Ang aking guro

344 4 0
                                    

ang aking guro

guro, ang ikalawang magulang,
magulang sa eskwelahan.
tinuruan tayo pano magbilang,
magsulat o kung ano pa man.

guro, sila ang nagtyayaga satin,
matuto lamang tayo.
nagsasakripisyo para sa atin.
nagpapakagod para makapagtapos tayo.

Mga estudyanteng pasaway,sila'y nangangalit.
Di maiiwasang ang guro ay magsungit,
Ngunit wag mangamba, sila talaga’y mababait,
nagpapakapagod sila para tayo'y matuto,

salamat, salamat kahit pasaway kami.
salamat, dahil may natututunan kami.
salamat, Pag wala kayo walang kami natututunan.
salamat, salamat among guro.

Anumang mga pagsubok kaya nating lampasan
Sa ipinapakita ng mga gurong kabayanihan
Kaya sa tula’y aking sasabihin na…
Guro ko, Mahal ko, Bayani Ka!

Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon