CHAPTER THIRTEEN
Five years ago
"GLADYS, just tell me where he is and I'll stop bugging you" sambit ni Natalie.
"Natalie" she let out a sigh. "I am on leave, hindi ko alam kung nasaan ngayon si Vhal." Sagot niya.
"But you're his manager, hindi naman ibig sabihin na on leave ka ay wala ka ng contact sa kanya!" Asik ni Natalie. "C'mon, Gladys.."
"Natalie, someone took over my place for the meantime and believe me or not, wala talaga akong alam ngayon maliban sa hotel na pinagststayan niya"
Nanlaki ang mga mata ni Natalie at hinawakan ang kamay nito. "That's more than enough, Gladys"
Dumiretso sa bahay si Natalie para magimpake ng mga gamit nang maabutan siya ng kapatid na si Emilie.
"Ate, saan ka pupunta?" Tanong sa kanya nito.
"Susundan ko si Vhal sa Italy, Lilie" ito ang nickname ng kapatid.
"H-ha? T-teka ate.. papaano si Papa?" Sambit niya rito. "K-kailangan ka namin dito, kakatapos pa lang ng operasyon niya"
It's been three days since their father undergone a surgery. Mayroong tumor ito sa utak at kailangang maoperahan agad dahil maari nitong ikamatay.
"Sandali lang ako doon, k-kailangan ko lang talagang p-puntahan si Vhal" hindi siya makatingin sa mga mata ng kapatid.
"K-kumusta na pala si Papa?" Tanong niya sa kapatid. Nasa ospital pa rin ang kanilang ama at si Lilie ang nagaalaga rito pansamantala.
"H-hindi pa rin gumigising, nasa ICU pa rin" sagot naman ni Lilie sa kanya. "S-sabi ng doctor, kapag unresponsive pa rin siya within five days.. baka may complications sa surgery"
Niyakap ni Natalie ang kapatid ng umiyak ito. "Walang mangyayari kay Papa, Lilie" walang bahid ng pagaalinlangan niyang sambit rito. "Anong sinabi ko sayo kapag natatakot ka o nawawalan ng pagasa?"
"Manalangin sa Diyos"
"Tama" sagot niya pagkuwa'y kinurot ang tungki ng ilong ni Lilie. "Hindi papabayaan ng Diyos si Papa"
Kinagabihan din ng araw na iyon ay kumuha ng flight si Natalie papuntang Italy.
After almost 20 hours of travel ay nakarating na rin si Natalie sa Rome. Ayon kay Gladys, dito ito nakacheck in kaya dito na siya dumiretso at hindi sa Milan kung saan gaganapin ang laban.
"Siamo qui" sambit ng driver at bumaba ng taxi para ibaba ang maleta niyang dala sa tapat ng hotel.
"Grazie" sagot niya sabay abot ng bayad.
May kakaibang kaba na nararamdaman si Natalie, sa walong taon nilang pagsasama ni Vhal ay ngayon lamang siya nakaramdam ng tinding kaba na may kasamang takot.
Natalie, you can do this...
She checked in first, mamaya na lamang niya muna kakausapin si Vhal. Magandang makapaghanda din muna siya, ihahanda muna niya ang sasabihin dahil puro 'bakit' ang baon niya ngayon.
She took a shower and changed comfortably, umupo siya sa gilid ng kama at inabot ang telephono.
Binigay sa kanya ng receptionist ang telephone number ng unit ni Vhal, mabuti na lamang at doon nga talaga ito nakachecked in dahil masasabunutan niya talaga si Gladys kung hindi.
Although, she's not really a violent woman. Gosh, what's happening with her?
Huminga siya ng malalim at tinawagan ito.