Chapter 12

20.3K 625 36
                                    

DAHIL nga sa nakapagpasya na sina JB at Joan na babalik sila ng Maynila kinabukasan ay agad na ipinahanda ni JB ang bahay niya sa GSB subdivision. Ayaw kasi niyang mapag-isa ang nobya kahit na meron ang mga itong kasambahay. Magpapaiwan kasi ang magulang ng dalaga sa hacienda nila JB. Kaya sa bahay na lang niya ito dadalhin. Handa na kasi ito tanging mga kagamitan lang ang kulang. Hindi niya pinalagyan dahil nga hindi naman siya seryoso noon. Pero ngayon na meron na siyang nobya ay magseseryoso na siya.

"Hey! Bro, kailangan ko ng mga gamit sa bahay ko." Anito ng sumagot ang tinawagan niya. "So, seryosohan na talaga yan bro?" Ang natatawang tanong ng kausap niya.

"Seryosohan na bro, dahil I think siya na talaga." Sagot nito. "Wag muna sabihing sa tingin mo ay siya na. Dahil sigurado na akong susunod kana sa kanilang magpapamyembro ng kapag galit si misis, labas de kulambo ka." Ang natatawang anang kausap niya.

"Langya ka talaga oh!" Naisatinig na lang nito. "Hindi nga bro, seryoso. Kailangan kong magkaroon ng mga gamit ang bahay ko. Walang ni isang gamit sa loob nun." Seryoso nitong aniya.

"Flake sinong kausap mo?" Rinig ni JB sa kabilang linya. "Ang pinsan nating fuckboy. Seryoso na talaga. Papalagyan na niya ng mga gamit ang bahay niya." Anang kausap ni JB. Nang tawagan kasi niya ang number ni Blake kanina ay busy ito. Kaya si Flake ang tinawagan niya.

"Congrats bro, pero alam mong mga furniture lang ang meron kami dito. Kaya ang gamit sa loob ng kusina ay wala kami." Ani Blake sa kanya.

"Ako na ang bahala doon bro, basta palagyan niyo na lang ng mga furniture ang mula sa first floor hanggang second floor. Six bedroom ang nasa sa second floor." Anitong nag-iisip kung ano ang dapat ilagay sa bahay niya ng madalian.

"Sige, bro kami na ang bahala. Your lucky dahil ngayon ang pagdating ng mga furniture mula Malaysia. Kaya bukas ng umaga ay pasisimulan naming palagyan ng mga gamit ang bahay mo." Aniya naman ni Flake sa kanya.

"Thanks mga bro, you save my ass." Natatawa nitong aniya na kinatawa ng kausap niya sa kabilang linya. "Maganda nga at magseseryoso kana ng mapapalitan na ang tawag sayong fuckboy." Saad naman sa kanya ni Blake na kinailing niya.

Matapos nga niyang makausap ang mga pinsan ay nag-isip naman siya ng pwede niyang matawagan para palagyan ng mga appliances ang bahay niya. At pweding mautusan niyang palagyan rin ng gamit ang loob nang kusina ng bahay niya.

"Bro, I need your help." Anito ng sumagot ang tinawagan niya. Nakikinita niyang napakunot ang noo ng tinawagan niya. "Help for what Samonte?" Tanong nito kay JB.

"I need a appliances in my house." Sagot niya dito. "Okay. Kailan mo gustong ipadala ko ang mga appliances?" Tanong naman ng kausap niya.

"Ipahanda muna lang bro at tatawagan lang kita bukas kung matapos palagyan nila Blake at Flake ng furniture ang loob ng bahay ko." Anito sa kausap sa kabilang inya.

"Copy that fuckboy." Sagot naman nito sa kanya. "Geez. Good boy na ako bro." Anitong kinatawa lang ng kausap niya.

Matapos naman niya itong makausap ay si Aslea Dennisse ang unang pumasok sa isip niya pagdating sa kusina.

"Hello, maganda kong pinsan." Bungad niya agad dito. "Alam kong maganda na ako kuya JB. What you need?" Mataray na ani Aslea Dennisse sa kanyang kinatawa ni JB.

"Um. Princess, I need some help sa kusina ng bahay ko. Papalagyan ko ng gamit bukas kina Flake. At pati ang appliances ay papalagyan ko rin kay X." Anito kay AD.

"Ahah! Sige, ako na ang bahala kuya. At ako mismo ang magbabantay sa kanila bukas para maayos ang pagkakalagay ng mga gamit. Tatawagan na lang kita kung ready na." Ani Aslea Dennisse na kinahinga niya ng maluwag.

Because You Loved Me(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon