Chapter 6
"4th year na tayo! Bat di pa tayo magbago! Puro tayo mga isip bata!" nagtawanan lahat pagkasabi nun ni Jillian..
Tama nga naman. Mga seniors na. Pero yung mga manners freshmen parin.. Hahahaha..
After 2 years. Ito parin ako. Pagkatapos ako iwan ni Charles nang basta basta parang lalong lumala yung ugali ko.. Mas lalo akong naging playgirl. Ewan. Masyado lang ata akong nasaktan.. At ayoko ng ganong feeling..
Naging boyfriend ko ulit si Lance nun.. Pero that time, naiintindihan na niya na wala akong hard feelings sa kanya kaya di rin nagwork..
Madami at madami pa kong naging collection na boys..
"Huy. Anong section mo?" tanong sakin ng mga classmates ko last year.
"Ganon parin." sabi ko..
"Sino bang hinahanap mo? Parang kanina ka pa tingin nang tingin sa kung saan." I'm looking for my love. Gusto ko sabihin yun pero parang tanga naman ako nun..
"Huh? Wala lang.. Sige ah. Uwi na ko." sabi ko nalang. Iwas interview.
"Huy! Inom daw mamaya. Uwi ka na agad?"
"Huh? Susunod nalang ako. Papaalam muna ako. Ano ba iinumin?" inuman nanaman. Hahahaha! Ewan ko lang talaga.
"Ikaw? Magpapaalam?" bigla siyang tumawa. Kahit ako di ko alam kung bakit ko yun sinabi eh. Eh kasi naman bakit di ko siya makita. Sabi niya 2 years! 2 years! Haaay!
"Joke lang. May bibilhin ako sa SM." yan nalang sabi ko.. Hirap magpalusot.
Kinalaunan, pumunta nga ko ng SM, kasama bestfriend ko. Si Liah. Di ko siya schoolmate kaya sa galaan ko siya madalas kasama..
Sa kanya, nakwento ko si Charles.. Si Charles palang ang kauna-unahang lalaki na nakwento ko sa kanya. Yung mga ibang bf ko kasi, nakikilala niya lang kasi naririnig niya. Pero yung kay Charles kinwento ko talaga. So yun..
Sa di ko inaasahan. Parang nakita ko si Charles. May kasama siyang babae. Tas palabas na siya ng exit. Kaya tumakbo ako agad..
"Hoy! Zee! San ka pupunta." di ko pinansin si Liah kaya wala siyang choice. Sinundan nalang niya ako.
"CHARLES!" paglabas ko, bigla silang nawala. Para lang ako nakakita ng multo. Ganun ba kalakas tama ko sa kanya? Tss!
"Hoy.. Zee ano ka ba?" natawa ako kay Liah. Hingal na hingal siya..
"Sinabi ko bang sundan mo ko?" lumakad ako ulit pabalik sa loob ng SM.
"Pinagod mo ko ah. Bat ba bigla kang tumakbo?" sinundan na rin niya ako..
"Para kasing nakita ko si Charles." tumawa siya ng malakas.. Kaya nabatukan ko siya. Nakakahiya tong babaeng to.
"Grabe ka Zee! Nakita mo siya? Gusto mo talaga siya no? Hays ka!" napakamot ako sa ulo pagkasabi niya nun. Medyo napahiya nga ko sa ginawa kong yun..
"Pss! Tumigil ka na. Nagkamali nga eh.. Sorry na!" sabi ko nalang. Kainis. Bakit kasi wala pa siya, bakit kasi di pa siya nagpapakita sakin? Brr!
Tumawa siya ulit. Gustong gusto talaga ng babaeng to pag naaasar ako eh.. Pasalamat to bestfriend ko siya..
"Aalis na ko.. May pupuntahan pa ko eh." nagnod siya, kaya naghiwalay na kami dun. May ka-meet pa daw kasi siya. Ang landi talaga nito. Manang-mana sakin.. :P:P