Hi my name is Vince Herrera. Madalas ako mag road trip gamit ang baby ko na isang yamaha FZ. Pinakamamahal at iniingatan ko ito dahil dugo't pawis ang puhunan upang makabili nito. Walang kahit na isang sentimo na ambag mula sa mayaman ko'ng magulang.
Wala pa'ng kahit sino ang nakakagamit o nakaka-angkas dito. Kahit pa kapamilya ko, kaibigan o ang mga nagpakilalang girlfriends ko raw. Buhay gwapo nga naman!
Alas sais ng gabi ng mapagdesisyonan ko ilabas ang FZ ko at magmaneho pa-ikot-ikot sa west Mckinley.
Nais ko lang naman masilayan ang buong lugar dahil unti-unti na ito'ng inaayos upang maging business district at naghahanap din ako ng bagong matatambayan para yayain ang barkada.
Bukod pa roon ay may nais ako'ng masilayan.
Huminto ako sa gilid ng kalsada malapit sa entrance ng Mckinley. Mula sa pwesto ko ay nakita ko ang babae na nagpatigil sa buong mundo ko ng isang minuto, na para bang isang taon ang lumipas ng una ko siya'ng makita.
Flashback
Five days ago. Lumabas ako para maggrocery. Habang bumabyahe ay bigla na lang ako napahinto sa tabi ng kalsada sa Mckinley entrance. Nakalimutan ko pala magpagas kaya tumirik ito.
Hindi ko naman pwede iwan ang babylabs ko para lang bumili ng gas at hindi rin naman pepwedeng itulak ko ito hanggang sa makarating sa gasoline station, nakakasira ng kagwapuhan.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan ko ang isa sa mga barkada ko.
Nakapamewang ang kaliwang kamay ko habang ang kanan ang may hawak sa phone na nakatapat sa taenga ko. Di' ako mapakaling nakatayo kaya pa-ikot-ikot ako sa aking pwesto habang paulit-ulit dinadial ang number ng nakakainis ko'ng bestfriend dahil hindi niya sinasagot ang kan'yang phone.
Nabaling ang tingin ko sa mga tao na nakapila sa sakayan ng jeep. Nahagip ng paningin ko ang isang napakagandang babae.
Natulala ako, huminto ang aking paligid na para ba'ng ako at siya lang ang nag-eexist. Nakafocus lang ang tingin ko sa kaniya.
Shit!! Napamura ako ng malakas ng may sumigaw sa taenga ko. Nabaling ang atensyon ko sa magaling ko'ng kaibigan na nasa kabilang linya.
"Pare naman nakakasira ka ng momment" pagrereklamo ko kay Ken.
Tumawa ito sa sinabi ko na nagpakunot ng aking noo. "Pre mukhang may magandang nangyari sayo ha?"
Dahil sa tanong niya ay binalik ko ang tingin sa mga nakapila ngunit wala na ang magandang babae.
"Hoy! Natahimik ka? May maganda nga'ng nangyari?" Muling tanong ni Ken.
"Gag*! Puntahan mo ako dito sa entrance ng Mckinley hindi sa C5 ha kundi sa kabila palabas ng Mckinley West. Dalhan mo ako ng dalawang litro ng diesel o di kaya ay dalhin mo ang pick-up siverado mo para maisakay mo ang FZ ko at ihatid mo ako sa malapit na gas station" utos ko sa kan'ya.
"Aba! pare hindi pang-tow ang pick -up ko--" magrereklamo pa sana siya ng sabihan ko (may-angal ka) hindi 'yon tanong kundi banta.
Sinira na nga niya ang magandang view ko magrereklamo pa.
End of flashback
Limang araw na ako pumupunta sa lugar na ito at laging tinataon ng alas sais hanggang alas sais y medya. Hindi nga ako nagkamila na makikita ko siya araw-araw.
Siguro dito lang siya nagtatatrabaho, base na rin sa kan'yang pananamit na semi-formal dress.