Chapter 9

7.1K 211 3
                                    


"ANO?" Sabay-sabay nilang sigaw tatlo.

"Pwede ba 'wag kayong sumigaw. Oo nga."


Nandito kasi kami ngayon sa waiting shed, hinihintay na yung sundo namin. Ang daddy ni Macy, daddy ni Shane, kuya ni Nixie at kuya ko.

"Tignan mo nga naman, kapanalig pa natin ang kuya ni Trevor, diba?" Ngiting sabi ni Shane.


"Kapanalig pinagsasabi mo Shane? Eh alam nga ng kuya niya na nagpapanggap lang kami ni Trevor."

"Yun na nga e, alam niya na hindi totoo ang relationship niyo ni Trevor as mag-boyfriend, eh shiniship niya parin kayo. Eiihhh!"

"Alam mo kase Mace, yang ship-ship na 'yan ginawa lang 'yan ng kung sino mang nag-imbento ng word na 'yan para sa mga celebrities, sa mga love teams? Diba?" Kung ano-ano kase sinasabi eh.


"Minsan Nana naisip ko, matalino ka ba talaga? O binabayaran mo lang yung mga teachers para tumaas' yung grades mo?" Ayy, kung hindi ko lang talaga kilala 'tong si Nixie, iisipin kong insecure lang 'to sakin.


"Ano naman ang kinalaman ng katalinohan ko dito?"


"Hello? Tao din kaya ang mga celebrities, tao din kayo ni Trevor. I mean para sa lahat ng estudyante dito sa school na 'to eh love team kayo, so there's no reason para hindi kayo iship, diba mace? Shane diba? Tama ako?" Sabay tingin niya kina Shane at Macy. Tumango-tango nalang yung dalawa. Sang-ayon na sang-ayon ah.

Kinilabutan ako sa sinabi ni Nixie na mag-loveteam kami ni Trevor. Yucks. Imbento.


"Duh! Ewan ko sainyo."

Dumating ang daddy ni Shane, at sumunod naman yung daddy ni Macy. Kami nalang dalawa ni Nixie dito, may class pa kasi ang mga kuya namin. Dito din nag-aaral ang kuya ni nix classmate ni Kuya. Oh diba, classmate na nga ang mga younger siblings, pati na rin ang mga Kuya. Dahil siguro eh hindi naman masyadong maramin ang mga students dito.


"So, kamusta kayo ni Kenzo? Uy napansin ko kanina tingin siya nang tingin sayo." Sinundot-sundot ko pa siya sa tagiliran niya. This time, ako naman mang-aasar sakanya, lakas kasi mang-asar nitong babaeng 'to. Revenge na ba? Feeling ko ako naman ang bibida ngayon.

"Tss, hindi naman kami masyadong nag-uusap. Ayun, kasama yung girl na nakwento ko sa inyo nong pinapunta ako ni Mrs. Reyes sa office niya."

"Kinwento? Wala ka man lang nakwento samin ah?!"

"Ayaw ko na ngang ikwento 'yun." Nakita ko namang naiirita siyang pag-usapan ang girdling 'yon. "Uy, nandyan na pala sila kuya."

Nandyan na nga sila. Tumayo na kami, tumigil 'yung may kotse sa tapat namin ni Nixie we bid a goodbye to each other and then sumakay na kami.


"Lumelevel-up ka na talaga kapatid." Napalingon ako sakanya.

"Ha? Anong level-up pinagsasabi mo kuya?"

"You already met the sister and now the brother naman. Kulang nalang ipakilala ka na sa parents niya." Ngiti niyang sabi habang nagda-drive. Hindi siya tumingin sakin, kasi nga nagda-drive siya.

"Hay nako." Napahilamos ako sa mukha ko. “'Yung tungkol sa pagpakilala niya sakin sa kuya niya is just a show, and besides Trevor's kuya already knew na hindi talaga kami. 'Yung sa sister niya naman, hindi niya alam na pretend lang 'tong ginagawa namin Trevor, akala niya talaga na girlfriend ako ng kuya niya."


"Pero, alam mo Nana, bagay nga kayo ni Trevor." Napatingin ako sa kanya.

"Kuya naman eh! Nakakainis talaga kayo! Kayo ng mga best friends ko, isama niyo narin ang kuya ni Trevor!" I crossed my arms and looked away. Aba at tinawanan lang ako ng magaling kong kapatid.


Love On [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon