BARBIE GIRL
CHAPTER SEVENTEEN(Kathryn)
Pagkamulat ko ng mga mata ko, bumulaga sa akin si Daniel na nakaupo sa tabi ng bed ko. Nakapikit ang mga mata niya. Napahawak ako sa tela na nasa ulo ko. Hmm, hindi ko alam kung anong tawag dito. Basta ang alam ko, may sugat sa likod ng mga ito. Naalala ko na naman ang ginawa sa akin ng lalakeng 'yon. Muntik na niya talaga akong babuyin at hindi na ako makalaban sa sobrang hina. Pero biglang may nagvoice-over sa utak ko. Ewan ko kung sino ito. First time kong marinig ang boses na 'yon. 'Wag kang maging mahina.' Sabi ng boses sa akin.
Akala ko nga si Barbie Superior pero pangboy naman 'yung voice niya. Though, laking pasalamat ko sa boses na 'yon kasi nakalaban ako. Parang bigla akong nagkaroon ng super energy para tulakin ang monster na 'yon at sipain. Nakakatakot talaga ang pangyayaring 'yon.
"K-kathryn..."
Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang nagsalita si Daniel. Omo! Wake-y, wake-y na pala siya. Hindi ko matandaan kung paano ako napunta sa ospital. Basta tumatakbo nalang ako palayo sa monster na 'yon and nahulog ako sa bangin at... omo! May batong tumama sa ulo ko kaya may sugat ito! Omo! Omo! Hindi kaya ghost na ako? Omo! Dead na ba ako?
"Kathryn, o-ok ka na ba? May masakit pa ba sayo?" Tanong ni Daniel.
"Daniel," panimula ko, "Ghost na ba ako? Namatay na ba ako? May tumama kasing bato sa ulo ko. Tapos may dugo. So, dead na ba ako? Omo!" Tanong ko.
Hmm, pero kung ghost ako ba't ako nakikita ni Daniel?
Hihihihihihihi! Ang b-o-b-o ko talaga minsan. O palagi?
Ngumiti si Daniel at tumayo siya upang i-pat ng dahan-dahan ang ulo ko. "Okay ka na, Kathryn." Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Super duper nagulat ako at napanganga ako. "Sobra talaga akong nag-alala sayo. Akala ko... akala ko hindi na kita muling makikita. Hindi manlang kita naprotektahan sa mga panahong kailangan mo ako." Aniya Daniel.
"Ano ka ba," tinapik ko ang likod ni Daniel, "Ako si Kathryn. Super duper matigas ang ulo ko. Tsaka hindi mo ba ako kilala? Hindi pa... hindi ko pa kayo pwedeng iwan kasi hindi ko pa tapos ang misyon ko. At never ever mong sisisihin ang sarili mo, okay?" Naramadaman kong may water na tumulo sa likod ko. Omo! Umiiyak ba si Daniel?
"H-hindi ka na pwedeng masaktan." Aniya Daniel.
Wala akong masabi. Tinapik-tapik ko nalang ang likod ni Daniel kasi naiiyak din ako. Unang-una sa lahat, natrauma ako sa muntik ng pangbababoy sa akin ng monster na 'yon. Pangalawa, kasi nailigtas pa rin ako. At ang pinakahuli ay ang pakiramdam na may nag-aalala sa akin. Hindi ko alam pero naramdaman kong nagc'care rin pala sa akin si Daniel. Ito ang masarap mafeel sa planet. 'Yung feeling na wanted ka. 'Yung feeling na special ka sa iba.
'Yung may nag-aalala sayo.
"Ah, Daniel, nasan sila lola Adele?" Tanong ko kay Daniel habang nakayakap pa rin siya sa akin.