BEA'S POV
Parang ewan lang. -,- Pano ba naman, imbis na may maabutang Xander Gonzales sa may parking lot. Wala. Grr nakakagigil. -_-
**FLASHBACK**
4:00 pm ng matapos ang klase namin. Andami ko ng napagtanungan para lang mahanap at makita kung saang lupalop ba ang classroom nung Xander Gonzales nayun, ayun pala faculty lang ang pagitan ng classroom namin at classroom nila.
Maganda nanaman ako, kaya hindi kona kailangan pang mag ayos kahit na sobrang haggard ko na.
Kapag minamalas ka nga naman! Wala akong naabutang Xander sa loob ng classroom nila. Huhu iyak na akoooo!!!
Kesa sa mag drama na mag drama nagtungo nalang ako sa parking lot baka sakaling dun kona maabutan si Xander. Omg, Kyaaaaaaaah. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa....
Nandito nako sa parking kung nasaan ang baby car ko. Sumandal naman ako sa aking kotse habang nakatingin sa gate ng school namin
"Xander. Xander. Xander. Xander. Xand-"
"HOOOOY"
"Ay palakang malaki" nagulat kong bigkas. Humarap naman ako sa may tagiliran ko.
"Ano ba David, aatakihin ako sayo ng wala sa oras ih" Naiirata kong sabi sabay hampas sakanyang dibdib. Woah ang tigas naman nun. Errkk"Tss, Kanina kapa kasi dyan naka tulala kaya naisipan kong gulatin ka, pati sino bayung Xander nayun? Bat bigkas ka ng bigkas sa pangalang yun?" Tanong nya
"Ha? Ah si Xander" nakangiti kong sabi, bigla akong napaisip. "Ah eh, wa-wala wala. Don't mind that" sabi ko habang itinaas ang kamay yung parang pinipigilan sya.
"Sus, eh baka naman crjsudhwn" hindi kona naintindihan ang sinabi nya nung huli dahil humina na ito ng humina
"Ano?"
"Wala ang sinabi ko, sabayan moko mag dinner para naman makabawi ka sa hindi pagtuloy dun sa party" medyo nakasimangot nyang sabi
"Aba, kung tutuusin nga, kasalanan mo yun kasi hindi mo sakin itinuro yung venue nung party" nakanguso kong sabi
"Hindi mo naman kasi tinanong" ngingiti ngiti nyang sabi. Ahhhh kagigil tong lalaking to!
"Aba, ikaw kaya yung nag invite sakin na pumunta sa party, dapat kahit hindi ko itanong kung saan yung venue dapat sinabi mopa din kase pan-"
"Hep" putol nya sa ipinapaliwanag ko. "Okay okay, ako na ang may kasalanan"
"Buti alam mo" sabat ko agad sabay irap sakanya
"Aish wag ka ngang mag taray sakin beatrice, look inaamin kong ako na may kasalanan. Ako na lang ang babawi sayo, kaya sumama kana sakin, mag di dinner tayo" sabay kindat nya pa saakin
"Ayoko. May hinihintay pa ako dito" HOLY SHHHHH bigla akong natauhan dun sa sinabi ko. Iginala ko sa buong parking lot ang mata ko. Kami nalang ni David ang nandito at yung mga teachers so ang ibig sabihin lang nun ay...
"UWAAAAH" napaluhod nalang ako sa kinakatayuan ko. "Wala na sya, hindi ko na naman sya naabutan. Wala na si Xander" malungkot kong sabi
"Teka nga teka" itinayo naman ako ni david. Wow, ganon naba talaga ako ka kagaan para mabilis maitayo nitong si David? Nag muka akong laruan na nahulog. "Sino ba kasi talaga yang Xander nayan?" Naiirita nyang sabi
"Bakit ba kating kati yang dila mo katatanong kung sino si Xander?"
"Wala naman. Ayaw mo naman kasing sagutin yung tanong ko, puro kajan wala" sinabi nya habang ipinag cross ang kanyang mga braso. "Kung ayaw mong sabihin sakin kung sino yung Xander nayun, pwes wag mo ng babanggitin yung pangalan nayun kapag kaharap ako. Ang sagwa sa tenga ang pangit ng pangalan" nakasimangot nyang sabi