PARANG tinulos sa kinatatayuan niya si Hannah ng bumungad sa kanya ang mukha ng taong nasa harapan niya. Maging ang mga taong inutusan niya ay noon lang nila napansin ang mukha nito.
"Surprise." Sarkastiko nitong aniya kay Hannah. "Nagulat ba kita. Sorry ah! Magaling lang talaga magmakeup ang kinuha nilang nagmakeup sa akin. Kaya nagmukha akong si Joan. At dahil mga tanga itong mga mukhang alipunga mong mga alipures ay kaya naman hindi nila alam na maling tao pala ang dinampot nila." Nakangisi niyang aniya kay Hannah.
"Aw. That sad. Ang lakas pa naman ng kumpyansa mo sa sarili na magwawagi ka sa plano mo. But sad to say, talo ka." Mapang-asar nitong saad kay Hannah.
"Walang gagalaw, police ito." Daig pa ng mga ito ang tinuklaw ng ahas dahil lahat sila ay hindi nakagalaw sa kinatatayuan nila. "Geez. Pakikalagan nga po ako. Mga mukhang sugpo na 'to itinali nila ako. Mga peste." Anang taong nakidnap nila.
"Baby, your okay?" Tanong naman ng lalaking lumapit sa kanila. "Buhay pa ako lalaki." Sagot nito sabay inat niya ng mga kamay.
"Binalaan na kita. Kaso ang tigas ng ulo mo. Di magsama kayo nitong mga alipures mong mukhang mga sugpo sa rehas na bakal. Kaya goodluck baka meron kumamot sayo sa loob ng kulungan. Kaya ihanda mo na ang pagtikom mo ng mga binti mo ha." Ang naiinis na ani Hoor kay Hannah.
"Sinadya niyo ito. Pinagkaisahan niyo ako." Anito kay Hoor. "Oh! Hindi naman. Matalino lang kami. Syempre hindi namin hahayaang mahawakan mo ang kaibigan ko at mapahamak. At mabuti na lang talaga at maagap si JB. Kundi baka nakunan na ngayon si Joan dahil sa ipinakita nitong mga alipures mong mukhang mga alipunga. Kaya nga kapag mabait ka ay always talaga sa side mo si God." Saad niya dito bago siya tumalikod.
"Ang ganda niya talaga tadyakan sa ngala-ngala. Bweset na yun. Pinagtatangkaan talaga niya ang kaibigan ko. Pasalamat siya at walang nangyari kay Joan. Kundi pati tinggil niya ay bubunutin ko." Ani Hoor sa boyfriend niyang tahimik lang na nakikinig sa kanya.
"Hey! Ayos ka lang?" Tanong naman ni Frank kay Hoor. "Geez. Kuya, ayaw ko nang sumali sa klase ng trabaho niyo. My God. Masisira ang ganda ko." Nakanguso nitong aniya kay Frank.
"Sinabi ko na sayo e. Pero mapilit ka. Ang tigas ng ulo mo. Mabuti nga at natatagalan ka nitong boyfriend mo." Ang iiling-iling na ani Frank. Napakamot naman ng ulo si Jack sa tinuran ni Frank.
"Duh! Ayaw lang niyang mabasag ang two balls niya." Anito sabay baling niya kay Jack. Pero agad din siyang naglambing dito. "Sandoval take your brat girlfriend home." Utos ni Frank kay Jack.
"Okay, bro. Baby let's go." Yakag nito kay Hoor. Agad naman itong nagpatianod.
At habang papalayo sina Hoor at Jack ay naiiling na lang si Frank. Naiiling ito sa ginawa ni Hoor. Dahil ang tigas talaga ng ulo nito. Kung ano ang matrip nito ay talagang hindi mo mapipigilan. Dahil lahat ay gagawin niya mapapayag ka lang niya. Kaya ng magprisenta itong magpanggap bilang si Joan ng malaman nilang lahat ang balak ni Hannah ay gaya ng inaasahan ni Frank ay hindi niya ito napigilan at nahindian.
Habang pinagplaplanohan nila ng oras mismo na mamonitored nila ang balak ni Hannah ay bigla itong nagmakaawa kay Frank na siya ang magpapanggap na si Joan. Ayaw itong pagbigyan ni Frank dahil dilikado ang gagawin niya pero daig pa nito ang batang nagmamakaawang ibili ng candy. Hinawakan nito ang damit ni Frank sabay hila niya dito na parang bata at nagpapacute sa harap ni Frank. At katweran pa nito ay gusto lang niyang masubukan kung paano daw maging secret agent. Kaya walang nagawa ito sa huli dahil napapayag parin niya si Frank.
Simula pagkabata ay kilala na ito ni Frank mula ulo hanggang paa. Dahil ninong niya ang ama ni Hoor. At parang totoo na rin niya itong kapatid. Kaya ng magprisenta itong magpanggap na si Joan ay sinigurado niyang hindi ito mapapahamak. Dahil once na sinaktan nila ito ay hindi lang magkabali-bali ang katawan ng mga lalaking kumidnap sa kanya kundi mapapaaga ang pakikipag kita ng mga ito kay kamatayan.
BINABASA MO ANG
Because You Loved Me(Completed)
Romansa"Once you leave, don't come back. You are not the only girl."-JB Samonte