NENE SA HUWAD NA MASKARA
(Short Story)
By: Jen LynPart 2
Gaya ng sabi ko Mr. Manansala hindi ako gaya ng inaakala mo. Sabi sabay bawi sa sobrero at sinimulang lisanin ang lugar. Sumunod na gabi hindi muna siya papasok sa club. Masyadong mainit ang mata sa kanya ni Thirdy kaya nakipag bonding siya kay ate Vicky niya. Ate, alam mo bang may guwapo akong lalaking nakilala. Kuwento niya, grabe ang guwapo niya kaya lang ang sungit. Dagdag pa niya, wala pa rin itong reaksyon. Pero paano ko mamahalin ang taong dahilan ng kasawian ng mahal ko sa buhay. Paano ka iibig sa lalaking habang nakikita ay unti-unting pumapatay sa mahal mo sa buhay. Ate, ikaw? Magmamahal ka ba sa kabila ng lahat? Sa laki ng utang na loob mo kaya mo bang suwagin ang mga taong pinagkakautangan mo ng magandang loob para sa pansariling kaligayahan? Tanong niya rito kahit alam niyang wala naman itong reaksyon.
Bakit, wala siya ngayon. Tanong naman ni Thirdy. Nagtanong siya kay Che-che kung may alam siya tungkol sa babae. Kahit nga pangalan hindi alam pero nakalagay sa bio data nong nag-apply Magdalena ang pangalan. Napaka-literal na hindi ito ang totoong pangalan nito. Wala siyang nagawa kundi umuwi at makapagpahinga dahil bukas may meeting siya with Samaniego-Ybanez Manpower Services. Regards sa nga kukunin nilang taong ipapadala sa company sa Japan.
Lumipad ang papa niya para sa isang conference sa Macau kaya kailangan ni Pooleen na humarap sa client nila bukas. Kaya hinanda ang kakailangan bukas para wala nang problema. Kailangan niyang makuha ang deal na ito. Dalawang daang tao kasi ang kukunin ng Mitsuba Trading Incorporated na ipapadala nila sa Japan. Malaking deal ito na papasok sa account ng kompanya.
Napatingin siya sa kesame. Maraming taon na nakakaraan, kumusta na kaya si inay. Alala sa ina. Kaya di niya namalayang kinukontak nito ang informante niya. Gusto niyang malaman kong anong buhay meron ito ngayon. Sa kabila ng lahat, nanay niya pa rin ito.
Inayos ni Pooleen ang mini-skirt, ang blouse at blazer saka binitbit ang folder papunta sa conference room. Sabi ng secretary niya nandoon na daw lahat siya na lang ang wala. Pagpasok sa conference room nakita ang tatlong lalaking mukhang Hapon at si-----Thirdy. Hindi niya napaghandaan ito. Nakalimutan niyang alamin ang big bosses na nasa likod ng Mitsuba Trading Inc. Pero nandito na siya, kailangan niyang panindigang hindi niya ito kilala at ngayon pa lang nakita ito.
Hi! Bungad nga, I'm Pooleen Saavedra, CEO of Samaniego-Ybanez Manpower Services. Nice to meet you guys. Saka isa-isang kinamayan ang mga ito. Batid niyang minumukhaan siya ng lalaki. Pero kailangan niyang ipakitang di siya apektado. Yes! Mr. Manansala III, is there something bothering you? Deretsahang tanong niya dahil laging nakatingin ito at sa totoo lang naaasiwa na siya sa paraan ng tingin nito. Ginawa niya ang lahat para maisara ang deal at masaya siyang sa reaksyon ng mga Hapon parang nagustuhan ang mga ito ang nilahad niyang preposition ng kompaniya nila.
Oo siya iyon, siya ang babaeng nasa likod ng maskara. Hindi ako pweding magkamali, siya iyon giit ng isip niya. Habang matamang tinitignan ang babae. Mukha ngang hindi siya nito kilala sa kung kumilos, masyadong confident. Pero di ako talaga pweding magkamali, ang mata niya 'yan ang matang nakita ko sa babae. Maaring alon-alon ang dati'y tuwid na tuwid pero siya iyon. Giit pa rin ng utak niya. Pero kung siya ang babaeng nasa likod ng maskara, ano ang plano niya. Bakit siya sumasayaw sa club kung CEO pala ito.
Napapamura si Pooleen sa sarili nang makabalik sa opisina niya pagkatapos ng meeting nila. Deal. Pero mukhang mabubulilyaso pa siya. Bakit hindi niya naalalang i-check ang mga tao sa likod ng ka-deal nilang kompaniya. Nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Ang informante nito. Nakalap na raw lahat niya may kasama pang larawan hintayin na lang daw niya dumating bukas. At sinabing idi-deposite na lang niya sa account nito ang kabayaran.
Ano ang plano mo Miss Poleen Saavedra. Ano ang mysteryong bumabalot sa'yo. Ani ni Thirdy habang matamang nakatingin sa sumasayaw na babae sabay tungga ng alak. Masyadong mahiwaga ang iyong pagkatao pero kung aman ang plano mo, hinding-hindi ka magtatagumpay.
BINABASA MO ANG
NENE SA HUWAD NA MASKARA
General FictionIsang babaeng tatanaw ng utang na loob kapalit ang pagpayag na alamin ang tunay na dahilan ng pagkawala sa katinuhan ang anak ng mga kumupkop sa kanya. Sa likod ng maskara ay papasok siya sa mundo ng makamundong tao. Mapagtagumpayan kaya niya ang ka...