05. | Hani's

1K 56 34
                                    

_

Nabasa ko kasi sa internet na para mapansin nga ako ng crush ko dapat maganda ako sa paningin niya kaya nag-make up na ako ngayon, tapos yung hair ko messy hair. So ganito ang plano ko pagka-bell. Lalabas agad ako dala dala maraming gamit papunta sa may labas ng room nila hanggang sa mabangga ko si hyungseob at mahuhulog ko mga gamit ko edi automatic tutulungan niya ako oh diba?! tapos magkakatitigan pa kami omg maganda yung una kong plano siguro kung sasabihin ko ito kay park woojin baka ilayo pa si hyungseob sa akin since close nga pala sila grr.

Bigla naman ako nakarinig ng bell na ibig sabihin uwian na namin kaya agad ko naman kinuha lahat ng gamit ko tapos nakamessy hair na ako at dali dali na ako lumabas papunta doon at sakto nga nagsilabasan narin sila nagulat nalang ako dahil may nakabangga na sa akin omg this is it hyungseob at nahulog ko naman yung mga gamit ko hindi ko muna titignan yung mukha niya kasi nga lumuhod ako para pulutin mga libro kong hawak alangan naman siya lang gagawa nun pero pagkatingin ko nanlaki nalang yung mga mata ko...euiwoong?! yung president ng classroom nila oh my god

"Ayos ka lang ba?" Agad naman ako tumango sa kanya kahit di ako okay kasi hindi ikaw si hyungseob gigil mo si aq failed agad unang plano ko. 

"Hani??? Oy ano nangyari?" tumingin naman ako at ayun nga si Park woojin na kasama naman niya si hyungseob na nakatingin sa amin na parang wala lang di niya ako tutulungan?! WALA SIYANG PLANO?!?!?!!? WALA SIYA SASABIHIN?!?!? WALA LANG TALAGA!?!?!

"N-Nabangga kasi ako ni euiwoong tapos ayun nabitawan ko ito mga hawak kong libro pupuntahan sana kita best" sabi ko at nakita ko naman na ngumisi ang bestfriend ko tngina nito alam na niya agad dahilan ko, makisakay ka utang na labas. 

"Oh bakit mo pala ako pinuntahan?" 

"Malamang sabay sana tayo" sabi ko sabay tayo namin ni euiwoong, ngayon ko lang napansin na ang cute rin pala nito parang....metamong? 

"May pupuntahan pa kami ni euiwoong eh, kung gusto mo sabay nalang kayo ni hyungseob sige bye best" magsasalita palang sana ako nang bigla na niya hinila si euiwoong, ay di manlang ako nakapag thank you sa kanya pero dibale chat ko nalang siya. Pero lab ko na bestfriend ko kasi pinagsolo niya kaming dalawa. Ngumiti naman ako sa kanya siya naman tumango lang.

"Hi seob! tara alis na tayo dito" Sabi ko at tumango nalang siya sa akin at nagsimula na kaming maglakad medyo malapit lang naman bahay ko dito pero sa kanya di masyado. So medyo mabilis lang kami maglakad. 

"Seob, mahilig ka ba talaga magbasa ng libro?" Tanong ko sa kanya. 

"Oo, ikaw? mahilig ka ba?" Hindi hyungseob...matuturnoff ka kaya sa akin kapag sinabi ko ang totoo kaya naman ngumiti naman ako sa kanya at sinabi ko na "Oo naman"

"Sinungaling!" agad naman siya tumigil sa paglalakad kaya naman tumigil narin ako at narealize ko nalang na andito na kami sa tapat ng bahay ko, well tbvh kinukulit ko siya palagi kahit di kami close minsan sabay kami kumain sa canteen minsan rin sabay rin kami umuwi oh diba. 

"Anong sinungaling ko dyan" 

"Alam kong tamad ka mag-basa ng libro nagkukwento sa akin minsan si woojin tsaka hindi ako manhid. Kung may nararamdaman ka sa akin itigil mo na dahil nagsasayang ka lang ng oras" Sabi niya at agad naman siya tumalikod at naglakad paalis sa akin...aba grabe siya ah...pero alam niya pala na may gusto ako sa kanya?! Ganun ba talaga ako ka-halata.

"HYUNGSEOB!!!" Tawag ko sa kanya tumigil naman siya sa paglalakad niya pero nakatalikod parin siya sa akin. "OO, GUSTO NGA KITA. PERO TANDAAN MO ITO, HINDING HINDI AKO SUSUKO. GAGAWIN KO ANG LAHAT MAHULOG KA LANG SA AKIN" pagkasigaw ko nan, pumasok na ako sa bahay ko hindi ko na siya hinintay magsalita kasi malamang maglalakad lang yan ng deretso. Akala niya ah. Hindi ako madaling sumuko lalo na't lalo ako nahuhulog sayo. 

_

Noona | Ahn HyeongseobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon