Chapter 1

1.2K 24 66
                                    

Mark's POV

Haaaaay naku naman sa lahat talaga ng ayoko ang sumapit ang Valentine's Day.

So ano ngayon kung wala akong jowa? So ano ngayon kung wala akong nililigawan? Big deal ba yun?

Nga pala ako pala si Mark Gerald Styles. Bitter pagdating sa buhay pag-ibig. Mas gugustuhin ko na lang maglaro ng dota kesa makipagrelasyon sa mga babaeng walang kwenta.

Matalino ako at masipag sa pag-aaral pero pagdating sa mga babae. Naku waley sila sakin. Hindi naman sa bakla ako pero wala lang talaga akong interes sa kanila.

Ang mga babae kasi pare pareho lang ang mga yan. Mga iyakin hahaha. Tsk! Ang dami daming nasasayang na luha dahil sa mga walang kwentang relasyon. (May pinagdaanan ka na dati nuh kaya ka bitter lol)

Wala ah. Wala pa nga akong nakarelasyon. NGSB kaya to nuh! (No girlfriend since birth). Ayoko lang kasi nakakakita ng babaeng umiiyak. Gusto ko kasing manapak ehh.

"Hoy Mark kelan mo ba kasi balak sagutin mga manliligaw mo? Grabe taon taon na lang ang daming nagbibigay sayo ng chocolates at bulaklak. Iba na talaga ang famous!" sabi ni Jake habang hawak hawak ang mga bulaklak

"At taon taon din ni isang piraso ng bulaklak o chocolate hindi nya tinatanggap. Kaya sa huli tayo ang nakikinabang. In short tayo ang nililigawan." dagdag naman ni Peter sabay apir nila ni Jake.

"Umamin ka nga samin Mark. Bakla ka ba? Wag kang mag-alala kahit bakla ka tatanggapin ka pa rin namin." pagbibiro naman ni John.

"Langya John. Ako bakla? Baka gusto mong patunayan ko yan sayo?"

"Aba pre nanghamon ang hari ng mga single at bitter!" sigaw ni Jake.

"Aba ang mga ganyang usapan kailangan pinag uusapan ng maigi para ang usapan na ito ay mauwi sa maayos na usapan. Yan ang usapan. Tapos ang usapan." sabi naman ni Peter. Minsan talaga magulo kausap tong si Peter eh

"Bayan Peter hindi ka nakakatulong ehh! Ok Mr. Bitter kung hindi ka bakla dapat ngayong araw may makadate ka. Syempre kailangan may ebidensya. Ok ba yun?" paghamon sakin ni John.

"Game yan lang pala eh! Hindi ako mahihirapan diyan." Pero sa totoo lang kinakabahan na ako. Sino naman idadate ko? Wala naman akong nagustuhan ni isang babae dito sa school! Hay problema to!

"Hayun ohh! Tinanggap ang hamon!" sigaw ni Peter sabay apir nilang tatlo.

San naman ako hahanap ng makakadate ko?

-----
A/N: Hi guys. Inedit ko lang ng konti at tinanggal mga tawa lol. Nabasa ko kasi mga comments niyo na panay na lang tawa and sorry for that :) but anyways thank you guys for reading my story. I promise to make it better even if it's just a mere short story lol. Love you guys :*********

Hari ng mga BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon