ii

282 5 1
                                    

Chapter 2

Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep!

Nandidilim yung paligid ko. Pakshet! Gusto kong manapak! Ito pang sasakyan na to ang ingay ingay! Langya!

Muntik pa kong sagasaan.

Yumuko ako. Di ako umalis sa pwesto ko. Wala akong pakelam. Pag badtrip talaga ako naaning ako eh.. Daig pa broken hearted amputek.

"Oh!" inabot nung lalaki yung panyo niya sakin.

Tiningnan ko siya. 

Anlabo talaga ng paningin ko. Sa luha at sa dugo. Haaay! Pero parang kilala ko tong taong to.

Di ko kinuha yung panyo niya. Tapos bigla kong sinuntok yung muka niya..

Blaaag!

"Aray ko!" hinawakan niya yung part na sinuntok ko. Badtrip yun malamang.

Pero ngumiti siya. Aning din ata to eh.

Charles' POV

"Aray ko!" di ako nagalit sa kanya kahit sinuntok niya yung muka ko. Halata naman kasing may malaking problema siya. May sugat siya sa muka. Tapos umiiyak siya.

Muntik pa namin siyang masagasaan.

"Anong problema?" tanong ko.

Di niya ko sinagot.

Tatakbo na sana siya pero bigla kong hinawakan yung braso niya.

"Bitiwan mo ko." mahina niyang sabi.

"Ayoko. Halika."

Hinila ko siya papunta sa car ko. Actually di ko alam kung saan kami pupunta. Di ko alam kung saan ko siya dadalhin.

Bumaba muna ako sa convenient store para bumili ng colored band aids para sa muka niya..

Pumunta kami sa may seaside ng MOA. Atleast doon, makakapagrelax siya. Naaawa ako sa babaeng to. At aaminin ko. Nung una ko palang siyang nakita, nagustuhan ko na siya agad.

Zee's POV

Haay, presko. Ayos tong lalaking to. Oo si Charles yun. Siya palang yung gumagawa sakin ng ganon,. Bigtime pala siya eh. Mayaman.

Nakaupo lang ako nun dun sa may seaside. Binilhan pa niya ko ng band aid tas pinakain ako. Ayos no?

Maya-maya, bigla nalang siyang kumanta...

Ngumiti ka naman

Wag ka nang lumisan

Nang mapawi na ang lahat ng sakit na nararamdaman

Ngumiti ka naman

Wag ka nang lumisan

At kapiling ko ang lungkot sa aking pag-iisa

Kung wala ka na.

(hiling- Frio)

"Ano yang kantang yan? Ikaw lang ata nakakaalam niyan eh." sabi ko.

Tumawa siya. "Favorite ko yun no? Mahilig ako sa nakakaantok na kanta. Ngumiti ka naman kasi."

Ngumiti na ko. Konti lang. Haha. Ang sweet nitong taong to. Mukang ako pa yung nahulog sa sarili kong bitag ah..

"Yan! Mas bagay sayo Madam Zee." Haha! Tinawag niya kong Madam Zee.

"Ewan ko sayo! Bolero!" ako. Kinikilig na ko.

"Gabi na. Hatid na kita sainyo." oo nga. Gabi na. Di ko din napansin.

nagnod ako tapos hinatid na niya ko sa bahay namin. Haay! Inaalala ko parin yung muka ko. Nasira. Tss! -_______-

"Salamat ah." sabi ko.

"Madam. Para namang di totoo yung sinasabi nila eh." sabi niya.

"Na ano?"

Umiling siya tapos tumalikod na.. Di niya sinabi sakin yung kung ano man yun. Kung anu ano pala yung nachichismis tungkol sakin. Bad shot na talaga ako sa mundo! Pssssh!

__________________________________________________________________________

Yan po muna mga people. Excited na sana ako isulat yung susunod eh. Pero hanggang diyan lang muna. Sana masuportahan niyo. Thank you.. 

Thank you ulit :))

My Fake BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon