HDC: Four

110 0 0
                                        

09123456789 calling...


Sino naman ang tatawag sa ganitong oras? 3:00 am in the morning? heck. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi. Baka kasi hindi tao yung sasagot kundi...de, kaya ko 'to.


Hello?

[Hello? Si  Daryll 'to. Yung nakabangga nung kotse ng kasama mo.]

Ah, napatawag ka? Ano kailangan mo?

[Gusto ko sanang mag-usap kami at magsorry ng maayos. Babayaran ko nalang din yung nasira ko.]

Cafe malapit sa park. 9:00 am. Sige, goodnight.


[Sige. Good-]

Inendcall ko na. Baka kasi mahuli ako ni Nicole na gising pa. Ngayon ko lang nalaman na ang hot pala ng boses niya. Pa'no nalang kaya kapag nag-usap kame ng personalan bukas? Wala pa ding tatalo sa mahal kong si Zenon. <3 Okay, landi ko.

"Veronica! Bilisan mo nga!" Dapat kasi natulog ako ng maaga kagabi. Nakakainis ka naman, Veronica! Sigurado akong naiinis na si Zenon. Dali dali kong inayos ang buhok ko at bumaba.


"Ang tagal mo." Sabi niya nang walang expression sa mukha. Sabi na nga ba, e. Galit na siya. "Sorry." Hindi niya 'ko pinansin at naunang lumabas ng bahay. "Sabihin mo lang kung gusto mong matuloy tayo sa lakad natin dahil kung ayaw mo, hindi nalang sana ako nagsayang ng putanginang gas." Dahil sa takot ko, hindi ko na napigilan ang mga luha ko at naiyak. "Anong kaartehan na naman yan, Veronica? Iiyak ka nalang ba sa tuwing mag-aaway tayo?" Grabe, ang sakit sakit na ng mga sinasabi niya. "Ihinto mo ang sasakyan." Akala ko pipigilan niya ko pero agad niyang hininto ang kotse. Bumaba agad ako. Mahal ko siya pero hindi na tama ang ginagawa niya. Ang sakit sakit na ng mga sinasabi niya. Sinubukan kong intindihin siya pero sa tuwing naiisip ko na hindi niya ko mahal, parang gusto kong basagin ang ulo ko dahil ayokong mag-isip ng gano'n.


"Miss?" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko yung pamilyar na boses. Pagharap ko, si Daryll lang pala. Ang puti, ang ganda ng katawan, matangkad, para siyang anghel na nahulog at dito napadpad.


"Veronica."

"Ba't ang tipid mo? Saka ba't namamaga mga mata mo?" Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko. Makikita mo sa kanyang mga mata na nag-aalala siya. "H-hindi naman. Sorry. Ah, etong mga mata ko? K-kulang lang ako sa tulog kaya gan'to." Hindi niya na 'ko kinulit at pumunta na sa cafe.

Nakita ko si Zenon, nakaupo sa isang table at sigurado akong hinihintay si Daryll. "Bro." Bati ni Daryll sakanya. "Huh, don't call me bro. We're not friends." Gusto kong pagalitan si Zenon sakanyang mga sinasabi pero alam kong mapapahiya lang ako kaya mas mabuti nang manahimik nalang ako. "Girlfriend mo si Veronica?" Tanong niya kay Zenon. Alam ko naman ang isasagot niya. Oo, 'yan. "No, ofcourse not. Never."

Aray. Masakit 'yon, a. Para bang hinahawakan ng mahigpit yung puso ko. Hindi ako makahinga ng maayos. Ang hirap huminga. Ang sakit.


Umalis ako ng mag-isa sa cafe. "Bruhilda, alam mo namang hindi ka mahal ni Zenon. 'wag mong ipilit ang sarili mo saknya. Parang jeep lang 'yan. Kung puno na, hindi ka makakaupo ng maayos. Maghahanap ka ng ibang jeep na wala masyadong tao sa loob. Kaya ikaw, 'wag mong ipilit ang sarili mo sakanya dahil ikaw lang ang mahihirapan at masasaktan." Tama nga naman siya pero kailangan kong ipaglaban ang side ko. "Diba nga may bababa? Edi makakaupo na 'ko ng maayos. Maghihintay ako."


"Pa'no kung ayaw niya talaga sa'yo? Maghihintay ka pa din ba?"


----


wow, updated agad HAHAHAHAHA chos. yun lang. enjoy HAHAHAHA

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He doesn't careTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon