Chapter 4: New Transferee

3 1 0
                                    

Mikee's POV

Kinabukasan....

Nasa school na kami ni kiro naglalakad papuntang room. May nakabangga saaming babae. Mukhang nag mamadali.

"Sorry." Nagmamadali niyang sambit.

"Bago ba yun?" Paninimula ni kiro.

"Ewan ko. Baka naman matagal na ngayon lang natin nakita" saka binilisan ko nang pumunta nang room.

Naupo na kami nang upuan at nagulat ako sa nasa harapan namin. Yung nakabanggaan namin kanina.

"Guys lemme introduce your new classmate. Introduce yourself." Masayang sambit nang aming adviser na si Maam Monette.

"Kakatransfer lang nang isa. Madadagdagan na naman" bulong ni kiro.

"Tch. Diba siya yung nakabangga natin?" Bulong ko rin sa kanya.

"Yeah." Maikli niyang tugon.

"Hi guys. I'm Megumi Estanislao. I hope maging close ko kayo." Saka na siya umupo sa tabi ni kiro na walang nakaupo.

"Mukhang kursunada ka pre" sabay pat pa nung isa kong classmate na lalaki kay kiro.

Di na lang umimik si kiro.

"Hey guys. Megumi" tiyaka niya inofer yung kamay niya kay kiro. Makikipagshake hands sana siya pero inunahan ko na siya.

"Mikee Colorado" saka ako nakipagshake hands at ngumiti nang plastik sa kanya.

"And this is Kiro Fuentes bestfriend ko." Mahina kong dugtong kasi baka marinig ni clyde.

"Mukha ka namang mabait. Pwede ba tayo maging bestfriend?" Tugon niya sakin.

"O-oo naman. Sure. Haha. Ikaw yung nakabanggaan ko before diba?" Paninigurado ko.

"Ah oo. Sorry nga pala ha. Nagmamadali kasi ako. Nakakahiya naman kung transferee ako tapos late ako diba. Haha"

"Yah. Its ok."

"Basta bestfriends na tayo ha?!" Masaya niyang tugon.

"Oo naman haha." Tugon ko pa.

Mukha naman siyang mabait.

Nag recess na.

"Kiro. Di muna tayo sabay mag rerecess may importante lang akong gagawin. Kayo na muna ni megumi." Saka ko hinanap si clyde. Gusto ko lang namang makapagusap kami nang maayos.

Nang mahanap ko na siya nakaupo siya sa isang bench. Malungkot yung expresyon niya habang kumakain nang sandwich mag isa.

"Clyde." Bungad ko sa kanya. Halatang nagulat siya kaya biglang lumiwanag yung mukha niya.

"Sorry sa kanina. Actually hindi talaga kami ni Kiro. Ginawa ko lang yun. Para gumanti. Sapat na rin sigurong pagganti yun."

"H-hindi kayo? So you mean pwede pa maging tayo uli?" Masaya niyang sambit.

"U-uhm.. I don't think so. Friends na lang muna siguro. Kasi matagal na rin naman yun. Pero i'm not yet ready. Kahit matagal na yun. Nanariwa parin yung sugat na iniwan mo." Tsaka ako ngumiti nang plastik.

"I-its ok.. Basta ang importante. Napatawad mo na ako." Saka niya ako nginitian at hinawakan yung kamay ko.

"Ok ka lang ba? Anlaki nang pasa mo eh. Pagpasensyahan mo na yung bestfriend ko ah. Ganun talaga kasi yun. Masyadong presko." Saka ako tumawa nang mahina.

"Haha. Namiss ko yung pagkaconcern mo. Lalo na yung ngiti mong yan. Kung bibigyan mo ako nang chance na ligawan ka. Hinding hindi ako magdadalawang isip na gawin yun. Hanggang ngayon mahal parin kita mikee. Ewan ko ba kung bat ko nagawa sayo yun. Pero nag sisisi ako. Sa isip isip ko ang tanga tanga ko kasi niloko ko yung babaeng mahal na mahal ako. At mahal na mahal ko. Mikee mahal na mahal kita. " litanya niya.

ChanceWhere stories live. Discover now