BARBIE GIRL
CHAPTER TWENTY ONE(Kathryn)
"Okay! So, bukas, magkakaroon tayo ng three days and two nights camping. Though, hindi naman kayo sa tent matutulog at hindi kayo gagawa ng bonfire. Isa itong program para mas maintindihan niyo ang course niyo. Anyway, lahat ng second year college ay kailangang sumama sa program na ito. Required ito ngayong sem. May babayaran kayong mga fees para sa pagkain, sa tutulugan niyo at iba pang stuffs. Ipapass ko 'tong forms para sa iba pang reminders. Kasama na rin dito ang consent para sa mga magulang niyo or guardians." Pinass ng prof naming cute ang mga forms. Omo! Para super duper adventure ang gagawin namin. Nae-excite ako!! "Sa beach resort tayo mags'stay at may kanya-kanya kayong roommates. Malalaman niyo ito kapag nasa resort na tayo. Nandiyan na sa papel na binigay ko sa inyo ang mga kailangan niyo tandaan at dalhin para bukas. Dalhin niyo rin ang consent niyo at dapat may pirma ito ng magulang o guardian niyo. May questions pa ba kayo?"
"Wala na po, ma'am!" Sigaw ng mga classmates ko.
Omo! Super duper excited ako!! Sa beach kasi ang place ng program na ito. Nakakarelax kaya ang beach tapos super duper calm ng aura. Baka sakaling marealize ko na hindi pala talaga ako inlove kay Daniel. Baka nagagwapuhan lang talaga ako sa kanya. Hihihihi! Sana marealize ko 'yun para hindi ako mahuhurt at maging normal na ulit ang tibok ng heart ko.
Habang binabasa ko 'yung form, may tumapik sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko ang pagmumukha ni Daniel. "Hoy, wag ka nalang kayang sumama."
"Huh? Bakit? Required kaya 'to!"
"Sasabihin ko nalang na may sakit ka. Wag ka nalang sumama. Baka mangyari ulit sayo 'yung... nangyari sa bukid ni lola. Sa bahay ka nalang." Mahinang saad ni Daniel.
Nginitian ko si Daniel at pinitik siya sa ilong. Nakakainis naman si Daniel. Para siyang basang sahig, to be honest. Pafall! Huhuhuhu! "Tatay Daniel, wag kang mag-alala. Kayo ko na ang sarili ko. Hindi na ulit mangyayari 'yun. Tsaka ang saya kayang experience ng program na 'to!"
"Aish, aish! Osige na nga. Basta kapag nasa beach na tayo, wag kang lalayo sa tabi ko. Hindi ka rin pwedeng maglakad mag-isa. Malinaw ba?" Sabi ni Daniel sa akin.
Daniel, please stop. Masyado ka ng nagiging cute at nagiging strict. Nakakainis na. Huhuhuhu! Masyado akong naaattract sayo. Kotang-kota ka na. Wag mo ng palalimin 'tong feelings ko para sayo. Wag mo ng pabilisin pa ang tibok ng puso ko. Wag mo na akong paiyakin.
"Aye, aye, captain!" Saad ko at nagsalute sign pa ako kay Daniel.
Humarap na ulit ako sa prof namin na kasalukuyang nagsusulat sa board. Tinago ko ang form sa bag ko at kinuha ang cute kong notebook. Nagsimula na akong magtake down notes. After ilang oras (hindi ko na nacount kasi nasira watch ko, huhuhu), tumunog na ang bell. Ibig sabihin, tapos na ang morning classes namin. Yipee!! Hihihihihi!
"Class, wag kakalimutan ang consent, okay?" Nakangiting saad ni prof.
"Opo!" Sigaw namin.
"Class dismissed!" Energetic na sabi ni prof.