Snobero 101

433 24 11
                                    

Mag-uupdate lang? :D 

Vote, like and comment lang guys! Solomot. Love. Love. Love.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nandito na kami sa village nila Seth. Nagre-ready na silang maglaro. Warm up mode. At hinihintay pa si DJ. Syempre ako, naghahanda na rin kuhaan sila ng picture.  Eto naman ang role ko sa buhay ng bandang P5, super fangirl na photographer pa. For free.

"Uy, picture naman kayong apat. Bilis." Sabi ko.

"Mamaya na. Maganda yong kumpleto kami." Sabi naman ni JC.

"Asus. If I know, namiss niyo 'to. Sige na!" sabi ko. At nagpose naman sila. Yong mga makikitang weirdong pictures nila, kami-kami magkakasama non. Yong nakaupo sila sa may taas ng pader at gate, yong nakadinner sila... Basta sa dinami-daming picture na nagkalat sa internet yong mga mukhang totoy at katuwaan lang ang pagtugtog sa kanila, ako ang kasama nila.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot at panghihinayang na syempre 1 1/2 yrs din akong tumigil kakasama sa kanila. Pati yong twing magkakasama kami, kahit san man magpunta eh dala ko ang SLR or Camera picture dito, picture don. Mapastolen shot man or hindi. Kamiss lang. Ang daldal ko lang.

"Wait, picture ka ng picture! Tayo naman. Kunan mo kami, 'ter!" Sabi ni Kats. Inabot ko yong Camera kay insan at kinuhaan niya kami ni Kats.

"Ako rin sunod. Namiss ka talaga namin, Pat. Hanggang ngayon, patpat ka pa rin plus lumaki ang eyebags." Tawang-tawang sabi ni Seth.

"Ha!!! Ang gwapo mo. Hoy, pinaghirapan ko 'tong eyebags na 'to." sabi ko.

Picture lang dito. Picture don. Nang may biglang...

"Pre!" Saktong lingon ko kung saan nanggaling yong tawag, saktong paglingon ko sa SLR tumutok at kitang-kita ko yong ngiti niya. Si DJ. Binitawan ko tuloy yong SLR. Nakasabit naman siya sa akin. Yong bestfriend ko. Namiss ko siya. Nakatingin lang ako sa kanya at palapit siya kanila Lester na nasa court na. Hindi niya siguro ako napansin na nasa Bench ako.

"Tagal mo, 'tol! Kala namin di ka na makakasunod eh." Sabi ni JC.

"Eh sila Kuya Kevin kasi sabi sasama pero biglang nagbago isip." Medyo mahina niyang sagot at hindi ko marinig masyado.

Sige na. Ako na ang feeling awkward. Bestfriend ko naman siya ba't ako nahihiya. Siguro dahil bigla na lang ako nawalan ng time sa kanya at biglang nagsawang mamiss siya dahil sa mga bashers niya fans. Hindi man niya ako napagtanggol & I don't know if he's aware of that, but the thing here, kahit wala naman, ako na lang sa sarili ko... Nagsasawa. Though, miss na miss ko yong dating kami. Wala na eh. Ganon talaga. Kunwari na lang, busy ako kakasoundtrip at kakatingin ng picture kaya di ko napansin ang pagdating niya.

May kumalabit sa akin, paglingon ko pataas, si Seth. Agad-agad ko namang tinanggal yong earphone ko kasi baka may sasabihin siya. "Si DJ oh." Yon nga.

Tumayo ako't ngumiti.. Kumaway. Lumapit na rin ako sa may court. Yong parang automatic na lang lumakad yong mga paa ko papunta sa kanila. At biglang nag-open yong bibig ko't nsabing "Long time, no see ah." At ngumiti.

Isang tapik lang sa balikat ang nakuha kong response. Bigla na lang niya kinausap si Kats. At sinabing "Game na!" Wow, Snob!! Eh ganyan naman yan eh. Tumalikod ako't bumalik sa kinauupuan ko. Lumapit ulit si Seth.

MannequinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon