CHAPTER SEVENTEEN
"ERWIN" Nagulat ang manager niya nang makita siya. "I need to be in that competition. Do something" she commanded.
"Natalie"
"Please" Napabuntong hininga naman si Erwin nang makita ang mga mata nito. She really wanted to be there, alam nito ang pinagdaanan para lang makaabot sa pagkakataon na ito.
"Okay, I will" tumakbo si Natalie sa kanya at niyakap siya. "What happened?"
"M-masakit pa rin, Erwin" she murmured. "M-masakit pa rin pala"
"Halika ka nga rito" hinila niya ito papunta sa upuan at pinunasan ang mga luha. "Ano ba ang nangyari?"
"He was there, Erwin. Maayos naman lahat, nagawa ko yung mga plano ko--" she stopped.
"Pero may nagawa kang hindi kasama sa plano mo, tama ba?" Pagtutuloy ni Erwin.
Yes, it was true. Lahat ng nangyari sa Nueva Castillo ay kasama sa mga plano niya but Erwin was right, may nagawa siyang hindi kasama sa plano.
"Nakaya kong hindi siya pansinin. Nakaya kong ipakita sa kanya na hindi ako naapektuhan..pero--" napapikit siya. "Pero nang marinig ko sa kanya ang dahilan niya, Erwin. Lahat ng plano ko, lahat ng iyon nakaya kong kalimutan. Biglang bumalik lahat ng pagmamahal ko sa kanya.." she broke down.
Napakunot ang noo ni Erwin. "Kung ganun naman pala, bakit ka umiiyak?"
"Sheena showed up" nagiba ang expression ng mukha ni Erwin nang marinig ang pangalan ni Sheena. "Hindi ko na alam ang papaniwalaan ko,Erwin"
Hinawakan ni Erwin ang mga kamay niya. "Hindi ko na alam ang gagawin ko. All I knew was that I just want to end this." She said.
"Do you pray, Natalie?" Erwin all of a sudden asked.
"He doesn't listen--"
"Are you sure?" Bumitaw si Natalie sa mga kamay nito sa tanong ni Erwin. Of course she is! How many times did she pray for her father to be well, ilang beses niya bang pinanalangin na sana bumalik ito.
How many times she cried at night praying for her mother to come home but she didn't. Ilang beses ba siya umiyak sa Diyos para lang balikan siya ni Vhal?
She lost count.
"Natalie, I know what you've been through" He murmured. "I know it's painful but everything happens for a reason"
"Reason?" She let out a fake chuckle. "So what's the reason.. anong dahilan Niya bakit ako nasasaktan ng ganito? I did everything to please Him pero ganito pa rin--" she didn't finish her sentence. Hindi na niya alam ang sasabihin dahil hindi na niya maintindihan. "I- I can't understand His reason"
Erwin tilted her face and brushed the strands of her hair. "Hindi ko rin alam kung bakit, Natalie" he said. "But can I pray for you still?"
Sandaling nagkatitigan silang dalawa at ilang sandali pa ay tumango na siya.
Erwin did pray for her at tumatak sa isip niya ang mga sinabi nito.
She may not understand now but someday she would. That's what You have said in Your word
Naalala niya iyon. That's what their father was always telling them. That someday, every unsaid words, unsaid actions and unsaid sacrifices would be worth it.
Sa hindi maipaliwanag na pagkakataon. Nakaramdam muli si Natalie ng paggaan ng kalooban, ang bagay na hindi niya naramdaman sa loob ng limang taong tumalikod siya Rito.