Its been a week na pumapasok ako, at iisa pa lang ang kaibigan ko yun si Bea. Ewan ko pero pag may nakikipagusap sa akin uncomfortable ako, pero pag kay Bea parang ang gaan-gaan ng loob ko sa kaniya, siguro kasi pareho kaming man-hater? Ewan.
Nasa hallway muna ako, nagbabasa-basa ng libro, may bench kasi dito tapos ang hangin-hangin pa. Di ko kasama si Bea ngayon kasi nagtataekwondo kasi siya may practice daw siya.
Page 48 na ako out of 598 pages. Nang may mga grupo ng lalaki ang nakapalibot sa akin. " Hi miss" sabi nung isa, di ko na lang sila pinansin nagbasa na lang ako ng nagbasa " Hi miss" sabi ulit nung isang nagsisigarilyo, bawal yun dito sa school hah?
Umalis na lang ako pero nakaharang na sila. Binigyan ko sila ng don't-you-dare-touch-me look. "Balita namin Class A ka hah? matalino ka pala." sabi nung isa. Hinawakan ako sa kamay nung isang medyo matino ang mukha.
" pipi ka ba? bakit hindi ka nagsasalita?" tanong nung isa habang hinahawakan ang chin ko. " Ano ba? bitawan niyo nga ako!" sabi ko habang nagpupumiglas. " Ay.. mataray " sabi nung isa.
"Bibitawan niyo ba ako o sisipain ko yang mukha niyo? " sabi ko sa kanila with confidence pa. " Kung kaya mo!" sabi nung isa sabay hawak na sa kamay ko. " wag ka masyadong magalaw mabilis lang toh!" sabi nung isang with seducing voice.
Pumikit na lang ako kasi ang lakas ng pagkakahawak nila sa kamay ko. Parang wala naman nangyari i mean buti na lang walang nangyari. Pagkadilat ko nakita ko ang isang lalaki na nakikipag suntukan dun sa grupo ng lalaki, grabe ang lakas niya. 1 vs 10?
"Okay.... ka..... lang?" tanong niya na medyo hinihingal pa. " Kaya ko naman ang sarili ko" sabi ko sa kaniya sabay alis. " wala ba naman thank you?" tanong niya, " bakit ako magpapasalamat? sinabi ko ba na tulungan mo ako? " sabi ko sa kaniya.
" Ako nga pala si Luhan" sabi niya. " May nagtatanong ba?" sabi ko " wala lang, baka kasi balang araw ikaw naman ang magtanong kung anong pangalan ko" sabi niya sa akin " N-E-V-E-R.. NEVER!" sigaw ko sa kaniya.
nang may biglang nagsigawan, Binuhat niya ako sabay takip sa bibig ko. nagtago kami sa clinic.

BINABASA MO ANG
Crazy game called Love ( Luhan Fanfic )
FanfictionNagsimula ang lahat sa pustahan, hanggang sa magkahulugan ng loob.... at biglang nalaman na ang lahat pala ay pustahan lamang. Mapapatawad pa kaya ang isa't-isa? o talagang hindi na makakamit ang happy ever after?