Paalam...

2.9K 46 27
                                    

Hindi ko na alam, hindi ko na alam ang gagawin ko. Matapos ang araw na yon nang iwan mo ako…wala na akong ginawa sa buhay ko kundi magmukmok sa bahay, makipag-inuman sa barkada at magpakalasing maghapon. Nakakatamad na ang buhay ko. Ngayon, isang taon na ang nakakalipas, ikaw padin ang iniisip ko. Yung sulat mo? Ayun, nakalagay sa mesa ko. Inaalikabok. Kung ibang tao ako siguro sinunog ko na toh, ewan ko ba. Ang galing mo. Sa lahat ng taong pwedeng kalimutan tuwing lasing ako ikaw pa yung naiiwan. Gusto kong mainis sa lahat ng babae dahil sayo. Paasa ba talaga kayo? May kulang ba ako Camille? Kumusta ka na kaya ngayon? Sana nasa maayos kang kalagayan. Ako? Nako wag mo ‘ko intindihin…kaya ko toh. Hindi naman ako selfish gaya ng ibang tao diyan na matapos mong mahalin ng buo eh iiwan ka nalang. Sana Masaya ka kung nasan ka man ngayon. San nga ba yon? Ah sa Los Angeles diba? Sa L.A. Tapos na siguro yung mga araw na naging masaya ako. Salamat na lang sa mga alaala Camille. Sana…sana lang makalimutan na kita.”

                Isang mahabang status nanaman ang inilimbag ko sa aking facebook. Maya-maya pa ay dudumugin nanaman ako ng sangkatutak na komento.

“Ang drama mo!”

“Move on men!”

“She’s not worth it Roy…smile ka nalang…J”

“Bigti bigti din pag may time haha.”

“Mali kadin kasi eh, pumatol ka dun eh wirdo yun!”

Ok lang, sabihin nila lahat ng gusto nilang sabihin. Ano pa nga ba ang saysay? Mabigat na sa dibdib eh. Halos tuwing maaalala ko siya halos maiyak ako sa sakit, wala akong magawa kundi isigaw ang mga gusto kong sabihin. Heto nga, tumutulo nanaman ang luha ko. maglo-log out na sana ako pero isang comment ang napansin ko.

“Pre tara, shot tayo!” “Saan?” tanong ko.

“Daanan mo muna ako dito sa bahay, Metro Walk tayo!” sabi niya.

“Sure, sige ligo lang ako.” Sabi ko sabay log-out.

“San ka nanaman pupunta gabing-gabi na ah?!” tanong ni mama, nakita niya kasing nakabihis ako at akmang lalabas na ng bahay.

“Diyan lang po ma.” Sabi ko.

“Ikaw ah napapadalas na yang pag-alis mo ng gabi!”

“Uuwi din po ako agad…” sabay labas na ng bahay. Nakalabas na ako ng hiyawan ako ni mama.

“Hoy! Ayus-ayusin mo yang buhay mo ah! Umuwi ka agad!” Alas diyes na ng gabi, lumabas ako ng bahay. Tulala. Parang ewan. Gustong makalimot kung sino ako. Napapadalas? Oo nga, napapadalas yung scenario na ganto. Uuwi ako galing school, magpapahinga kakain at kapag niyaya ng mga kabarkada lalabas ng gabi. Anong bago? Heto. Nawala ka lang nawalan nadin ng saysay lahat. Ang lakas ng epekto mo! Para kang alak! Pagkatapos masiyahan bibigyan mo ako ng sakit ng ulo! “Tol san punta?” tanong ng kapitbahay naming tsismoso.

“Iinom lang dre…” sabi ko. “Ayos yan haha…magandang gamot yan sa katawan!” kantiyaw niya. Naglakad nalang ako ulit. Gamot? Bakit ano bang sakit ko ngayon? Kung pagkakasakit ang usapan gusto ko na nga magkaroon noon, yung malubha. Simula nung nawala ka hindi nga ako nagkakasakit napansin ko lang, isa lang ang masakit sakin, yung puso ko. Dinala mo siguro, tapos nung nasa himpapawid na yung eroplano na sinasakyan mo ayon, nilaglag mo. Sana binalik mo nalang ulit. Akala ko kasi pahahalagahan mo. Ang galing mo din talaga eh. Magpapaalam ka na aalis ka sa sulat mo pa dinaan. Magkasama lang tayo bago ka umalis kinabukasan wala ka na? Anong trip mo ate? Ang dami kong akala sayo! Akala ko mahal mo talaga ako. Sa sulat mo nakalagay pa na sana magkaroon na ako ng maraming bagong kaibigan? Ano gusto mo palabasin?! Na kinaibigan mo lang ako? Sabagay, ni hindi ko nga narinig sayo na mahal mo ako, galing sa puso mo? Baka sa nguso mo lang! Mamatay na lang sana ako sa dami ng maling akala ko sayo. Akala ko iba ka sa ibang babae diyan. Magkaiba man mga ugali niyo iisa padin kulay ng budhi nyo! Maitim!

Abot LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon