Chapter 8: Unexpected

6 1 0
                                    

Mikee's POV

"Nasan na ba kasi yung mikeeng yun?" Iritableng wika nang isa.

Omg ako nga ang hanap nila! Pero bakit?

"Nandito lang daw yun eh. Sabi ni maam" rinig ko namang sabi nung isa pa.

Hala? Anong kailangan nila saakin? Sumilip uli ako pero wala na sila. Hays buti naman.

"Ah! Nandito ka lang pala!" Rinig kong may nagsalita.

Yun yung boses nang naghahanap sakin.

Dahan dahan akong lumingon. Agad akong sumigaw pero dahil nga ako lang ang tao. Nahila agad nila ako saka tinakpan nang bibig. Pilit akong nagpupumiglas pero hindi ako makawala dahil higit na malakas sila.

"Wag kang malikot! Malilintikan kami neto kay maam!" Sigaw nung may hawak sakin.

Papunta na kami sa isang black na van. Hindi ako umiyak kasi walang magagawa ang iyak ko. Kaya kinagat ko na lang yung kamay nung malaking mama na may hawak sakin.

"Argh!"

Nabitawan niya ako kaya may pagkakataon akong makatakbo.

"Ron! Ano ba habulin mo!" Sigaw nung kinagat ko sa kamay.

Lalo ko pang binilisan ang takbo pero naabutan niya parin ako.

"Huli ka!" Hawak niya ako sa bewang habang kinakaladkad saka nakatakip yung isa niyang kamay sa bibig ko.

Maya maya pa biglang lumuwang yung pagkakahawak niya sakin. Lumingon ako sa likuran ko. And there's Clyde nakikipagsuntukan sa may hawak sakin kanina. Yung isa naman papalapit na sakin kaya naghanap ako nang pwedeng ipanglaban.

Luckily may nakita akong kawayan pinukpok ko muna sa batok yung kalaban ni Clyde saka kami tumakbo pero hindi ko parin binibitawan yung kawayan.

Nakapagpahinga kami nang maramdaman naming wala nang humahabol samin.

"Anong kailangan nung mga yon saiyo?" Sabi niya habang naghahabol nang hininga.

"Hindi ko alam." Sabi ko habang napaupo na sa buhanginan at nilalaro yung kawayan.

"Mukhang kailangan mong mag ingat ngayon." Wika niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 27, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ChanceWhere stories live. Discover now