Chapter 23

5.5K 168 18
                                    


Nixie's POV

"Hoy bakulaw! Paabot nga ng walis tambo." Utos ni Yanna kay Trevor.

"Utosan mo ba ako? Ha? Kung makautos ka 'kala mo kung sinong hindi mukhang mangkukulam." Sabi naman ni Trevor.

Bigla namang nag-usok ang ilong at teynga ni Nana tsaka inirapan si Trevor. Kinuha nalang niya yung walis tambo malapit kay Trevor, nang padabog. At dahil Thursday ngayon, ang sampung campus royalties ang cleaners. Ito ang gusto ko sa school na 'to e, kahit elite school 'to tinuturuan parin naman kaming maglinis. Marunong naman kaming maglinis.

Ewan ko ba kung bakit kami binansagang campus royalties e hindi naman kami mga princesses at princes. Siguro mukha lang talaga kaming mga royalties.

"Ayusin mo kasi ang pagwawalis. May dust pa dun oh. Hindi ka ba marunong magwalis? O sadyang engot ka lang." Sabay smirk ni Bryle kay Macy.

Umayos naman ng tayo si Macy at pinanlisikan ng mata si Bryle.

"Eh ikaw nalang kaya ang magwalis? Marunong ka naman diba? Tutal mukha ka namang janitor. At anong sabi mo?" Tas dinuro-duro niya pa si Bryle. "Engot ako? Ikaw, mukha ka namang tao! Unggoy ka kasi kaya mukha ka lang tao. Kapal mo. Tabi nga dyan!"

Ayun, sabi ko sa inyo napaka amasona ng babaeng yan. Ang ingay-ingay dito sa loob buti na nga lang nandon sa principals office ang adviser namin.

"Ako na dyan." Napatingin ako sa direksyon nila Shane at Drew.

Nagbubuhat kasi si Shane ng madaming libro, ililipat lang niya sa kabilang table.

"'Wag na, kaya ko naman eh." Sabi ni Shane at tsaka niya nilagay ang libro sa kabilang table.

Anyare kay Shane? Usually kasi kapag nakikita ko silang magkatinginan ni Drew, ngumingiti siya. Pero ngayon, kakaiba e. Kakaiba ang ikinikilos ni Shane na pinapakita niya kay Drew. Feeling ko talaga... May something. May something sa kanilang dalawa na hindi namin alam. Well, lahat naman tayo may sekreto.

Pinunasan ko nalang yung mga arm chairs nang may biglang humawak sa right hand ko, which is 'yun ang ginamit ko para hawakan yung basahan sa arm chair kaya napatigil ako sa pagpunas.

Tinignan ko kung sino ang humawak sa kamay ko. Parang nags-slow motion. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

Kinuha niya ang bag niya pati narin saakin nagkataon kasi upuan namin ang pinunasan ko tsaka bigla akong hinila.

"Una na kami. Kaya niyo na naman siguro 'yan malalaki na kayo." Sabi ni Kenzo. Then tumingin siya saakin ng nakangiti. "Kaja!"

At tuluyan na nga kaming nakalabas sa classroom namin.

OH.M.G! Okay, anong nagyayari? Teka, t-totoo ba 'to? Hinawakan ng taong 'to ang kamay ko? Tinignan ko naman siya habang hila-hila parin ang kamay ko. Panaginip lang 'to! Ano ba nix, wag ka ngang mag-assume na totoo 'to. Nagd-day dream ka lang. Tsaka umayos ka nga! Diba dapat iiwasan mo na siya? Tanga-tanga lang?

I closed my eyes at nag pailing-iling. Kyaaa! Mukha talagang totoo e. Pero hin--

"Aray!"

Huminto kami kaya napadilat ako bigla. Muntik na kasi akong matumba, ayan may pa pikit pikit pa kasi. Buti nalang may dingding. Teka, ba't ang bango? May semento bang mabango? Wait, semento ba 'to? Pero bakit ang bango? Diba muntikan na akong matumba at buti nalang may dingding at dun ako nasandal? Eh sure akong dingding 'to e, semento 'to e. Puti yung kulay oh. Pumikit ako ulit.

"Hindi naman mabilis ang paglalakad natin ah."

May biglang nagsalita boses ng lalaki malapit saakin, as in malapit na malapit saakin. Nagsasalita ba 'tong dingding? Halah! O baka naman minumulto na ako? Ahh! Kuya Kyle tulong!

Love On [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon