Chapter 2 - The Realization

59 1 1
                                    

December 2, 2011 – Fiore Mental Asylum

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞ ELI ANTHONY∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

“Alright” sabi ko “mukha namang stable na siya. Nurse, ikaw na bahala sa patient ah. Bigyan mo siya ng Benzo pag nagseizure nanaman and painumin mo siya ng meds niya paggising niya.”

“Yes, doc” sagot niya. Lumabas na ko sa kwarto at pumunta sa pharmacy. Sumasakit nanaman ulo ko.

Habang papunta sa pharma., ino-obserbahan ko yung paligid ko. Kahit san ka tumingin, may makikita kang patient na tina-try i-restrain. Jusme. Parang mga baliw lang. Ay wait, nasa mental nga pala ako =__=” Lol. Minsan talaga ang tanga-tanga ko.

Ako nga pala si Eli Anthony Fontazzella :) I’m 22 years old. Alam ko masyado pa akong bata para maging doctor. Maaga kasi ako grumaduate eh. “Genius” daw kasi ako. Neurosurgeon ako at psychiatrist na din.

Hay, kung di ka ba naman tumalino kapag ang binabasa mo simula nung bata ka pa ay medical books, ewan ko nalang. Haha, mahigpit din kasi ung parents ko, mga control freaks....

Nagtatrabaho ako dito sa hospital ng tita ko: Fiore Mental Asylum.

“Do as I say and don’t try to run away. Work at your aunt’s hospital. Matulungan mo man lang ang pamilyang to. Imbis na sa ibang kompanya ka magtrabaho, pagsilbihan mo tita mo.”   Yan ang exact words ni papa nung kakaspecialize ko palang sa psychiatry and I can still hear and feel the coldness in his voice.

Ang mahirap dito ay hindi normal na patients ung handle mo – mga baliw – kaya di mo pwede basta basta sabihan ng kung anu-ano kasi baka magwala or baka saktan ka pa. Di ko nga maintindihan yung mga tumatakbo sa isip nila eh.

(Hellooooo!!! BALIW nga sila eh! -.- kulit naman neto oh, tagal tagal mo na dian, di ka pa nasanay!)

Che! Alam ko! To naming author na to oh, singet ng singet, dun ka na nga, di to story ng buhay mo, hmp.

(Hmp. Sunget naman netong leading character ko. Hahaha, sige byeeee~~)

Anyway, tutuloy ko na kwento ko, kulit kasi ni author eh. Badtrip =___= So ayun nga, mahirap alagaan ung mga pasyente dito, mahirap din kausapin yung mga staff. Ewan ko ba, nababaliw na din ata eh. Hahahahaha. Kung normal na doctor lang ako at di ako “acting boss” dito, siguro matagal na ‘ko pinahirapan, inutos-utusan at dinededma dito.

“Good morning, doc” sabi nung nurse habang nakangiti. Tumango nalang ako.

Paglagpas ko, biglang sumimangot at bumulong ng “Spoiled brat.” w/ matching bitch face.

Hayyy. I’m getting tired of this hospital. Puno ng mga judgemental staff, corrupt doctors (syempre di ako kasama dun, hahaha!), selfish nurses and most of all, puno ng mga baliw! Huhuhu, sa totoo lang, ayoko talaga sa mga baliw dati, pero simula nung nagtrabaho na ko dito, MEDYO – emphasis sa MEDYO part – nagbago na yung pagtingin ko sakanila and kung hindi lang dahil sa awa ko sa patients na handle ko, matagal na ko nagresign. Cheesy ko noh? Hahalol.

Nandito na pala ako sa pharma, di ko namalayan. Kumuha ako ng paracetamol at umupo muna sa loob. Hahaha, one of the privileges of being the boss: pwede ka tumambay kahit saan.

“Boo!!!!” sabi ng lalaking boses sa likod ko. Ngumiti ako.

“Yo, Chester” sabi ko habang naka-ngiti. Siya nga pala si Chester, isa sa mga tunay kong kaibigan dito sa ospital. Hindi kasi siya judgemental at isa siya sa mga onting kumakausap sakin ng matino at ang mapagkakatiwalaan dito.

“Hay nako, hindi ka ba nagugulat? -___- Tsaka ang daya mo naman! Break ka nalang ng break samantalang ako, buong araw ako ditong naka-upo.” sabi niya habang naka pout. Haha, mapagtripan ko nga to. Lumapit ako sakanya at ginulo yung buhok niya. >:3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Not Crazy, Just A Bit DisturbedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon