I woke up today in a sunny Monday morning. I've slept for about 12 hours siguro nung Friday, the finale of Born For You. When I got home from the afterparty, bumagsak ako agad sa bed sa sobrang pagod, 'di na nga ako nakareply sa text message ni Moe. Goodnight daw. Ang kulit nya nag-goodnight na sya sakin bago kami umalis eh.
Ngayon paggising ko, di ako sanay na halos tanghali na ako magising. Kasi during Mondays, 3 o'clock pa lang ng umaga, paalis na akong bahay papunta sa set para magtape.
After ko magpray, inayos ko na ang bed at biglang tumunog ang phone ko. Pagkakita ko, may text. Galing kay Elmo.
"Let's watch Barcelona tonight, can you?"
Hala anong irereply ko? Is he asking me for a movie...date? I felt my face blushing.
"Yes, of cour--," bago ko pa matapos ang irereply ko, inerase ko agad. Anong 'of course'? Edi baka akalain nya basta sya all the time I would say yes. Erase-erase.
Hmmm...
I typed again.
"Hala! Oo naman! Why not?," Ugh it's so long! Daming sinabi eh, yes or no lang naman dapat isagot.
Erase-eraseee.
I sighed. Why am I acting like this? It's just a simple question that needs a simple answer.
"Sure!" Ayan. Okay na siguro to, simple lang. I press 'Send' and pinagpatuloy ang pag-ayos ng bed ko.
Pagkatapos na pagkatapos ko, tumunog uli phone ko. May text uli, from Elmo again.
"See you at 7 pm, Dolphy Theater."
Ouch. Ako pala pupunta dun, asa naman akong susunduin nya ako diba? Kahit wala na syang girlfriend, it doesn't mean na gagawin nya sakin mga ginagawa nya sa kanya. Okay lang, at least inaya naman nya ako.
...
It's exactly 6 in the evening. 1 hour to go na lang andun na dapat kaming dalawa sa Dolphy Theater. Eto ako ngayon, nasa harap ng closet ko, di alam ang isusuot. 'Dapat presentable ka, Janella,' bulong ko sa sarili ko.
Teka, bakit naman? Date ba 'to? 'Di naman to yung date na iniisip ng karamihan, friendly date lang to, movie...catching up? Yun. Walang kung ano. Kaya Janella, isuot mo lang kung anong gusto mo, wag kang magpaganda, mag-ayos ka lang para sa sarili mo.
So, kinuha ko ang white crop top ko at black denim skirt.
"Ang showy masyado ng suot ko," sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.
Nagdecide ako na magsuot na lang jacket.
Hmm....better.
Napansin ko, di masyadong maganda ang hair ko today so naisipan ko mag-side braids.
Sinuot ko na ang sapatos ko at kinuha ang bag ko at tumingin uli sa salamin, I'm ready to go.
...
Pagkatapos ng mahabang biyahe, idagdag mo pa ang traffic, sa wakas nandito na rin ako.
"Manong, I'll just text you if you need to fetch me na, okay?" sabi ko kay Manong Armand, driver namin.
"Yes po ma'am," sagot naman nya.
Binuksan ko na ang pintuan at bumaba. Nasan kaya si Elmo?
Pagkababa ko, my eyes searched for him agad.
Asan na kaya yung lalaking 'yun? Akala ko ba 7 pm? Mamaya nyan di sya sumipot.

YOU ARE READING
I Have Loved You
FanfictionEndings are inevitable. There are times that we're just happy but suddenly it will change our smiles to a frown. Our laughter into mourn. Life is unpredictable. Janella experienced a lot of endings too. A lot of unexpected things ended in her life...