon