Naranasan mo na ba na magkaron ng kaibigan at maiwanan?
Ang magtiwala at masaktan?
Ang umasa at mawalan ng pag-asa?Dahil ako oo
Naranasan ko nang maiwan nang isang kaibigan.
Kaibigan na lagi mong kasama,
Kaibigan na nandyan lang sa tabi tabi kung kailangan ko,
Kaibigan na lagi mong kabiruan at kakwentuhan mo,
Kaibigan na parang kapatid na ang turing mo.Kaibigan na sa isang iglap lang biglang naglaho na parang bula
Yung mga kaibigang halos pamilya na ang turing mo
Sa sobrang lapit sa isa't - isaYung lagi mong masasandalan at mapagsasabihan
Sa mga oras na ika'y problemado at nasasaktan
Sa kung ano man ang mangyariNa hindi mo akalain na sa isang araw
Ay maiiwan ka na para bang walang nangyari sa pagitan nyoUmaasa ako na mababalik pa natin yung mga pinagsamahan natin dati
Muling mabuo ang samahan na minsan nang nabuo't - nasiraAt ngayong nawawalan na ko ng pag-asa
Siguro dahil sobrang layo ko na sa kanilaPero di ako nawawalan ng pag-asa dahil
Marami pa naman akong makilalaa at makakasama sa buhay ko.Kaya naman di ko isinara ang puso at buhay Ko para sa mga taong ito.