Chapter 5

211 7 156
                                    

"Hoy! Nakikinig ka ba?" kausap ko pala mga kumag na to. Hindi ko namalayan dahil sa sobrang lalim ng iniisip ko lol.

"Ano na ulit yung pinag uusapan niyo?" tanong ko sa kanila. Kung pwede lang paghiwalayin ang isip at tenga nang sa ganun relate ka pa din sa kanila lol.

"Pinag uusapan lang naman natin dito kung kayo na nung transferee." sabi sakin ni Peter. Ha? Pano napunta sa usapan si Rei?

"Maganda naman siya. Pasado na ba yun sa standards mo?" tanong sakin ni John. Lahat naman pasado sa standards ko eh. (Kung lahat pasado eh di sana hindi ka single ngayon)

Pakilamero talaga tong alaga ko sa utak kahit kailan eh.

"Ilang babae na ang tinanggihan niya? Humigit kumulang hindi na mabilang. Pati sa dati mong school balita ko wala ka ni isang pinansin sa kanila ah. Samantalang lahat ng babae dun hot na mayaman pa. Kung ako siguro nasa kalagayan mo malamang sa malamang nasa paraiso na ako." sabi naman ni Jake. Kilig na kilig sa sinabi niya lol. Tinalo pa ang PBB Teens hahaha.

"Bakit ba lagi na lang babae pinag uusapan natin? Gaya nga ng sabi ko wala akong interes sa mga babae." iritang sabi ko sa kanila. (Bakit ka nga ba naiirita sa mga babae eh wala naman silang ginagawa sayo. Maliban na lang kung may gusto kang gawin nila sayo lol)

Magmula nung napasama ako sa grupo panay babae na lang ang lagi naming pinag uusapan lalong lalo na nung nalaman nila kung sino ako mas lalong dumami taga hanga ko sa school na to. Hindi naman sa panlalait pero wala man lang ni isa sa kanila ang nakaagaw ng atensyon ko.

"Wala kang interes? O may hinihintay ka lang? Kung ako sayo kalimutan mo na lang siya at muli mong buksan ang puso mo para na din hindi ka tawaging 'hari ng mga bitter'. Mula nung nakilala ka namin ni isang beses hindi ka nagkainteres sa babae. Well maliban lang ngayon, ngayon na dumating si transferee. Ano ng pangalan niya ulit? Rose? " sabi sakin ni Peter. Ano na naman kinalaman ni Rei dito?

Hindi nga maitatangging kaibigan ko na nga sila. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa kokote ko at nakwento ko sa kanila buhay ko. Ang masama pa niyan detalyado ko pang kinwento sa kanila. Ni isang beses sa buhay ko wala akong ibang pinagsabihan tungkol sa una kong pag-ibig. (Taray gumaganun? Kwento mo na din samin)

Sa tamang panahon lol.

Kaya ganun na lang kung tuksuhin ako ng mga to.

"Kaya nga tinawag siyang 'hari ng mga bitter' eh, kasi walang ibang nakikitang ibang babae kundi yung babaeng nang iwan sa kanya. Baka naman panahon na para alisin ang titulo mo bilang 'hari ng mga bitter'. Malay mo di ba si transferee na pala ang para sayo." sabay nagtawanan silang tatlo.

Hindi na ako naiinis sa kanila kasi sanay na ako sa kanila. Sanay na ako sa panunukso nila. Sanay na din naman akong tawaging 'hari ng mga bitter'. Pano kung tama sila na baka panahon na para alisin ko sa akin ang titulo? (Pano si Shasha?)

"Oops. Speaking of. Here comes the bride" sabi ni Peter. Paglingon ko kung sino sinasabi niya.

"Hi Mark" ngiting bati sakin ni Rei.

"Maiwan na namin kayong dalawa at may kukunin lang kami. Nasayo na kung pano mo didiskartehan. Kung kailangan mo lang ng karamay pag binasted ka niya nandito lang kami" sabi sakin ni John sabay alis nilang tatlo.

Mga traydor talaga mga to. Alam naman nila kung pano ako makitungo sa babae eh. (Pano nga ba?)

"Sorry nga pala sa inasal ko nung isang gabi. Bawal kasi kami makipag usap sa customer lalo na kung personal na bagay. Sana hindi sumama loob mo" sabi sakin ni Rei at umupo sa tabi ko.

Dumistansya ako ng kunti sa kanya. Sabi sa inyo eh hindi ko alam kung pano makitungo sa babae. (Hindi alam? Di ka na nasanay kay Shasha)

"Sorry. Hindi lang ako nasanay madikitan ng babae" sabi ko sa kanya pero yung kaba ko hindi pa rin nawawala. Bakit sa tuwing kausap ko siya lagi na lang akong kinakabahan.

Hari ng mga BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon