"Oh, anyare sa'yo? Saka..pft-" Nagulat ako nung tinignan niya yung ano ko.
"Bukas zipper mo! HAHAHA!" Pagtingin ko..bukas nga..Lord, pwede niyo na po akong kunin! Huhuhu edi ayun ako, tumatakbo papalayo sakanya. kunware hahabulin niya 'ko ta's maghahabulan kami ta's ihuhug niya 'ko ta's maghahalikan kami. Ta's hindi ko napansin na may bato kaya..nadapa ako. huhu. Ano ka ba kase, e! tanga tanga mo! huhuhu. Sigurado akong pagtatawanan na naman ako nung mokong na 'yon.
" 'yan kase. Takbo ka pa, e, maaabutan lang naman pala kita. Tignan mo tuloy, nadapa ka't nagkasugat. 'wag mo na ulit gagawin 'yon, ha?" Lord! binabawi ko na po yung sinabi ko kanina na kunin niyo na po ako. hehehe
Dahil nga sa kaartehan ko, hindi kami natuloy sa cafe. Nakakapagtataka. Ano kaya yung sasabihin niya? Magpopropose na ba siya saken? ay joke. HAHAHA feeling. :( habang papauwi, ang traffic sobra. hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
"Shit." Mura ni Zenon. Bigla siyang lumabas ng kotse at sumigaw. "Hey! Don't you know that my car is worth more than your life?!" patay. may nakabangga sa likod ng kotse niya. Lumabas ako sa kotse at sinubukang awatin si Zenon pero hindi kaya, e. Natigil ang kanilang pagsasagutan nang magsalita ako. "Bayaran mo nalang yung nasira mo. Eto, calling card ko. Tawagan mo 'ko kung sa'n magkikita. Maguusap kayo sa ayaw at sa gusto niyo. Tara na, Zenon."Nauna na 'kong pumasok sa kotse at hinintay si Zenon na pumasok.
"Why'd you do that?"
"Do what?"
"Why'd you gave your calling card to him? What if he's a killer? a holdaper? a bad per-"
"Ano naman sayo ngayon kung killer siya? kung holdaper siya? kung masama siyanf tao? Ako ang papatayin niya, hindi ikaw. Ako ang nanakawan niya, hindi ikaw. Ako ang sasaktan niya, hindi ikaw. Kaya pwede ba, stop acting like a child."
"Ano bang problema? Kanina lang you're nice, tapos ngayon susungitan mo 'ko?" Natauhan ako sa sinabi niya. Umiinit kase ang ulo ko kung may ganitong pangyayare.
"S-sorry." 'yun na lamang ang nasabi ko at humagulgol na sa iyak. "What's wrong, baby?" He holds my chin and lifts it up.
FLASHBACK
"Mommy, magkakababy ulit tayo?" sabi nung batang babaeng nangangalang Nicole.
"Oo, baby. Saka baby boy 'to." Tumingin ang matandang babae sa kanilang bunso na may galit sa mukha. "Baby, hindi ka ba masaya na may bago na tayong baby?" Kinuha ng ina ang kamay ng anak at inilagay sa kanyang tiyan na may lamang bata. Agad na kinuha ng bata ang kanyang kamay at sumigaw. "Ayoko sakanya! Ayoko sainyo! Ako lang ang baby niyo! Sana mamatay na siya!" Nagulat ang kanyang mga magulang at kanyang ate sa sinabi ng bata.
Tumakbo ang batang babae patungo sakanyang kwarto habang umiiyak, sumunod naman ang ate nito. Kinagabihan, nabalitaan ng magkapatid ang nangyare sakanilang mga magulang. Nabunggo ang kanilang sasakyan sa isang malaking puno at tuluyan nang mamatay.
"Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko ang lahat ng 'to, ate. Dapat ako nalang yung namatay! Dapat ako nalang!" pinatahan naman ito ng kanyang ate. " 'wag kang magsalita ng ganyan. Tayong dalawa nalang natitira at dapat magtulungan tayo."
Bago namatay ang mga magulang, may natanggap na text message si Nicole at ito ang nakasaad:
"Mga anak, pasensya na kung hindi ako naging mabuting ina sainyo. Pasenya na kung wala kaming oras para sainyo. Alam niyo namang ginagawa namin ang lahat ng 'to para sainyo, hindi ba? Balawang araw, iiwan na namin kayo at sasamahan na namin si papa Jesus. Gusto ko sanang alagaan niyo ang isa't isa. Magtulungan kayo dahil magkapatid kayo. 'wag maging madamot, lalo na ikaw, Nicole. Ikaw ang panganay at dapat mong bantayan ang kapatid mo. Sa'yo naman, Veronica anak, naiintindihan namin kung bakit ayaw mo sa bago mong kapatid. Haayan mo anak, matatanggap mo rin siya. 'wag niyong kakalimutan na mahal na mahal namin kayo, ok?"
END OF FLASHBACK
"Hush, baby. I'm here. I won't leave you." he hugs me tightly like there's no tomorrow.
"I'm sorry about a while ago. Hindi ko kasi na-control yung temper ko. Alam mo naman kung ga'no kahalaga yung kotseng 'yon."
"I know, at sana hindi na maulit 'yon."
"I promise."
----
Hi guys! I'm back! HAHAHA short update, sarreh. 'yun lang. enjoy reading kahit lame HAHAHAHAHA -ree kaa
![](https://img.wattpad.com/cover/7362920-288-k314519.jpg)
BINABASA MO ANG
He doesn't care
Novela JuvenilI care for him, but he doesn't care. I love him, but he doesn't care. Now that im dying, will he ever care?