"Hindi nga pre?!"
"BOOM PANIS!"
"Seryoso ka?!"
Ang ganda ng mga reaction ng mga kabarkada ko. Eh ayun na nga eh. Kinwento ko na. Sa sobrang pangungulit nila kung bakit hindi ako nagpakita sakanila kahapon, ayan. Napakwento tuloy ako ng mga nangyari.
"Ano bang gusto nyong malaman. Yun nga yung nangyari." Sabi ko sabay lagok ng beer mula sa bote.
"Langya! Binata ka nanaman pre! Yung dati walang kiss. Ngayon meron na!" Pang-aalaska nanaman ni Topher.
"Nakakainggit ka par! Bakit ba ganyan ka sa mga chicks? Tapos e-emo emo ka pa. Hindi ka ba natutuwa may nagkagusto sayong ganun kaganda?" Tanong naman ni Ching. Umiling lang ako sabay ngumiti ng matipid.
"Hindi ko alam pare. Uhmm. Ano bang gagawin ko? Hindi ko nga alam kung para saan yung halik na yun."
"Nagtanong pa ang mokong, Syempre gusto ka niya. Labi yun pare. Ok sana kung sa pisngi lang yun. Tsk." Umiling din si Mark pagkatapos. Pero ayoko talagang isipin na may gusto saakin si April. May gusto? Parang bata ang dating. Sagwa. Hmm. Pero ang nararamdaman ko sakanya, siguro hindi lang iyon paghanga.
"Tingnan mo toh, nag-imagine na naman. Huy!" Saway ni Topher. Siguro natulala nanaman ako.
"Pero alam mo pre, mas ok na yan. Naka-move on ka na. Cheers!" Inangat naman ni Mark ang bote niya ng beer. Inangat din ni Ching ang kanya at ang kay Topher.
"Para sa kaibigan nating torpe na emo pa. Haha!" Pang-aasar naman ni Topher bago niya inumin ang alak niya. Napangiti na lang ako at tumungga din.
"Sana nga naka-move on na. Noh?" Pahabol ni Ching. Tumingin siya sakin na parang nang-aasar din. Move on? Madaling sabihin sakanila yan. Pero siguro wala na ngang silbi ang balikan ang nakaraan, kasi nga tapos na eh. Sinunog ko na yung sulat niya kelan lang. At gusto ko nang kalimutan pa ang muka niya. Nakakalimutan ko na. Simula kasi kagabi nung hinalikan ako ni April hindi ko na maalis sa isip ko ang muka niya.
Napangiti na lang ako ulit. Muli namang nagtawanan ang mga kabarkada ko pero sa pagkakataong toh hindi na ako ang topic. Buti naman. Tumingin na lang ako sa labas ng bar na iniinuman namin. Ang dami paring tao sa Eastwood, kahit na malalim na ang gabi.
"Roy?"
"Uhmm?"
"Kung tatawagin ko ba ang pangalan mo sasagot ka lagi ng ganyan?" Tanong ni April. Nagulat ako nang marinig ko ng malinaw ang boses na iyon. Agad kong tinanggal ang bag na nakapatong sa muka ko. Nakahiga kasi ako sa paborito kong pwesto sa bakuran ng school. Sa mahabang upuan na gawa sa semento at sa gilid ko naman ay ang mesa din na gawa sa semento.
"April!" Agad akong bumangon at umupo.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Abot Langit
Non-FictionAng sequel ng Patunayan. Kapag mapait ang buhay kailangan ng chaser. Matuto tayong lumangoy kapag nalulunod na tayo sa alak at pag-ibig mga bro! :-) -EMPriel