Non bata ba ako lagi akong nakatambay at nakatanaw sa bintana ng kwarto ko kung saan laging may hinahanap ang aking mga mata. Umaga't gabi ganon palagi ang gawain ko. Kahit sa paguwi galing school bintana parin ang laging kong inuunang puntahan. Hindi ko alam kung bakit iyon ang paborito kong tambayan. Alam kong weird para sa iba ang pagtatambay sa bintana kasi wala naman talagang espesyal dun pero para saken...........napaka-espesyal non.
Alam mo ba kung bakit?
Kasi sa bintanang iyon. D'on ko nakita at nasilayan ang mukha ng taong nagpatibok ng puso ko. Sa bintanang iyon ko unang naramdaman ang kakaibang saya. Kakaibang espesyal at higit sa lahat dun ko nakita yun taong pinahahalagahan ko nang sobra.
Ang lalaking minsa'y napalingon sa bintana na kwarto ko habang nakaupo ako roon at nakatingin sa kanya ng patago. Alam kong nang araw na iyon ay napansin niyang may nakatitig sa kanya na siyang dahilan ng paglingon niya.---- sa bintana ko.
Mula nang masilayan ko ang maamo at gwapo niyang mukha sa labas ng bintana ko ay walang oras akong hindi napapatambay roon para lang masilayan siya ulit. Kahit sa gabi wala akong pake kung dumugin at kagatin man ako ng maraming lamok basta makita ko lang siya.................masaya na ako.
Alam kong hindi normal ang gawin ito sa gaya kong bata pa ang isipan pero---.Tumatak na ito sa utak at isipan ko na gawin ang nakakakatawang bagay na ito kahit pa imposibleng magkaroon ng pagkakataon at humantong sa kawalan ng pagasa.
Gaya nalang ng isang araw masyado matamlay ang araw ko hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko wala akong gana sa lahat. Muli akong lumapit sa bintana ng aking kwarto at naupo roon. Walang emosyong ang mga mata kong inilibot sa daan kung saan may mga taong nakatambay at may ibang naglalakad at hinahanap ang pamilyar na bulto pero bigo akong nakita iyon.
At heto nanaman ako nakaupo at nakatanaw sa paboritong tambayan sa--.Bintana at umaasang masisilayan muli ang taong naging inspirasyon ko pero muli din akong nabigo. Halos araw-araw umaasa ako na sana kapag sumulyap ulit ako sa bintanang iyon makita ko ulit siya. Na sana kapag dumungaw ako ng isang beses maligaw ulit siya at mapalingon roon. Na sana isang araw ulit Mabigyan ulit ako ng pagkakataon kahit na malabo nang mangyari pa.
Hindi ko alam kung hanggang saan hanggang kelan ang pagtitiyaga kong maupo at tumambay sa bintanang iyon para lang umasa at makita pero palagi nalang akong bigo sa tuwin gagawin ko iyon. Hanggang sa dumating yun pagkakataon na magsasawa narin pala ako at tuluyan ng susuko. Akala ko kasi kapag patuloy kong gagawin iyon mangyayari ang inaasahan ko pero---Hindi pala. Umaasa lang pala ako sa wala. Umaasa ako na sa bintanang iyon magwawakas ang pangarap kong maging tayo kapag muli kang sumulyap roon pero mali pala lahat ng inaakala ko. Ang bintanang rin pala na iyon ang magbibigay at magdudulot ng kalungkutan ko. Ang magpapasakit sa puso ko. At ang higit sa lahat ang bintanang rin pala na iyon ang magpapaasa saken na walang espesyal.
Hanggang sa lumipas ang panahon marami ang nabago at maraming nagbago. Katulad ko, sa paglipas ng panahon marami akong binago sa sarili ko. Kinalimutan ko ang lahat ang mga panget na nakaraan mula nang magpasya akong magtrabaho sa ibang bansa. Iginugol ko ang oras sa trabaho sa bawat araw lagi akong lumalaban kahit minsa'y naisipan kong sumuko pero lumaban ako kasi alam kong may
" Mas " darating pa sa buhay ko ng higit pa roon. At ngayon, narito na ako ulit sa amin lugar kung saan lahat ay iniwan ko.
At sa pagkakataong ito muli akong napasulyap sa dating paborito kong tambayan ang aking bintana sa kwarto. Lumapit ako roon at isinandal ang dalawa kong kamay at nakangiting pinagmamasdan ang paligid sa labas. Ibang-iba na ito wala narin ang dating tambayan na lagi kong sinusulyapan tuwin araw at gabi. Ang nakaraan ay nakaraan nga talaga.
