CHAPTER 5: A DATE WITH OLD FRIEND

4K 73 3
                                    


Napapabilis tibok puso ko ngayon sa takot at kaba, patay na talaga ako nito pag maabutan ako ni Leo na kasama ko si Lance ngayon dito sa kwarto nila, hindi ko lubos maimagine ang maging reaksyon ni Leo pag makita niya ako ngayon.

" oh, nandito na si Leo, aga naman ata? " bigkas ni Lance. At agat niyang pinuntahan ang pintuan at binuksan ito, wala na akong takas ngayon kaya kinuha ko nalamang ang cup ng noodles at kunyari ay kumakain ako.😂 " oh? Leo? Akala ko bro na sa eskwela kana ? " takang tanong ni Lance " at bakit naksando kalang at boxers, saan ka galing? " dagdag pa nito. Pero hindi niya agad sinagot si Lance kundi naka tuon ang mata niya sa akin, at bigla akong yumuko para hindi ko makita ang nakakalokang reaksiyon ni Leo.

" ah, wala na-nakatulog ako sa rooftop, " sagot nito " bakit siya nandito? " ayan na! Ako na ang tinutokoy ng mokong na ito.

" ah, oo nga pala , si Mikey yung kadormmate natin dito. Inimbita ko lang siya para magbreakfast , kumain kana din dyan, may isang cup ng noodles pa dyan. " sabi naman ni Lance ng napakanormal nitong pagsalita.

" ayoko ko siya dito " biglang sabi ni Leo na nakasimangot ang tingin sakin. Puro lunok lang ginawa ko habang tinititigan ko siya.

" Leo! Ano ka ba, bisista natin siya , magayos ka nga " sagot naman ni Lance, medyo nalilito na ako sa kanila, parang kinakausap lang nila reflection nila.😂

" ay, hindi Lance , aalis na ako maygagawin pa ako salamat sa breakfast " tumayo ako.
" ah, sige , pagpasensyahan mo na kapatid ko may moodswing ata to " pabirong sabi nito nito at inakbayan si Leo habang nakangisi
" mag c-cr lang ako " sabi naman ni Leo at tinanggal ang kamay ni Lance sa balikat niya at unang umalis sakin.
" ah, sigi Lance salamat ulit " ako
" salamat din Mikey " at kinindatan ako ni Lance, at nagmadali akong umalis. Nagmadali akong lumakad papunta sa kwarto ko. Hindi ko na mahagilalp si Leo , nag cr nga siguru ang gagi na yun. At nakarating na ako sa kwarto ko at ginulat ako ng pagkalakas ng bagsak ng aking pintuan.

" AT SINO NAGSABI SAYO NA PUMUNTA SA KWARTO NAMIN NA KASAMA KAPATID NA KAYO LANG DALAWA AT NAKA-LOCK PA ANG PINTUAN ?! " galit na sigaw ni Leo sakin, ayun sinesermon nanaman ako😭
" p-pero Leo inimbitahan lang ako ni Lance para magbreakfast at mabait naman ng kapatid mo" paliwanag ko sa kanya.
" HINDI MO ALAM UGALI NI LANCE! HINDI MO ALAM TAKBO NG UTAK NG KAPATID KO AT HINDI AKO MAGDADALAWANG ISIP PAG MAY GINAWA SIYA O KAYO NG KALASWAAN NA BUBOGBUGIN KAPATID KO " sigaw nito ulet sakin. Takot akong nakatingin sa kanya, takot ako sa pwedeng mangyari sa kanila. Ayoko na makarating pa ito sa puntong sinasabi niya,.ayoko namag-aaway ang dalawang makakapatid dahil lang sa akin.
" alam mo Leo, tigilan na natin to " biglang sabi ko sa kanya at bigli din bumago ang reaksyon niya na tila bumalik sa maamong Leo.
" no mikey baby, ayoko . HINDE! " biglang sagot naman nito
" Leo, sawa na ako sa pagiging agresibo mo, minsan hindi ko na maintidihan " paliwanag ko na maluha-luha na ako.
" so-sorry na, pipilitin ko na maging kalmado wag mo lang ako sukuan please, " nagmamakaawa nitong sabi at hinawakan niya kamay ko at lumuhod sa harapan ko " baby please, pipilitin ko wag ka lang masyadong didikit sa mga lalaki , lalong lalo na sa kapatid ko kasi may ugali siyang hindi na hindi niya mapigilan " maluha luha niyang sabi. Juiceko po, bakit ba ako pumasok sa ganitong mapaglarong tadhana? 🤒
" tu-tumayo ka na dyan Leo " utos ko sa kanya
" sabihin mo muna na hindi mo ako iiwan, please. " sabi naman nito.
" oo na , sigi na hindi na, kaya tumayo kana dyan Leo okay " naku! Hindi ko na alam paano ito tanggihan.
" i love you baby ko " at tumayo na ito. Ngayon ay nakangiti na ito habang hawak hawak parin ang kamay ko.
" ah, Leo maligo ka na , kagabi pa yang damit mo ang lagkit mo na " nagchange topic na ako para mawala na muna ang mood na ito. Medyo nasanay narin ako sa mga corny niya paandar sa akin.
" grabe ka naman baby, amoy mo naman to kaya okay lang sakin kahit isang linggo pa ako hindi maligo. " biro nitong sabi at agat akong hinawakan sa bewang at hinila palapit sa kanya.
" Leo, tigilan mo nga yan, bumalik kana sa kwarto niyo at baka hinahanap ka na ng kapatid mo " utos ko naman sa kanya.
" sigi na nga, pero kiss muna? " at nginuso na niya ako, pero ako ay nakatingin lang sa kanya " oh? Saan na? Nangangawit na nguso ko dito oh" salita niya ulit. At binigyan ko nalang siya ng mabilis na dambi ng labi sa nguso niya at binukas na niya mata niya at ngumisi sakin
" hmmm,  sarap talaga ng baby ko, busog na ako, hindi ko na kailangan ng breakfast. " bolang sabi nito at tinulak ko na siya palabas ng pintuan at hindi naman siya pumalag at nakisabay din at yun na nga , nasalabas na siya ng aking kwarto.
" uwi na Leo the lion, " sabi ko
" sigi, see you baby muaahhh " nag flying kiss ito , naku! Kung ano ano ang nalalaman ng mokong na ito. At sinara ko na ang pintuan ng maka hinga naman ako ng masaganang hangin. Nakamatay na kasi ang hangin ng Leo na yun 😂😂  irresistable talaga ang Leo na yun, gustuhin ko man layuan na ito pero parang hindi ko na ito matakasan pa.

LANCE AND LEO (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon