BARBIE GIRL
CHAPTER TWENTY FOUR(Kathryn)
Nasaktan ko si Sam.Nasaktan ko siya pero ako pa 'yung nag-run palayo sa kanya. Napakabobo ko. Napakasama kong manika. Sigurado akong ikinakahiya na ako sa planet namin. Kahit ako, ikinahihiya ko na ang sarili ko. Hindi ko ineexpect na kaya kong makahurt ng tao. Ang hirap kasing magdecide. Ayaw kong sarili ko lang ang isipin ko. Pano na ang kasiyahan ng iba? Oo, kapag sinagot ko si Sam, magiging masaya siya. Pero hindi ba't ang selfish ng dating ko? Parang niloloko ko lang siya.
Parang ginagamit ko lang siya.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko. Kanina pa ako tumatakbo, kanina pa ako lumalayo. Pero kanino ba ako lumalayo? Saan ba ako lumalayo? Magiging happy na ba ulit si Sam kapag tumakbo ako? Ang hirap maging mortal, sa totoo lang. Ang hirap magbalanse.
"Rynryn!"
Tumigil ako sa pagtakbo nang marinig ko ang voice ni Sofia. Tumakbo siya palapit sa akin at niyakap ako. "Sofia... na-nasaktan ko si Sam." Hinihingal kong saad.
Dahan-dahang hinaplos ni Sofia ang likod ko. Feeling ko unti-unti akong nagiging calm sa ginagawa niya. "Rynryn, parte 'yan ng buhay." Aniya Sofia at bumitaw sa yakap.
"Sofia, hindi ba pwedeng ako na lang ang mahurt? Hindi ba pwedeng ako na lang ang saktan ng mga tao? Doble kasi 'yung pain kapag ako 'yung nananakit, eh." Mahina kong saad kay Sofia. Umupo kami sa buhanginan at tiningnan ang waves ng dagat.
"Rynryn, may plano ang Diyos." Nakangiting saad ni Sofia. "Oo, kumplikado ang lahat ng bagay ngayon. Pero believe me, magiging okay ang lahat."
Huminga ako ng malalim. Sana nga dumating ang time na magiging okay na ang lahat. Sana bago ko iwan ang Planet Earth, magiging ayos kami ni Sam. Sana nga.
"Balik na tayo sa room." Sabi ni Sofia.
Tumayo siya at in-offer niya ang kamay niya sa akin. In-accept ko ito at tumayo na rin ako. "Salamat, Sofia. Super duper naguguluhan na kasi ako."
"Hmm, wala 'yon."
Mabagal kaming naglakad papunta sa room namin. Super duper thankful ako kasi naging roomie kami ni Sofia. Kung hindi kasi nangyari 'yon, hindi ko siya makikilala. Hindi ko makikita kung gaano siya kanice. Super duper bait niyang mortal. Napakatrue friend.
Sa super duper bagal kong maglakad, nasa unahan ko na si Sofia. Sinusundan ko na lang siya. Medyo nagtaka lang ako nang pumunta siya sa right. Feeling ko kasi hindi ito ang way papunta sa room namin. Medyo isolated kasi 'yung place. Walang lights at wala akong naririnig na ingay. Hmm, baka may shortcut. Tama. Baka may nadiscover na shortcut si Sofia.
"Sofia, shortcut ba 'to?" Nakayuko kong tanong. Hindi ako sinagot ni Sofia. Instead, nagstop siya sa paglalakad kaya bumunggo ako sa likod niya. Magtatanong na sana ako pero nashock ako sa nakita ko. May isang guy na nakatalikod sa amin at isang babae. Familiar silang dalawa. Hindi ko lang medyo maaninag 'yung itsura nila kasi... naghahalikan sila. At medyo malayo sila sa mismong pwesto namin ni Sofia. "S-sino sila?"
Pagkatingin ko kay Sofia, may tumutulong likido sa kanyang mga mata.
Umiiyak si Sofia habang nakatingin sa dalawang mortal na nagkikiss.
Kinuha ni Sofia ang cellphone niya sa bulsa at para bang may tinawagan. Hindi ako nagsalita. Bumabagal ang tibok ng puso ko. May something. "H-hello?" Mahinang tanong ni Sofia. "Pau-Paul, na-nasan ka? Ta-tapos na ba program niyo?" Nanginginig na saad ni Sofia sa kausap niya sa kabilang linya. Paul? Boyfriend ni Sofia?