A/N: PLEASE VOTE AND COMMENT. SALAMAT SA LAHAT. ❤❤
------
CHAPTER TWELVE! ♡
------
XANDER'S POV
"Sorry sa pangungulit at sa pang iinis. Gusto ko lang naman kasing makipag kaibigan sayo, hindi mopa maibigay :("
"Sorry sa pangungulit at sa pang iinis. Gusto ko lang naman kasing makipag kaibig----"
"HEEEEP" pigil saakin ni ate. "Kanina mopa paulit ulit na binabasa yan, nakakarindi" maarting sabi nya habang tinatakpan ang kanyang tenga
"Paanong hindi ih, hindi ko kasi alam kung sino nag sulat neto" medyo iritado ko ng sabi
"Tch. Loko, sa tingin mo ba sa kakabasa mo dyan sa sulat nayan, lalabas kung sino ang nagbigay nan sayo?"
Oo nga no? Aish bobo mo Xander!
"Tss bahala kana nga jan. Tataas nako" nakangusong bulalas ko sakanya.
Paakyat na sana ako sa hagdan ng pigilin nanaman ako ni ate
"Teka lang, nasabi naba sayo nina mommy?"
Lumingon naman ako sakanya. "Ano bayun?" Kakamot kamo ulo kong tanong sakanya
"Ininvite daw kasi tayo ng business parter nina mom at dad na mag dinner bukas kasabay nila" seryosong sabi nya saakin
"Saan daw?" Walang kagana gana kong tanong sakanya
"Ewan ko basta sabi ni mommy sumama daw tayo"
"Ayoko. Kayo nalang" mabilis na sabi ko at mabilis ding umakyat ng hagdan patungo saaking kwarto.
Ng makarating sa aking kwarto agad akong nahiga at nag muni muni. Ng mag sawa ako naisipan kong ilabas muli ang pink na sticky note galing saking bulsa
"Sino naman kayang mag bibigay nito?" Nagtatakang tanong ko saaking sarili.
Bea
"Shit" napabalikwas ako ng bangon dahil sa pangalang pumasok sa aking isipan
"Tss hindi. Hindi yun si.." teka?
Baka nga si bea yun kasi sakanya lang din naman ako bukod tanging inis na inis.
"Hoy Xander"
Lumingon ako sa may pintuan. "Ano nanaman?"
Lumapit si ate sa kama ko at nakiupo din.
"Please na kase sumama kana mamaya. Mag didinner lang naman ih"
"Yun na nga ih kapag sumama ako anong gagawin ko don? Kakain lang? Eh Kayang kaya ko namang kumaing mag isa dito sa bahay" sabi ko habang nakasimangot sakanya
"Napaka arte mo sabihin naman ng mga business partner nina daddy napaka--"
"Ano? Dyan kayo magaling ih. Dyan kayo nag aalala, sa maaaring sabihin ng ibang tao" nakangusong sabi ko sakanya
"Hoy kung makapag salita ka ha. Sa ayaw at sa gusto mo. Sasama ka. Wag kang matigas ang ulo" pag babanta nya saakin
"Sya sya bahala ka. Dun kana ate matutulog muna ako gisingin mona lang ako bukas" pag tataboy ko sakanya.
Bago mahiga itinago ko muna ang letter sa likod ng phone ko sa may case at natulog na.
BEA'S POV
*SATURDAY*
Bakit kaya hindi pa nya ako inaaccept yung friend request ko sa fb?!