_
Nung nakaraang araw napapansin kong di na ako masyadong kinukulit ni Hani. Himala nga eh, buti naman kung ganun. Sakto naman ngayong uwian at agad ko naman inayos yung mga gamit ko at agad ko kinuha yung bag ko. Aalis na sana ako nang bigla nalang hinawakan ni Tith yung braso ko.
"Tith, bakit?" tanong ko sa kanya. Nilapag niya muna yung bag niya sa isang upuan at may kinuha naman siya doon tapos binigyan niya ako ng....
"Oh...love letter" Sabi ko at tinanggal ko naman yun sa isang envelope... eh??? bat ako bibigyan nito ng love letter?
"tnga di kita binibigyan ng love letter. may nagbigay kasi sa akin nan tapos pangalan mo nakalagay dyan alam ko naman hindi ikaw nagbigay nan diba? Sinabi ba naman na 4 years na tayo magkaibigan eh 1 year palang naman" agad naman ako tumango sa kanya, bat naman pangalan ko nakalagay dyan?
"Eh? Sino nagbigay nan sayo?" Tanong ko sa kanya.
"Sino pa ba? Edi si Hani" sabi niya at tinignan ko naman yung handwriting ng letter. Pero..parang sulat lalaki eh. "Hindi...Tith...Hindi sulat babae eh. Halata naman na lalaki nagsulat nito" kinuha naman niya yung letter na hawak ko at tinignan ulit.
"Oo nga noh? Pero sino naman gumawa nito?" Oo nga? Sino nga ba???
—
BINABASA MO ANG
Noona | Ahn Hyeongseob
Humorepistolary pd101 season 2 / Yuehua. ( Ahn Hyungseob ) 090317 - 120917
