NENE: Sa Huwad Na Maskara

5K 100 5
                                    

NENE SA HUWAD NA MASKARA
(Short Story)
By: Jen Lyn

Part 1

Writer's Note:

Ang kwentong ito ay pawang kathang isip lamang po. Kung may pagkakahalintulad sa obra o akda ng iba, nagkataon lamang at hindi sinasadya. Ang kuwento ay may pagkasensitibo.

Tumakas ako sa poder ng aking ina at amahin. Hindi ko na makayanang tumira pa kasama ang inang hindi ako kayang ipagtanggol. Madalas akong hipuan ng aking amahin. Nagsumbong na ako sa aking ina pero sabi pagpasensiyahan ko na lang daw ang tiyong dahil nagbibiro lamang ito. Tumakas ako dahil hindi ko na hihintaying paka sa hipo-hipo ay mauwi sa kahalayan. Masyado pa akong mura, hindi pa handang pitasin. Bitbit ng maliit kong bag at perang naipon ko. Nagpasya na akong suungin ang magulong mundo ng siyudad. Sa tondo ako napadpad. Hindi ko alam kung saan ako susuling. Kung saan ako makakarating. Masyadong magulo ang lugar na kinasadlakan ko. Masukal gaya ng kagubatan pero kailangan niyang sumugal para sa ikakaligtas ng kanyang puri.

Naghanap siya ng magiging trabaho. Iyong angkop sa kanya. Kahit janitress o kaya kahera o tindera pwede na. Matapos ang gabi wala pa rin siyang mahanap na trabaho at wala rin siyang matitirhan. Hanggang sa naglakad siya nang naglakad. Palalim na nang palalim ng gabi. Patindi ng patindi rin ang buhos ng ulan. Matindig takot ang bumalot sa kanya. Nanginginig ang murang katawan. Hindi niya alam kong anong delubyo ang susuungin niya.

Katorse lang siya noon. Naalala pa niya ang pangyayaring iyon sa buhay niya. Isang dekada na ang lumipas. Mayaman, edukada, maganda at may magandang pamumuhay pero kapalit ang paggamit ng huwad na maskara.

Tandang-tanda niya noon. Nanginginig ang katawan niya. Takot na takot lalo na't may kalalakihan siyang nakitang papalapit sa kanya. Akala niya mas mapapariwa ang buhay niya sa lungsod. Buti na lang at biglang may humintong sasakyan. Mag-asawang may edad na ang bumaba at kinausap ako. Sumama ako sa kanila. Kaya ito ako ngayon. Isang CEO ng isang companya sa edad na biente-kuwatro.

Kinupkop at tinuring na anak kapalit ng isang pabor. May anak ang mga ito. Hindi pa daw sila kayaman noon. Simple ang anak nila at matalino. Minsan may group work daw ito at gagawin sa bahay ng isang kaklase. Ayaw man daw ng mag-asawa pero pursigedo ang bata kaya pumayag na sila. Hindi nila alam na doon mapapariwara ang buhay ng nag-iisang anak. Dahil walang sapat na pera at ayaw nilang ilagay sa kahihiyan ang anak ay nanatiling lihim ito. Naging bugnutin ang anak nila. Hindi kumikibo at bigla bigla na lang umiiyak. Very traumatic ang nangyari. Nakikita niya rin ito. Ate Vicky nga ang tawag niya eh. Kahit walang ekspresyon ang mukha nito lagi kong kinakausap at kinukwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay. Kapatid na ang turing ko sa kanya.

Trenta-y-dos na si ate Vicky at ayon kay mama diese-sais noong mangyari ang insidente. Ganoon na ito katagal at ganoon na rin katagal na tulala. Gabi-gabi tinatatak sa sarili na kaya siya kinupkop ng mga magulang para maghiganti para sa ate Vicky niya.

Habang hawak hawak ang data na nakalap ng informante niya. Don Macario Manansala Jr. Ang lalaking nasa likod ng nangyari sa ate Vicky niya. Batchmate ni ate Vicky ang anak nitong panganay si Minerva. Doon sa bahay ni Minerva ginanap ang group work nila. At ayon pa sa datos may anak pa itong bunso si Macario Manansala III, o Thirdy. May mga larawan ding binigay ang informante. Larawan noon at ngayon. Isa-isa niyang tinignan ang mga larawan. Hayop ka don ka. Nasabi sa sarili nang makita ang don na may tungkod pa. Ang anak nitong si Thirdy. Guwapo, makisig pero sayang nagkaroon ka nang amang demonyo aniya sa sarili. At si Minerva, may dalawang anak katabi ng asawa nito. Bigla siyang naiyak. Siguro kung hindi nangyari kay ate Vicky 'yon for sure may mga anak na rin ito. Nahahabag niyang hayag.

Sisimulan niya ang misyon sa pagpasok sa buhay ng don. May business ito, isang bahay aliwan pero maaring legal ito dahil matataas na tao ang maari mo lang makita sa lugar na ito. Five star club kumbaga. Gumawa siya ng paraan para makapasok bilang dancer sa club. Sa ganda ng mukha at katawan madali siyang natanggap. Idagdag pa ang nene niyang mukha. Sa likod ng maskara natuto siyang sumayaw sa ritmo ng sensitibo. Sayaw na nakapanghahalina. Sayaw na nang-aakit. Lahat nang kalalakihan handa siyang i-table pero hindi siya nagpapaunlak pero kung ang don Macario maaari. Sabi sa sarili.

NENE SA HUWAD NA MASKARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon