Chapter 2: Canteen

4 1 0
                                    

Kiro's POV

Grabe di ko akalaing madadala pala si mikee sa halik kong yun.

Nung natapunan niya ko nang tubig nakaisip ako nang matinding gagawin.

Dahan dahan kong hinubad yung t shirt ko at halata sa mukha niya yung pagkagulat. Sino ba namang di magugulat sa 8 pack abs diba?

"Oh bakit parang natulala ka?" Pang aakit ko pa.

Matagal na akong may gusto sa kanya. Pero hindi ko lang talaga masabi sabi.

Tuwing gabi siya ang nasa isip ko. Minsan nga napapanaginipan ko pa siya. At syempre pinagpapantasyahan. Ayoko lang ding masira yung pagkakaibigan namin. Siguro mas ayos na rin siguro muna yung ganitong sitwasyon. Gayong may problema pa sa pagitan namin. Ako pa lang ang nakakaalam nito. Saka di ko pa namang balak sabihin kay mikee ang tungkol dito dahil tiyak na poproblemahin niya lang yon. Siguro pagdating nang tamang panahon. O kaya hayaan ko na lang na nanay niya ang magsabi nito sa kanya.

"H-ha? W-wala. Nagulat lang" saka na siya nakagalaw sa pwesto niya. Teka. May pasok nga pala ngayon! Kaya agad agad kong kinuha yung uniform ko at sinuot.

"Tara na!" Sigaw ko nung maalala ko. Sabay hila sa kanya. Patay! si Sir Benedict pa naman ngayon. Tiyak na papalabasin na naman kami! Kahit tatay siya ni mikee lagi parin kaming pinapalabas.

Pagkarating namin pumasok na kami kaagad nang room at sumalubong samin si sir.

"Why are you late?!" Mariin niyang sambit.

"We-we're---" gagawa na sana ako nang alibi nang bigla silang mag ingay.

"The two of you are dating huh" rinig ko saka ginatungan pa nang iba.

"Quiet!" Sigaw ni sir.

Saka ulit bumaling yung tingin niya samin saka tumaas yung isang kilay niya.

"Late po kasi kami nagising. We're so sorry po" pag sisinungaling niya habang nagbobow nang paulit ulit kay sir.

"Ms. Colorado and Mr. Fuentes get out of my room now! Your alibi is not convincing Ms. Colorado" Sabay tingin nang matalim samin kaya wala kaming nagawa kundi lumabas na lang. Pft.

"Tatay mo ba talaga yan?" Paninigurado ko nang makalabas na kami. Nandito kami ngayon sa grills ng room. Nakaupo at nakasandal.

"Yeah. Ewan ko ba kung bakit ganyan ang trato niya sakin." Malungkot niyang tugon.

"Every person has a secret. Kaya di malabong may secret din ang dad mo. Let him say it directly to you" pagpapagaan ko nang loob niya.

"Sometimes iniisip ko na lang na sana wala nalang akong magulang tutal nobody cares 'bout me"

"That's not true. I'm here your bestfriend. I'm always here by your side. I will never leave you. I'll promise!" Senyas ko saka tinaas yung kanang palad ko.

Pansin kong tinatago niya yung mukha niya sa buhok niya.

Tch. Ganyan siya lagi tuwing umiiyak siya sa harapan ko kasi ayaw niyang nakikita siyang umiiyak lalo na ako.

Iniharap ko siya sakin saka pinunasan yung mga luha niya saka siya niyakap.

"Shhhh. Tahan na. Matatapos na yung class nang dad mo satin." Habang hinahagod yung likod niya.

Bumukas na yung pinto at napagtanto kong si sir yon.

"Get inside except you Ms. Colorado. We need to talk"

Tumayo na ako saka pumasok nang pintuan. Alam ko namang pagsasabihan na naman siya.

Mikee's POV

ChanceWhere stories live. Discover now