Chapter 4
"I love you too."
'hee?! Wag wag! Wag mo isipin yun Zarina! Stop stop!'
Naaaning na ko talaga. He's so nice! Sabi ko sa sarili ko, paglalaruan ko siya. Di ko inisip na pahirapan yung sarili ko.. Tss -____- help me Lord. Sa daming lalaki na pinaglaruan ko mukang kinakarma na ko.. Sa lalaking yun pa, eh halos di ko pa siya nakikilala talaga! Deym!
"Zee!" hayy! Sobra ko bang sikat? Sino nanaman yung tumatawag sakin.
Lumingon ako..
Pagtingin ko, isang lalaking pamilyar sakin.. Si..... si Lance.
Going back~
"Sorry na Lance. I was just playing around." yumuko siya.
"Ganon ba? Bakit mo yun ginawa? Mahal na mahal pa naman kita Zee." nakatingin lang ako sa kanya. Super super akong nagi-guilty sa ginawa ko sa kanya.. Di ko akalain na masasaktan talaga siya nang ganon..
"Di ko naman sinasadya.. Sinabi ko naman sayo nung una palang diba? Di ako sure sa pwedeng mangyari. Pero nag-try naman ako."
Tiningnan niya ko.. Umiiyak siya. The heck! Anong klaseng lalaki siya. Umiiyak dahil sa babae..
"Salamat na din.. Dahil sayo inspired ako araw-araw.. Di ko pagsisisihan na naglakas loob ako sayong magsabi ng nararamdaman ko.."
Di na ko nakapagsalita, kasi naglakad na siya palayo..
I hurt him so much.. Wala naman talaga akong intensyon eh.. Totoong nag-try ako, pero wala. Wala talaga akong nararamdaman para sa kanya..
Reality~
"Lance?" nginitian niya ko ng sobrang tamis..
"Kamusta?" OMG. Parang di siya. Ang laki ng pinagbago niya. Ang gwapo na niya ngayon.. Dati kasi elementary palang kami, totoy totoy pa yung ichura niya.. Mag iimprove pa to. Tumanda pa ng konti.
"Bakit ka nandito?" nilapitan niya ko.
"Gusto kita makita Madam Zee." nakatingin lang ako sa kanya..
"Zee! Babe." nagulat ako sa biglang sumingit na boses. 'Babe?' The hell.
Napalingon ako sa nagsabi. Sa harap pa talaga ni Lance sinabi niya yun. Tumingin din si Lance sa kanya.
"Ch...Charles?" OMFG na talaga! What happen to the world?!
"Sino yang kausap mo?" tiningnan ko si Lance. Nagsalubong yung kilay niya. Sobrang gulat siguro.. Di ko alam gagawin ko. Dapat sinusuntok ko na sa muka tong si Charles eh. Pero di talaga ako makagalaw..
"Ahmm.. Anong...?" Di ako nakasalita kasi bigla niya lang akong inakbayan.. Ano ba to?
"Bro.. Ako si Charles.. Zee's boyfriend." boyfriend? He's my boyfriend?
Ngumiti si Lance.. "Ako si Lance. Zee's friend." tapos nagshake hands sila.
"Oh.. He's your friend Babe? Bakit ngayon mo lang siya pinakilala sakin?" ngumiti nalang ako. Di ko alam sasabihin ko eh.
"Lance. Sige aalis na kami." ngumiti si Lance tapos nag nod. Lumakad na kami ni Charles..
Sa Bahay~
"YOU!" nagulat si Charles nung bigla akong sumigaw, napabitaw siya sakin eh.
"What?" napatawa siya nang mahina.
"Anong what?! Bakit mo yun ginawa?" nilapitan niya ko ulit.
Ginawa niya ulit yung ginawa niya sakin kanina. Yung parang may ibubulong. Kinakabahan nanaman ako. Di ako makagalaw. Baka kung ano nanamang sabihin niya..
"Wala lang.. Trip ko lang." Nagbanta ako ng sampal sa kanya kaya bigla siyang lumayo.. Trip? Trip! Arggggh!
Tumawa siya nang malakas tapos tumakbo na palayo..
What's with that guy!?
School~
"Bebe Zee!" Si Myra yun for sure.
"Oh?" Wala akong gana.. Ayokong makita pagmumuka ng lalaking yun. Babangasan ko muka nun pag nakita ko!
"Nagkita na ba kayo?" sino nanaman kaya?
"Huh? Nino?"
"Oo nagkita na kami!" napatingin kami sa nagsalita. Nakangiti lang samin si Lance.. Siya na pogi.. Ngumiti din si Myra tapos biglang umalis. Ang weird lang ng mga tao.
Umupo si Lance sa tabi ko.
"Di mo kasama boyfriend mo?" i sighed! Gusto kong sabihin na hindi ko siya boyfriend.. Pero baka kasi makaisip nanaman siya na ligawan ako. Eh wala talaga akong gusto sa kanya. Tss.
"Wala siya eh." yumuko ako sa may desk ko..
"Bakit ang tamlay mo?"
"Huh? Ah. Ewan. Labas muna ako." tumayo ako. Lalakad na sana ako pero bigla niyang hinawakan yung braso ko..
Maya-maya, biglang may tumapik sa kamay niya..
"I don't allow other people to touch my girl." nagkatinginan silang dalawa..
Parang na-stun nanaman ako.. Di ko nanaman alam gagawin ko..