A Hexagon Love

74 0 0
                                    

Prolouge

 <Venice's POV>

"Alam mo Bhest,bakit kaya 'di mo na lang ibalik yung dating IKAW?" sabi ng bestfriend ko,siya si Vienne. Magbestfriend kami since nung nasa tiyan pa kami ng nanay namin. Kasalukuyan kaming kumakain dito sa cafeteria, wait scratch that! Siya lang pala ang kumakain. Ayoko kasi ng mga tinda dito, pwe!

"EH KUNG PINAPALUNOK KO KAYA NG BUO SAYO YANG BOTE NA YAN?!!" sabay turo sa bote sa harapan niya, ang kulit kasi. Pasalamat siya bestfriend ko siya. TSK! Sinabi na ngang PAST is PAST e, binabalik pa. -_______________-

"Nagsa-suggest lang naman Bhest! Eh kasi naman, simula nung iniwan ka ni Nathan, nagbago ka na, hindi na ikaw yung Venice na nakilala ko.Hindi ka na palatawa, lagi ka nalang nakabusangot. Parang feeling mo pinagsakluban ka ng langit at lupa. Hindi ka na rin palabiro tsaka palangiti. Grabe Bhest pati yung pananamit mo nagbago na. Tingnan mo nga yang suot mo! Hindi na ikaw yung BestFriend ko! " *pout* sabay hampas sa akin. 

"Bhest..... Hindi lang siya ang lalaki sa mundo, marami pa diyang iba. Gusto mo hanapan pa kita eh! Andiyan namn si Lee Min Ho! Hindi porket sinaktan ka at iniwan ka niya....... magbabago ka. Bhest,"  sabi niya sabay tusok sa bewang ko. 

"Move on na.... Tignan mo nga yang sarili mo, dati nagd-dress ka, ngayon hindi na. Puro ka nalang Jeans at Shirt. Hindi na ikaw yung pakendeng-kendeng habang naglalakad, yung........ yung bestfriend ko na lagi kong pinapamaga ang pisngi....."  napatigil naman ako sa mga pinagsasabi niya, tama siya, nagbago na nga ako. Hindi na ako yung dating pakikay-kikay, laging nagjo-joke kahit corny. Ang dami ko na ngang pinagbago, at dahli LANG iyon sa iniwan at nasaktan ako ng taong minahal ko ng sobra. TSS! Naiinis ako sa sarili ko. Napaka babaw ng dahilan ko, shet! NAPAKABABAW! Wala eh, minahal ko eh. Eto na naman ako, kaya ayokong napag uusapan yung taong yun e. Kasi the more na bumabalik yung mga memories namin, the more na nararamdaman ko yung sakit! Ayoko na talaga alalahanin lahat ng nangyari sakin, SAMIN. Tama na yung nasaktan ako at iniwan, PERIOD.

Tumayo ako sa bench, "Uy Bhest san ka pupunta? Hintayi---" di ko na siya pinatapos, naglakad na ako. Gusto ko muna mapag isa, para ma-refresh naman ang utak ko ng di ko na maalala ulit yun. 

Lumapit ako sa lalaking nadaanan ko, naninigarilyo siya "Pasindi nga!" sigaw ko sa lalaki na siya namang ikinagulat niya. 

"O-opo Maam Venice." tama ang nababasa niyo, naninigarilyo ako. So what?! Lungs niyo? Lungs niyo?! Tsaka naninigarilyo lang naman ako kapag badtrip ako e. Di naman araw-araw, eh di sana di na ako yung bidang character dito. Lahat ng estudyante dito, takot sakin. Alam kasi nila na ako ang may-ari ng school na ito. Yeah, pagmamay-ari ko ang school na 'toh. Actually hindi naman magiging sakin 'toh kung walang Business Trip yung Mom ko sa London. Kami nalang dalawa ng Mom ko ang magksama sa buhay. Sakin muna pinahawak ng Mom ko ang school na ito, actually I have Fun kasi ako ang maghahawak sa school na ito. Para kasing ang saya nung feeling na kinatatakutan ka nila. >:DD 

Humithit ako saka bumuga, "Alis na!" sabi ko sa lalaki na pinagsindihan ko kanina, di pa rin kasi siya bumabalik sa klase niya, parang tinitingnan niya kung ano pang susunod kong gagawin. 

"Tapos na ng break, pumasok ka na sa classroom mo! Pektusan ko lungs mo e!" sabi ko. Sabay takbo naman pabalik nung lalaki sa classroom niya.

*DISMISSAL*

"Bhest san ka ba nagpunta kanina? Di na kita nakita ah." sabi ni Vienne na hingal na hingal dahil sa hinabol niya ako.

"Not now, Vienne. Bad Vibes ako ngayon. Sana maintindihan mo."  sabi ko, ewan ko b. Badtrip na badtrip ako ngayon, ang dali kong magalit. (Lagi naman, di lang ngayon!) Sabi ko sainyo ayoko ng hinahalungkat yung past ko e. -________________-

"Okay. *pout*" sabi niya. Nauna na ko saknya naglakad, siya kasi nagta-taxi pa. Ewan ko dun, ang arte arte. Ayaw niya daw kasi mainitan. PSH! Kala mo naman iitim kagad. Naglalakad lang ako kahit alam kong marami akong pera sa wallet na kahit anong oras ay pwedeng pwede kong ipambayad sa taxi. Pero okay lang, malapit lang naman yung condo namin dito. Tsaka exercise na rin.

Kinuha ko yung card sa bulsa ko saka ko sinwipe. Tapos binuksan ko yung pinto ng kwarto ko saka nagpalit ng damit, bago ako kumuha ng damit, nakita ko yung mga dati kong damit. Grabe, biruin mo nakakaya ko magsuot ng, maikling shorts, maikling dress. sleeveless. Basta marami pang iba! Yung mga pang hot na damit. Grabe, grabe na talaga ang pinagbago ko. Hihiga na sana ako nang biglang nag-ring yung phone ko.

Kinuha ko yung phone ko sa side table ng kwarto ko.

Mom calling....

Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko o hindi. Kasi naman, tuwing tatawag siya napupunta lang sa wala ang usapan namin. Kaya minsan inuunahan ko ng ibaba yung phone ko. Pero this time I answered the call.

"Hello Darling!" masiglang bati ng Mom ko sakin. Ayoko sa lahat yung tinatawag ako ng Darling,Baby,Babe,Love,Honey,etc,. Nakakakilabot kasi! Tsaka hindi na ako sanay. Cheap pati pakinggan sa tenga.

"Hi Mom, napatawag ka ata?" sabi ko. "What is it all about?" dugtong ko.

"Nothing, kinakamusta ka lang. How was the experience?" she said. Tinatanong niya kung anong experience ko bilang taga hawak ng school.

"Well, I'm good. The school is fine. May sasabihin ka pa ba kasi kung wala na, hihilata na ako sa kama ko? Pagod ako Mom, tawag ka nalang the other day. Bye." I said saka ko binaba yung phone, pagod ako. I'm physically and emotionally tired. Saka niya nalang ako kamustahin kapag okay na ako.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Hi there! New story! Hope you like it guys! <3

A Hexagon LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon