Gabi na naman pero lutang parin ako sa kakaisip sa sinabi ni Lance kanina habang kumakain ako dito ng dinner ko. " mas- mas masarap ba si Leo kasama kesa sakin? " waahhh!!! Ano ba Lance pakainin mo nga muna ako. Pero sa totoo lang guys nagiguilty talaga ako kanina sa nakita ko kay Lance, naalala ko tuloy lastnight siya pala ang nagwhisper sakin na nakakaloko pero hindi ko siya pinayagan sa mga kapilyohan niyang gawain pero kay Leo hindi ako nakapalag man lang😑 . Pero nagugulahan din naman talaga ako , bakit ako? Bakit ako ang pinagtitripan nila? Pero bakit nagiging feeling na rin ako?😂😂 pero seryoso , ang gwapo ng kambal at ang yummy hehe , pero di ba dapat babae tinitira nila? Sayang naman gift nila pero okay lang din naman kung ako muna pansamantala hahaha, whoo! Landi ko bes.On the other side din, hindi rin maalis sa isip ko ang mga sinasabi sakin ni Leo na sakanya na daw ako, at ang sakit ng kiss mark na iniwan niya sakin, red na red pa ito. " teritoryo niya? " ano to hayop lang? Lobo? Jacob ng twilight movie ikaw ba yan?😂😂 pero seryoso na talaga guys, haha, mukhang seryoso siya sa sinasabi sakin kanina at puno ng romance? 🤔 hmmm?
Matutulog narin ako guys, dahil class na naman hays, mahahampas ko nanaman ang alarm clock ko every morning.
Dumaan ang maraming araw, mga 1 week din yun at walang mga kakaibang nangyari on those days dahil midterm week, kailangan ko muna magfocus sa study, at hindi ko din masyado nakikita ang kambal busy din ata sa study nila pero si Leo nakikita ko paminsan sa school kahit sa malayuan. Pinapalibut siya ng mga malalanding girls. Tsk! Tsk! Naku! Kung alam niyo lang talaga, de joke lang. 😂 suplado parin siya kahit kanino. Gusto ko nga siyang puntahan at kausapin pero nahihiya ako at baka may moodswing nanaman tong tao na ito. Conscoius na conscious na ako sa kambal na ito nakakaloko na.
Nakalipas ang isang week at salamat naman tapos na rin ang aking kalbaryo sa mga exams ko sumalangit nawa ang magiging scores ko, please lord magiging mabait na ako, ipasa mo lang mga scores ko😂😂😇😇
Nasa eskwelahan ako ngayon , medyo maaga ako nakarating sa school ang guard ng gate palang ata ang nandito haha. Pero shoot na , maka-upo na nga lang muna sa mini park na sinasabi nila. Wala pala talagang tao sa school parang ghost school puro huni ng ibon lang ang naririnig ko at sarado parin ang mga buidings at offices. Wew, tinatakot ko na sarili ko dito, at yun nga guys napatalon ako sa biglang pagsigaw ng pusa na nasa likod ko
" AY PUSA KA !! " Tili ko, parang lumabas kaluluwa ko don sa pusa na yun ah? Bawasan ko kaya nine lives nito? At nagpatuloy ako sa paghihintay dun, at nagbasa nalang muna ako ng favorite novel ko na twilight😜 nasa chapter 3 rin ako nang may naramdaman kong may hinga na mainit na tumama sa bandang likod ng leeg ko. Shit! Tumayo bigla buhok, please, wag naman sana kayo nagpaparamdam sakin oh. At ayun na nga maslalo akong napatili ng may nagsalita sa likod ko.
" baby ko "
" anak ng bata-! " at napatalon ako sa kinauupuan ko, nagulat ako ng makita ko na may tao na pala akong kasama at si Leo ito, at..... Tinawag niya akong baby niya?
" ano ba naman Leo, maha-heart attack ako sayo wala sa oras " medyo inis kong sabi.
" sorry na " ngiting sabi niya, oops! Shit naman oh, ayan nanaman yung ngiti, yung ngiti!
" a-at anong baby sinasabi mo? " tanong ko pero balik na ulit sa feeling mahiyain.😂
" what? Di ba sinabi ko naman sayo na aangkinin na kita? " bolerong sabi nito, maku mukahang hindi ito si Leo ah? Ang layo sa Leo na kilala ko.
" bakit? Sinabi ko ba na pwede mo akong angkinin? " sambit ko sa kanya.
" oohh , fiesty!! Gusto yan, palaban ang baby ko " shoot! Ang ngiti ba , wag po!😈
" tumigil ka nga Leo, ang daming magagandang isda dyan bakit sa seahorse ka lumalandi? " sagot ko ulit sa kanya. Tumawa ito at sa kondisyon ko ngayon parang nilalagnat na ako mga 48degree celcius na haha..
" eh ano ngayon kung lumalandi ako sa seahorse ? Masarap na seahorse ka naman " mala-maniac nitong sabi, bat parang nagpapahiwatig itong tao na to ngayon? Ano ba ang nakain nito promise bibigay nanaman ako nito pag nagpatuloy pa itong kababalaghan niya. " at nakita kita nung sabado na may kasamang matangkad at morenong lalaki sa canteen habang kumakain " sabi ni leo at biglang umiba ang mood niya balik sa nakasimangot na Leo na kilala ko " huwag mo na ulit lapitan yung lalaki na yun , ayoko ko na magkasama kayo , maliwanag? " dagdag nito na parang tatay ko na ngayon kung makapagutos.
BINABASA MO ANG
LANCE AND LEO (boyxboy)
Romancedouble the trouble or double the fun? WARNING: Ang storyang ito ay Rated SPG kaya read at your own risk XD you may all proceed.