DUMAAN ang mga buwan na hindi mo masasabi kung ano ba ang totoong stadu ng relasyon nila Hannah at JB. Pero feeling ni Hannah ay magnobyo na nga sila binata.
"Hannah, can we talk?" Anang boss ni Hannah ng pumasok siya sa trabaho. "Sige po, madam." Sagot naman nito.
Kaya ng bumalik sa opisina niya ang boss niyang si Mrs. Alvarez ay agad siya ditong sumunod.
"Have a sit." Utos nito sa kanya. Agad naman itong tumalima at naupo. "Ano pong pag-uusapan natin?" Magalang niya ditong tanong.
"Meron akong kaibigan sa London na kailangan niya ng dalawang Filipino na maging isa sa mga employee nilang wedding organizer. At dahil matalik ko siyang kaibigan ay sinabi kong magpapadala na lang ako ng isa mula sa aking kumpanya. At ikaw ang napili kong ipadala doon kung gusto mong magtrabaho doon." Paliwanag sa kanya ni Mrs. Alvarez. Hindi naman makapaniwala si Hannah sa narinig. Of course gusto niyang magtrabaho ng abroad. So, this is it.
"Sigurado po talaga kayong ako ang gusto niyong ipadala?" Paniniguro nito. "Oo, ikaw nga." Pagkumperma naman nito.
"Oh! My God. Of course I want madam. My God. Pangarap ko po talagang makapagtrabaho ng abroad." Masaya nitong aniya. "Great. Ihanda mo ang mga gamit mo at ipapaayos ko agad ang mga papers mo." Saad sa kanya nito.
"Thank you so much, madam." Masaya nitong pasalamat sa ginang. Halos hindi na mapuknat-puknat ang pagkakangiti ni Hannah dahil sa good news na natanggap.
Pagkatapos ng trabaho niya ay agad siyang umuwi. At pagdating niya sa condo unit ni JB ay agad niya itong naabutang papasok sa banyo. Mukhang maliligo ito kaya hinayaan na muna niya. Hinintay na lang niya ito sa sala hanggang matapos itong maligo.
Kaya habang hinihintay niya ito ay hinubad niya ang suot niyang stiletto. Agad niyang sinandal sa couch ang pagud niyang katawan at bahagya niyang ipinikit ang mga mata.
Hindi niya alam kung ilang minuto rin sa loob ng banyo ang binata. Nang marinig niya ang yabag nitong papalapit sa kanya ay agad niyang minulat ang mga mata at naupo ng tuwid.
"How's your work?" Tanong sa kanya ni JB. Tapos na ito maligo at nakabihis na ito. "Okay lang at meron akong natanggap na good news." Masaya nitong aniya sa binata. Kunot noo naman itong napatingin sa kanya. Nagtatanong ang mga mata nito.
"Really. Ano namang good news ang natanggap mo?" Ani JB na nacurious sa sinasabi ni Hannah.
"Um. Ang sabi ng boss ko ay nangangailangan ng Filipino employee ang matalik niyang kaibigan sa London. Kaya naman ang kumpanya namin I mean ang boss namin ay nagpasyang ako ang ipapadala nila sa London." Nakangiti nitong pagbabalita sa binata. Makikita mo sa kanyang mga mukha ang excited habang sinasabi ito sa binata.
"Great. Kailan ka naman daw aalis?" Cool na cool lang itong nagtatanong sa dalaga. Kaya napakatamis ng pagkakangiti ni Hannah. "Kapag ready na ang mga papers ko." Sagot naman nitong kinatango ng binata.
"Okay. At kapag lumabas ka nga pala dito sa condo ko ay pakilock lang ang pinto. Dahil I'm sure wala ako dito sa oras ng pag-alis mo." Utos nito kay Hannah na nawala agad ang pagkakangiti nito dahil sa tinuran ng binata sa kanya.
"Saan ka pupunta?" Tila nalungkot naman ito sa narinig. "Uuwi ako ng Mindanao. Dahil meron akong importanteng gagawin doon." Mabilis nitong sagot.
"Ganun ba." Malungkot nitong sagot sa binata. "Sige." Dagdag pa nito.
"Oh! Bago ko makalimutan. Maybe bayad na ako ng utang ko sayo. Kaya, once you leave. Don't come back. Because you are not the only girl. Marami naman akong bagong maipapalit sayo. And thank you for the great time with you." Prangkahang sabi dito ni JB. Parang sampal naman ito sa pagmumukha ni Hannah. Hindi niya akalaing sasabihin iyon sa kanya ni JB. Ang akala niya ay okay sila ng binata. Ngunit nagkamali pala siya. Kaya hindi agad ito nakahuma sa tinuran sa kanya ng binata. Daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig sa katutuhanang sumampal sa pagmumukha niya.
BINABASA MO ANG
Because You Loved Me(Completed)
Romantiek"Once you leave, don't come back. You are not the only girl."-JB Samonte