Jungkook's POV
Magkikita na ulit kami ni Yeri:)))
It's been a long time since we've seen each other. 1 and a half month.? Through texts lang kami. And finally, magkikita na ulit.
"Jungkook!" lumingon ako sa likod ko. Ang ganda ni Yeri. Naka-dilaw siya. Bagay sa kanya.
"Bey!" lumapit kami sa isa't isa at nagyakapan.
"Ang aga mo ah."
"Syempre. Naexcite ako sa sasabihin mo eh." ngumiti ako ng malawak.
Umupo kami sa may starbucks. Nagkwentuhan ng konti.
Medyo may nararamdaman ako na may sasabihin siyang iba. Yung maluha. Malungkot. Pero think positive. Iba si Yeri.
Habang tumatagal nawawala yung ngiti niya. Parang may iniisip.
"Yeri, okay ka lang?"
"Oo." ngumiti siya. Parang may hinihintay siya.
Biglang may pumasok sa starbucks. Si JiEun noona. Ay hindi.. Si IU sunbaenim.
Lumapit siya samin. Inosenteng mukha. Hindi na ako magpapakuha.
Tumayo ako. "Jungkook, ako nagimbita sa kanya." pagpigil sakin ni Yeri. "Sunbae, upo ka muna."
Umupo naman siya. At umupo na rin ako.
"Jungkook-"
"Bakit mo inimbita si Sunbaenim?" tinignan ko siya. Mata sa mata.
"May sasabihin kasi ako sayo. aaminin. Please-"
"Hindi ka na ba masaya sakin, yeri?" nagulat siya sa mga sinabi ko.
"Jungkook, pasalitain mo muna si Yeri." tumingin ako kay IU sunbaenim.
"Jungkook, oo. Hindi na ako masaya sayo. Dahil una sa lahat, niloko mo ako. Akala ko ako nga yung gusto mo pero hindi. Si sunbae pala. Sunod, Dahil don, pinilit kong gustuhan ka pero hindi ko nagawa." lumuha siya. " dahil lagi ko lang natatandaan na si Sunbae pa nga ang gusto mo. Kaya sinubukan kong sirain kayo, lokohin ka. Para magisa ka nalang. At yon ang makukuha mo sa panloko sa akin."
"Yeri-"
"Pero sabi ni Jimin lahat ng pangyayari sa inyo ni Sunbae. Nasaktan ako dahil nagsakripisyo si Sunbae para sa atin. Hindi ko alam pero nangibabaw yung guilt ko. Magiging kayo na sana pero dahil sakin lumala at nasira pa."
"Yeri, makikipag-break ka na ba?"
"Sana magkaayos na kayo ni Sunbae. Please Jungkook. Ayokong mag-isa ka. Ayoko na.. Ako naman magsasakripisyo para sa kasiyahan niyo ni Sunbae."
Tumingin ako kay IU Sunbaenim.
"Pero kung ayaw mo--"
"Sige. Makikipag-ayos ako. Pero hanggang don lang tayo." sabi ko kay IU Sunbaenim.
Tumango siya ng dahan-dahan.
Tumayo ako. Pero hinawakan ni IU Sunbaenim yung kamay ko.
"Ma-iwan ko muna kayo." umalis si Yeri sa starbucks.
Umupo ako.
"Kinalimutan mo na ba talaga ako?" tinitigan niya ako sa mga mata ko. Yung tanong niya, umuulit. Ano ba talaga?
"Matagal na." tumingin ako sa sapatos ko.
"Kung tatanongin mo ako, hindi pa-"
"Bakit?" tignan ko siya. "Bakit hindi mo ako nakalimutan?"
"Nung simula, nagusap tayo tapos naging close tayo. Pero, after nung araw na lumayo ako sayo.. Narealize ko na napakatanga ko. Minahal kita na pa-sekreto. Ang tanga ko. Dahil sinaktan ko sarili ko at DAHIL don, hindi kita nakalimutan." may tumulo na luha sa kanang mata niya.
"Sunba--"
"Ayon. Nasasaktan ulit ako. Dahil hindi mo na akong tinatawag na Noona."
"Ayokong makipag-ayos sayo." tumingin siya sakin. "Dahil hinding hindi ko kayang iwan si Yeri. Pero kaya kong magmahal ng dalawa. Iba't ibang rason." nabigla siya. "Kaya kitang mahalin ulit. Pero hindi na tulad ng dati."
Tumingin siya sa baba. "Hindi ko hinihingi yung pag-ibig mo--"
"Binibigay ko na ulit ang pag-ibig ko sayo, Noona. Ayaw mo ba?" umiling siya.
"Alam kong hindi madali yan. Natatakot lang akong iwan mo ako. Dahil dalawa kami ni Yeri." hinawakan ko kamay niya.
"Kaya kong ipamigay si Yeri. Kahit masakit. Pero andito ka naman diba?" tumingin ulit siya sakin.
"G-gagawin mo yon?" tumango ako.
Hindi ko alam kung ano ginagawa ko. Pero parang hindi pa rin nawawala si Noona sa mundo ko. Mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal na kahit anong masakit isuko, gagawin ko. Kahit si Yeri na minahal ko ng sobra.
I'm ready to give up everything. Anything. For her. For that girl. Kahit fame. Kahit ano.
I'm ready to love her again.
BINABASA MO ANG
I And You °L.JE x J.JK
Fanfic' hi noona! ' it's me, jungkook po.. COMPLETED IU x Jungkook Lee Ji-Eun x Jeon Jungkook L.JE x J.JK ^×^ ©