Chapter 34

4.6K 169 7
                                    


Yanna's POV

"Ang laki at ang tamis ng ngiti natin ngayon, Mace ah? Anong meron?" tanong agad ni Nixie kay Macy.

Nandito kami ngayong tatlo sa garden, nag-r-review para sa nalalapit na naming exam. Si Shane, wala. Tinanan na 'yun ni Drew.

Kanina pa nakangiti si Macy. Ang OA makangiti ng amazonang ito. Kami namang tumitingin sa kanya, patay malisya pa kung bakit ganyan katamis siya ngumiti ngayon. Syempre alam naming nagka-aminan na silang dalawa ni Bryle. Pero gusto pa rin naming malaman kung ano-ano pa ang nangyayari no'ng gabing 'yun. Kaya lang ang bruhang si Macy, ayaw magbigay ng details. Ang unfair nga eh. Kaya eto kami ngayon, ginigisa siya para umamin na siya ng bonggang-bonga.

"Wow! Wala kayong alam? Bago 'yun ah," sabay tawa ni Macy. May pa ipit-ipit pa siya ng buhok sa teynga niya. Girl na girl ah. Mas lalo tuloy kaming na-intriga.

"Sus! Sabihin mo na kasi ang buong nangyari. Pasuspense pa eh, artista ka ba?" Sabi ko naman.

"Wala nga!" Wala raw tas biglang namula ang pisngi.

Nag-crossed arms kami ni Nixie.

"Oh, anong pose 'yan?" Natatawa pa rin niyang sabi.

"Okay," sabi ko. "Kung ayaw mo talagang sabihin. No choice na kami. Kay Bryle nalang namin itatanong."

"Tama!" Pag-a-agree ni Nixie.

Bigla namang naalerto ang expression ni Macy.

"Grabe naman kayo, 'yung nangyari naman kina Nixie at Kenzo pati kina Shane at Drew, hindi naman ganito ah," nag-pout pa si Macy.

"Expected na naman kasi 'yun. Eh eto, nakaka-intriga. Biruin mo naman Mace, isang playboy—kung matatawag man siyang playboy—at isang amazona, eh nagka-inlaban. Trending 'yun panigurado," si Nixie.

Macy sighed. "Okay, okay. Sasabihin ko na."

Nahihiya pa eh, sasabihin lang din naman.

So, ayun nga sinabi niya lahat ng nangyari no'ng Saturday night. Tapos 'yung kahapon. Naghahampasan naman kami ni Nixie sa kilig. Nangliligaw na pala 'yung Bryle na 'yun sa kanya. Feeling ko naman seryoso ang huli sa panliligaw niya. Nagpaalam pa sa parents.


Ang nakakatawa pa, 'yung sinabi ni Maikko na 'kailan ang kasal'. Tawa nga kami ng tawa ni Nixie eh. Si Macy naman sobrang pamumula. In love na in love lang ang dating.

Mabuti pa sila may love life na..

"So, kailan nga ang kasal?" Panunukso ni Nixie.

"Nix! Ang bata pa namin."

Nagtawanan lang kami tatlo. Hanggang sa dumating si Kenzo at kinuha si Nixie.

"Kailan mo siya sasagutin? Papatagalin mo pa ba?" Tanong ko kay Macy pagkaalis ni Nixie at Kenzo.

"Parang oo na parang hindi." Walang kasiguradohan niyang sagot.

"Ang labo mo. Anong 'parang oo na parang hindi'?"

"Parang oo, kasi mahal ko naman siya. 'Yung feeling na ang tagal-tagal kong inantay 'to, kaya ayoko nang patagalin pa ang pagsagot sa kanya." Sabi niya. "Parang hindi, kasi kailangan kong magpakipot 'no kahit kunti."

Natawa ako sa sinabi niya. Mukha siyang kinakabahan eh. Talaga bang ganyan ang feeling ng may manliligaw? Blooming?

Gusto ko rin maranasan 'yan.


Love On [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon