"Hey! Nagiisa ka ata? Muka malungkot si babe ko ah. Hmmm." Sabi ni Jay na may kasama pang kindat."Alam mo istorbo ka din eh noh? Gusto kong magpahinga kaya nagiisa ako" sambit ko sakanya sabay irap.
"Naku babe! Kung ako sayo magreview kana baka zero ka sa English. Di ka pa naman nakikinig dun" siya.
"Excuse me lagi kaya ako nakikinig sa mga lesson. Napaka impossible namang ma-zero ako dun duhh!" Sabi ko sakanya pero totoo ang mga sinabi nyang di ako nakikinig kase nakakaantok magturo yung prof namin sa English.
"Okay, basta pag nataasan kita. Maglulunch tayo ng sabay mamaya. Bye babe!". Sabi nya at umalis.
Ano daw sabi nya? Pag nataasan nya ako, maglulunchkami ng sabay duhh ayoko nga kasabay yung katulad nyang mayabang.
Pumasok nako sa next subject ko, AP ang next sub ko isa sa mga subjects na tinutulugan ko. Hindi ako nakinig sa prof ko buong isang oras dahil lutang parin ako sa mga sinabi ni Jay kanina. Pano nga kung mataasan nya ako. Ehh? Ayoko nga sya makasabay maglunch baka yabangan lang ako nun pero sure naman akong di nya ako matataasan dahil marereview din ako mamaya.
"Class dismissed, goodbye". Yan lang ang mga salitang naintindihan ko sa mga sinabi at dinaldal ni sir sa harapan.
"Huy Sha! Kanina kapa lutang nagreview kana ba sa English? May Unit Test tayo dun ah? Tapos sabi ng ibang section mahirap daw." Sambit ng kaklase kong si Clarisse.
"Naku unit test ba yon? Kala ko long test lang? Yaan mo na ibang section naman pala nagsabi eh Section 1 kaya tayo." Sabi ko.
"Gaga! Unit test yon. Absent kaba kahapon? Ilang beses binanggit ni sir yon ay?" Sabi nya na tila may malaking question mark sa ulo nya.
"Pumasok ako kahapon pero hindi ako nakikinig kay Sir." Sabi ko sakanya.
"Loka loka ka talaga. Osya magreview kana maraming na- zero sa ibang section bahala ka ikaw rin" sambit nya at sabay na kaming nagpunta sa canteen para dun magpalipas ng break time.
Nang tumunog na ang bell na hudyat na magsisimula na ang klase at pumunta na kami sa next sub ang English.
"Sha, maytatanong lang ako sa office mauna kana." Biglang sbi ni Clarisse at nawala na bigla.
Dumiretso nako sa room namin pagdating ko ay si Jay palang ang nadoon. Inihanda ko na ang saliri ko sa kayabangan niya.
"Sha short for Sharenia, what a beautiful name babe" sabi nya at di ko sya pinansin dahil medyo nasumasakit ang ulo ko.
Maya-maya ay dumating nadin ang prof namin kaya nagready nako ng ballpen para sa unit test.
"10 minutes review then we'll start." Sabi ni Sir at pumunta na sa kanyang desk.
Nagrereview ako pero walng pumapasok sa utak ko. 2 minutes nalang ang natitira sa binigay na palugit ni sir. Sinilip ko si Jay pero hindi sya nagrereview. Ayos pala dahil mas bumaba ang chance nyang manalo.
"Okay time's up, I'll be giving you 30 minutes to answer this, at exact 10:20 you will pass your paper, whether finished or not finished. Get one and pass." Seryosong sabi ni Sir Dale.
Pagdating sakin ng papel at nagulat ako dahil puro identification ang type ng exam at fill in the blanks. Walang laman ang utak ko dahil di ako nagreview. Wala ang sagot ni isa sa mga blank na sa test paper ko. Sinilip ko ulit si Jay pero seryoso syang nagsasagot. Mayamaya ay binitawan na nya ang kanya ballpen at sumandal sa kanyang upuan.
10:10 na, Sampung minuto nalang bago mag 10:20 pero wala parin ako ni isang sagot. Biglang tumapat ng papel sa desk ko at kinuha ang papel na kanina ko pa tinutungangaan. Tinignan ko yong papel na yon at nakita kong test paper iyon at nakasulat ang pangalan ko at puno ng sagot. Tinignan ko ang naglagay non at si Jay iyon.
" Bakit mo pinag—~". Naputol ang sasabihin ko ng magsalita ang prof namin.
"Pass your paper. Finished or not finished." Sambit ng prof namin kaya wala ang nagawa kundi ipasa yung test paper. Pag sinabi ko pa kasi iyon iisipin ng prof namin na sinadya ko iyon at pinlano kase meron naring nangyari ganun sa ibang section.
"Get one and pass, dont get your own paper." Sambi ulit ni sir. Nag check kami ng test paper.
Nakakahiya kase yung papel na dapat para sa akin ay nakakuha ng mababang marka samantalang ang totoo papel nya ay nakakuha ng perfect score at siya lang ang nakagawa non sa buong klase.
"Ms. Wage got a perfect score and She is the highest in all sections." Sabi ni sir at nag palakpakan sila.
BINABASA MO ANG
[New]Unsupported Love(On-Going)
Teen FictionIto si Sharenia ang grade 7 student ng Rizal University. Sa hindi inaasahan ay umibig sa lalaking mayabang, makulit at full of mistery. Magkakaroon kaya ng forever sa dalawang ito? O sila'y hahadlangan? Started: September 18, 2017