Turo

1 0 0
                                    

Call me Eypi. I am gay, hindi maganda but with a good heart. Witty din naman (I think). Ang ibabahagi ko ay ang pangalawang pagkakataon na ako ay nagmahal (nakakababae ba?)

It was summer when I met him. I am 22 and He is 19. (pak english ati)

Sunday night, summer outing ng barkada sa isang private resort.

Kasama siya ng mga kabarkda ko.

Unang kita ko pa lang sa kanya nakuha na agad niya ang atensyon ko.

Mga tulad niya ang gusto ko. Katamtamang pangangatawan, lalaking lalaki ang dating, mabait, malambing at higit sa lahat maganda ang ngiti.

Ngunit ng gabing iyon ay hindi ako naglakas ng loob na lumapit sa kanya upang makipag-kilala. Naging masaya na ako sa pagmamasid sa kanya.

Nagkasayahan ng konti. Kainan, kwentuhan, games at siyempre inuman.

Maaga akong natulog ng gabing yon dahil may trabaho ako kinabukasan hindi ko na talaga nagawang malaman ang pangalan niya ng gabing yon.

Kinabukasan ay maaga akong nagising ngunit wala na siya sa resort. Sabi ng mga naiwan ng gabi matapos daw ang inuman ay agad din daw siyang umuwi kasama ang mga kaibigan niya. (nalungkot ang badeng)

**

A week has passed and hindi ko pa rin alam ang pangalan niya.

**

That weekend ay pumasyal ako sa mga kabarkada ko to catch up on things at bonding na rin.

Dumating ang isa sa mga kaibigan namin at may inialok sa amin na ticket sa amusement park 50% discount, agad akong kumuha ng dalawang ticket para sa akin at para sa kanya kahit na hindi ko pa alam kung sasama siya at kung ano ang pangalan niya.

Nang gabing yon ay napagpasyahan kong doon matulog sa mga tropa ko.

Kinaumagahan ay napagpasyahan kong sabihin sa mga kabarkada ko ang balak ko na isama siya sa amusement park. Ngunit matagal bago nila malaman kung sino ang tinutukoy ko at doon ko nalaman ang pangalan niya.

Siya si Turo.

Nakumpirma ang hinala ko na mabuti nga siyang tao. Dahil dun lang pala siya nakatira malapit sa mga barkada ko kaya kilalang kilala nila si Turo.

Bago dumating ang araw ng pagpunta namin sa amusement park ay pinakiusapan ko ang mga kabarkada ko na sabihan siya pero huwag nilang sasabihin na sa akin nanggaling ang ticket. (lintik ang pabebe ng badeng)

**

Dumating ang araw ng pagpunta namin sa amusement park. Hindi kami sabay na nagpunta sa park (park na lang kay haba eh)  sa kadahilanang may dadaluhan pa akong kasiyahan kasama ang dalawa kong kaibigan.

Doon na lamang kami nagkita sa park at sa kauna-unahang pagkakataon nakadaupang palad ko na siya. Nagkakilala na kami ng personal.

Napakasaya ko ng panahong yun dahil wala akong naramdamang rejection sa kilos niya at nakitang pagkadismaya sa mga mata niya.

Nag-ikot kami sa park, kumain nagkwentuhan...

at sa lahat ng yan...

Ate yeng Hawak kamay kami ng kuya mo!!!! (napaihi na sa kilig ang badeng)

Nang lumalim ang gabi napagpasyahan namin na magpahinga na lang habang hinihintay ang fireworks display ng park na naghuhudyat ng pagsasara ng park.

Ang saya ko ng gabing yun dahil hanggang sa pag-uwi naman ay hawak niya ang kamay ko (jusme pasmado pa man din ako!! nakakahiya).

**

The following week ay nagkita ulit kami. Nagpapasama siya sa akin sa bahay ng tropa namin na may kilala sa manpower agency. Magpapasa siya ng requirements para ma process ang papers niya at reccomendation sa company. Sa kadahilanang gusto daw niya mag trabaho habang wala pang kasiguruhan kung makakapag kolehiyo pa siya.

Ang hindi ko inaasahan ay lagi pa rin niyang hinahawakan ang kamay ko kahit nakasakay kami sa PUJ at may ibang tao. Ang akala ko kaya lang niya hinahawakan ang kamay ko nung nasa park kami ay dahil kakilala naman namin ang mga kasama namin. Hindi siya napayag na magkahiwalay kami ng upuan. Kung lilipat siya ng upuan ay hila hila niya ang kamay ko kaya magkatabi pa rin kami at ipapatong niya sa hita niya ang magkahawak naming kamay (muntikan na akong mag ala - Sandara Park sa jeep).

**

Lumipas ang mga araw na nagpapalitan kami ng sms. Minsan nagtatawagan.

Nang mga panahong yun ay napakasaya ko kasi pakiramdam ko na hindi man niya ako mahal ay pinapahalagahan niya ang mga ginagawa ko para sa kanya.

**

Hanggang sa dumating ang gabing hindi ko inasahan.

Biyernes ng gabi nag-aya ang mga barkada na mag-bonding naman daw kami, kaunting inuman at kwentuhan lang.

Ang saya ng gabi namin tawanang walang humpay ang mga badeng..

Hanggang sa dumating na nga siya na hindi namin inaasahan dahil wala naman sa mga barkada ko ang nagsabi sa kanya na nandoon ako.

Tumabi siya sa akin sa upuan, inihilig niya ang ulo niya sa balikat ko, naramdaman ko ng may problema siya at wala akong ideya.

Pero imbes na tanungin kung ano ang problema ay...

Tinanong ko siya kung bakit siya nabdoon at pano niya nalamang nandoon ako, sinabi niya sa akin na nakita daw ako ng tropa niya na dumating. Tumayo siya at sinabi sa akin na may pag-uusapan kami pagbalik niya. May kailangan lang daw siyang puntahan.

Nang makabalik siya ay halos patapos ng inuman namin ng mga kabarkada ko.

Hinila niya ako papasok ng bahay para mag-usap.

"anong problema?" ang tanong ko

"aalis ako" ang sagot niya

"saan ka pupunta at kailan ang balik mo?"  - ako

"sa probinsiya, sa Ate ko, sabi niya dun ko na daw ako sa kanya pag-aaralin daw niya ako ng college" - siya

"eh di mas mabuti at makakatapos ka na ng college" - ako

"hindi mo ako pipigilan?" - tanong niya

"at bakit naman kita pipigilan? future mo na yun.. hindi naman kita kayang paaralin" - sagot ko

katahimikan...

"kailan nga pala ang alis mo?" - basag ko sa katahimikan namin

.
.
.
.
.
.
.

"...bukas" - ang sagot niya kasabay ng pagpatak ng luha niya sa saliw ng kantang "maybe it's you" na pinapatugtog sa radyo.

Niyakap niya ako ng napakahigpit sa kahuli-hulihang pagkakataon at naglapat din ang mga labi naman sa una at huling pagkakataon...

Sa kanyang pagtalikod ay natapos na ang aming kwento...

... ng wala pa man din kaming kongkretong simula..

...kami
...kam
...ka
...k
...

...nakalimutan ko hindi pala sigurado kung meron talagang kami...

...baka ako lang ang nakaalam na may kami...

**Wakas**

jusme may magbabasa kaya nito?? kung may maligaw.. comment lang.. bash lang.. tanggap lahat yan..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isang Linggong Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon