x o x o / 2

152 9 5
                                    

"So sana okay lang sa inyo na dito kayo sa room na 'to tumuloy." Pagturo ko sa room nila mama at papa. Mas malaki ang kwarto nila kaysa sa kwarto ko at sa kwarto ni Annika kaya tantya ko ay magkakasya naman sila dito.

Nasa bakasyon ang mga magulang namin for one week kaya wala ring gagamit ng kwarto na ito. Hindi ko na rin pinaalam sa kanila na mayroong labindalawang estranghero na tutuloy sa bahay namin sa loob ng isang linggo. Ayoko ring makaistorbo pa ko sa bakasyon nila o kaya'y mag-alala. Feeling ko naman kasi mababait tong mga ito eh. Subukan lang nilang may gawing kalokohan,kakaharapin nila ang martial arts power ko.

"Nasa baba ang comfort room kapag naiihi kayo o maglalabas ng sama ng loob at nasa right side naman ang refrigerator kung nagugutom kayo. So that's all,pwede na siguro akong matulog ano?"

Tumango naman sila at isa isang pinasok ang mga gamit nila sa loob. Tinitingnan ko sila habang ginagawa ito at laking gulat ko nung isa sa kanila ang may dala ng maleta na kulay pink. Hindi lang pink color kundi ay may design pa na hello kitty sa side nito. Napaisip tuloy ako, bakla ba yun?

Sa sobrang pagkatulala ko doon sa mukhang babae pero lalaki (ata?) na mahilig rin sa hello kitty ay hindi ko napansin na mayroon na palang chonggo sa harap ko.

"Goodnight my princess." Nabigla ako nung bigla siyang nagsalita at hinalikan niya ang kamay ko. Agad ko naman itong hinablot sa kanya.

"A-alam mo, kung ano man ang

pangalan mo..."

"Chen. My name is Chen." Sabi niya kasama ang isang mapang-akit na ngiti.

"Okay. Jen, wag mo na kong tatawaging my princess ha? Wala naman siguro tayo sa kaharian para magkaroon ng prinsipe at prinsesa (kahit sa panaginip ko ay mayroon) at isa pa, hindi tayo magkakilala para tawagin mo kong ganun."

Napangiti pa siyang lalo at sinabing,"Then I am ready to know you more."  at pagkatapos ay tumalikod na siya.

"H-hoy a-anong--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang siyang pumasok sa kwarto at kinindatan ako.

Hindi ko alam pero bigla na lamang akong natulala at na-estatwa sa kinatatayuan ko at kahit isang salita ay hindi ko mapabalabas sa mga labi ko. Gusto niya kong makilala? Bakit? Ito ang mga katanungang umiikot sa utak ko.

Noong matauhan na ako at nagkaroon ng lakas na makakilos ay naalala ko na dapat pala ay bumalik na rin ako sa kwarto ko at matulog na. Pasado ala-una na rin at ramdam ko na rin ang pagod sa katawan ko.

Tatalikod na sana ako pero napansin ko na mayroong mga matang nakatingin sa akin. Mga matang pagmamay-ari ng isang taong may maletang hello kitty ang design at mukhang babae. Mga matang puno ng emosyon, mga matang tila ba'y may nais ipahiwatig.

Bigla siyang ngumiti noong magtama ang mga mata namin na dahilan upang makaramdam ako ng pagkailang. Hindi ko na lamang ito pinansin at dumiretso na sa aking kwarto. Marami nang nangyari ngayong gabi, at panahon na upang matulog.

"Goodnight baby kitty." sabi ko sa life-sized stuff toy kong hello kitty na katabi ko ngayong matulog. Sweet namin no?

--

"I love you..." sabi ko kay hello kitty sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Nakapikit pa ako ngayon dahil sa parang may bato yung mga mata ko at dahil hanggang ngayon ay inaantok pa ko.

"Hmmm..." Hinigpitan ko pa lalo ang yakap sa kanya. Hindi ko alam pero parang ang bango ni Kitty ngayon, at parang pumayat siya. Napapakain ko pa ba to?

Hinaplos ko ang ilong niya habang ako'y nakapikit pa at naramdaman ko na parang nagkaroon siya bigla ng nosebridge na dati ay bilugan lang.

Anong nangyari kay kitty?

"Ikaw talaga my princess, sinabihan mo na naman ako ng I love you. Mahal mo na ako no?"

At ngayon naman ay nagsasalita na siya. Sa pagkakatanda ko ay hindi ko naman siya tinuruang magsalita. Kanino niya natutuhan yun? At, Kelan pa siya naging lalaki?

"Oo naman, mahal na mah--" Teka. Hindi nagsasalita si Kitty!

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at doon ko naaninag ang mukha ni-- Jen? At doon ko napagtanto na sobrang lapit pala ng mukha namin at heto ako, nakadantay sa kanya at nakayakap pa. Sa sobrang bigla ko ay natulak ko siya ng malakas dahilan ng pagkakahulog niya sa kama.

"Aray! My princess, ang sakit ng balakang ko, eh nandito lang naman ako para gisingin ka." Sabi niya habang nakahawak sa may balakang niya.

"Sinong nagsabi sayong pwede kang pumasok sa kwarto ko?!" Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy lang sa pagtatanong sa kanya.

"Sorry na my princess. Matagal kasi akong kumakatok kanina eh, Eh ang himbing ng tulog mo kaya hindi mo ata naririnig yung pagkatok ko,kaya dumiretso na kong pumasok. At kung gusto mo itanong kung bakit ka nakayakap sa akin ay  dahil nung gigisingin sana kita ay bigla mo na lang akong hinila pahiga."

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam pero parang umakyat lahat ng dugo ko sa katawan. Ganun ba talaga ko kabaliw kapag tulog? Kung anu-ano nagagawa ko?

"G-ginawa ko talaga yun?" tanong ko.

Tumango siya bilang tugon.

"Waaaaaaaaaaaaaaaah!" Nabato ko na lang bigla yung unan ko sa kanya at pagkatapos ay kumaripas ako ng takbo palabas. Sobrang nahihiya talaga ko eh.

Didiretso sana ako sa banyo upang maglabas ng kahihiyan pero may nakakuha ng atensyon ko, na sa tingin ko ay nagmumula sa kusina. Bakit may mabango akong naamoy?

Hindi ako nakapagpigil at sinilip ko kung ano ang nagaganap sa kusina. May tatlong nilalang na nakatalikod mula sa akin at nakaharap sa aming electric stove. Sa tingin ko ay nagluluto sila-- ay, yung isa lang pala yung nagluluto. Medyo maliit siya pero hindi siya kasing liit nung isang kasamahan nila. At isang babae at isang lalaki naman yung usisero, yung maitim at yung kapatid ko.

"Mabuti na lang at dumating ka Kyungsoo oppa, kundi baka kumain na naman ako ng sunog na hotdog."

"Hala, bakit naman?" tanong nung lalaking maitim. Tinamaan ata.

"Naku Kai oppa,sunog kasi parati niluluto ni ate eh."  sagot ni Annika. Ay boset, laitin daw ba yung luto ko?

"Annika...." Sabi ko habang may nakapanlalaking mata.

"Ms. Aya! Nandito ka pala." Sabi nung Kai pagkaharap niya sa akin.

Unti-unti namang humarap si Annika at sinabing "A-ate! G-good m-morning! He-he-he.."

--

Who wants dedication?

feel free to vote and comment :)

© rewotleffie

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One week with EXO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon